Filemon
I. Pambungad
bb. 1-3
1 Si Pablo, isang bilanggo ni Kristo Hesus, at si Timoteo na kapatid, kay Filemon na aming minamahal at kamanggagawa,
2 At kay 1Apia na ating kapatid na babae, at kay 1Arquipo na kapwa kawal namin, at sa 2ekklesia na nasa iyong bahay:
3 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
II. Isang Alipin na Isinilang-muli
upang maging isang Kapatid
bb. 4-16
4 Nagpapasalamat akong lagi sa aking Diyos, binabanggit ka sa aking mga panalangin,
5 Sa pagkabalita ko sa iyong 1pag-ibig at sa iyong pananampalataya sa Panginoong Hesus at sa lahat ng mga banal,
6 1Upang ang pakikipagsalamuha ng iyong pananampalataya ay makakilos nang mabisa sa 2lubos na pagkaalam sa 3bawa’t mabuting bagay na nasa 4inyo 5para kay Kristo.
7 1Sapagka’t ako ay totoong nagalak at nabigyang-sigla ng iyong pag-ibig, sapagka’t ang mga 2puso ng mga banal ay 3napanariwa sa pamamagitan mo, kapatid.
8 Kaya, bagama’t kay Kristo ay mayroon akong labis na lakas ng loob nang ipagtagubilin ko sa iyo ang nauukol,
9 Gayunman, alang-alang sa pag-ibig, ay mamatamisin ko pa ang mamanhik, sa pagiging gayong isa na katulad ni Pablo 1ang may gulang, at ngayon din naman, isang 2bilanggo ni Kristo Hesus.
10 Ipinamamanhik ko sa iyo ang aking anak, na aking 1ipinanganak sa aking mga tanikala, si 2Onesimo,
11 Na noong una ay 1hindi mo pinakinabangan, datapuwa’t ngayon ay 2kapaki-pakinabang na sa iyo at sa akin;
12 Siya na aking pinabalik sa iyo, samakatuwid ay, ang aking 1sariling puso;
13 Na ibig ko sanang panatilihin sa aking piling, upang sa halip mo ay paglingkuran niya ako sa mga tanikala ng ebanghelyo,
14 Datapuwa’t kung 1wala kang pasiya ay hindi ako gagawa ng anuman, upang ang iyong kabutihang-loob ay huwag maging tila sa pangangailangan, kundi sa kusang-loob.
15 1Sapagka’t 2marahil sa ganito, siya ay napahiwalay sa iyo sa sandaling panahon, upang siya ay 3lubusang mapasa iyo 4magpakailanman,
16 1Hindi na bilang alipin, kundi 2higit sa isang alipin, isang kapatid na 3minamahal, lalung-lalo na sa akin, at gaano pa kaya sa iyo, 4kapwa sa laman at sa loob ng Panginoon.
III. Isang Kapatid na Inirekomenda
para sa Pagtanggap ng Bagong Tao
bb. 17-22
17 Kung ako nga ay inaari 1mong 2kasama, tanggapin mo siyang parang ako rin.
18 At kung siya ay 1nagkasala sa iyo sa anumang bagay, o may utang sa iyo ng anuman, ay 2ibilang mo sa akin;
19 Akong si Pablo, na sumusulat nito ng aking sariling kamay, ang siyang 1magbabayad sa iyo; hindi sa sinasabi ko sa iyo na maging ang 2iyong sarili ay utang mo pa sa akin.
20 Oo, kapatid, magkaroon nawa ako ng 1pakinabang sa iyo sa Panginoon; 2panariwain mo ang aking 3puso kay Kristo.
21 Sa pagkakaroon ng tiwala sa iyong pagtalima ay sinulatan kita, palibhasa ay nalalaman ko na gagawin mo ang higit pa kaysa sa aking sinasabi.
22 At kasabay nito ipaghanda mo rin ako ng matutuluyan; sapagka’t 1inaasahan kong sa pamamagitan ng inyong mga panalangin ay 2mabiyayang ipagkakaloob ako sa inyo.
IV. Konklusyon
bb. 23-25
23 Binabati ka ni 1Epafras, na aking kasama sa pagkabilanggo sa loob ni Kristo Hesus;
24 At gayundin ni Marcos, ni Aristarco, ni Demas, at ni Lucas na aking mga kamanggagawa.
25 Ang 1biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo ay sumainyong 2espiritu. 3