Filipos
KAPITULO 4
V. Si Kristo Bilang ang Lihim ng Kasapatan
4:1-20
A. Nag-iisip ng Magkatulad na Bagay at Nagagalak sa loob ng Panginoon
bb. 1-4
1 Kaya nga, mga kapatid kong minamahal at pinananabikan, aking 1kagalakan at putong, tumayo nga kayong matibay sa loob ng Panginoon, mga minamahal ko
2 Ipinamamanhik ko kay Euodias, at ipinamamanhik ko kay Sintique, na 1mag-isip ng magkatulad na bagay sa loob ng Panginoon.
3 Oo, ipinamamanhik ko rin naman sa iyo, tunay na 1kasama-sa-pamatok, na iyong 2tulungan sila, sapagka’t sila ay 3nagsikap na kasama ko sa ebanghelyo, at kasama rin naman ni Clemente, at ng ibang mga kamanggagawa ko, na ang mga pangalan ay nasa 4aklat ng buhay.
4 1Mangagalak kayong lagi sa loob ng Panginoon; muli kong sasabihin, mangagalak kayo.
B. Ang mga Ekselenteng Katangian ng Buhay-Kristiyano
bb. 5-9
5 1Makilala nawa ng lahat ng tao ang inyong 2kahinahunan. Ang Panginoon ay 3malapit.
6 Huwag kayong 1mabalisa sa anumang bagay, kundi sa lahat ng bagay, sa pamamagitan ng 2panalangin at daing 3na may pagpapasalamat ay ipaalam ninyo ang inyong mga kahilingan 4sa Diyos;
7 At ang 1kapayapaan ng Diyos, na di-masayod ng kaisipan, ang 2mag-iingat ng inyong mga 3puso at ng inyong mga pag-iisip sa loob ni Kristo Hesus.
8 Sa katapus-tapusan, mga kapatid, anumang bagay na 1totoo, anumang bagay na 2kagalang-galang, anumang bagay na 3matuwid, anumang bagay na 4dalisay, anumang bagay na 5kaibig-ibig, anumang bagay na may 6mabuting ulat, kung may anumang 7kagalingan at anumang 8kapurihan, 9isipin ninyo ang mga bagay na ito.
9 Ang mga bagay na inyo 1ring natutuhan at 2natanggap at narinig at 3nakita sa akin, gawin ninyo ang mga bagay na ito; at ang 4Diyos ng kapayapaan ay sasainyo.
C. Ang Pagsasalamuha ng mga Mananampalataya sa Apostol at ang Lihim ng Kasapatan ng Apostol
bb. 10-20
10 Datapuwa’t ako ay lubhang nagagalak sa loob ng Panginoon, na ngayon, matapos ang isang panahon, ay muli ninyong 1pinamulaklak ang inyong pagmamalasakit sa akin; na ukol sa bagay na ito ay tunay kayong nangagmalasakit, nguni’t kayo ay hindi nagkaroon ng pagkakataon.
11 Hindi sa ako ay nagsasalita ng dahil sa kasalatan, sapagka’t aking natutuhan ang 1masiyahan sa anumang kalagayang aking kinaroroonan.
12 Nalalaman ko kung paano ang 1mapababa, at nalalaman ko rin kung paano ang 2managana; 3sa bawa’t bagay at sa lahat ng bagay ay 4natutuhan ko ang lihim kapwa 5sa kabusugan at sa kagutuman, at kapwa 6sa kasaganaan at 7sa kasalatan.
13 Magagawa ko ang lahat ng bagay 1sa loob Niya na 2nagbibigay-kapangyarihan sa akin.
14 Gayunpaman ay mabuti ang inyong ginawa na kayo ay 1nakiramay sa aking 2kapighatian.
15 At kayong mga taga-Filipos, nalalaman naman ninyo, na nang pasimulan ang ebanghelyo, nang ako ay umalis sa Macedonia, wala ni isang ekklesia ang 1nakibahagi sa akin sa 2kuwenta ng 3pagkakaloob at pagtanggap kundi 4kayo lamang;
16 Sapagka’t maging sa Tesalonica ay nagpadala kayong minsan at muli para sa aking kailangan.
17 Hindi sa ako ay naghahanap ng 1kaloob, kundi hinahanap ko ang 2bunga na dumarami sa inyong 3kuwenta.
18 Datapuwa’t ako ay mayroon ng lahat ng bagay at nananagana; ako ay 1nabusog, palibhasa ay tumanggap kay Epafrodito ng mga 2bagay na galing sa inyo, na isang 3samyong masarap, isang 4haing kaaya-aya, na lubhang nakalulugod sa Diyos.
19 At 1pupunan ng 2aking Diyos ang bawa’t kailangan 3ninyo 4ayon sa Kanyang mga kayamanan 5sa kaluwalhatian 6sa loob ni Kristo Hesus.
20 Ngayon nawa ay suma1ating Diyos at Ama ang 2kaluwalhatian 3magpakailanman. 4Amen.
VI. Konklusyon
4:21-23
21 Batiin ninyo ang bawa’t banal sa loob ni Kristo Hesus. Binabati kayo ng mga kapatid na kasama ko.
22 Binabati kayo ng lahat ng mga banal, lalung-lalo na ng 1mga kasambahay ni Cesar.
23 Ang 1biyaya ng Panginoong Hesu-Kristo ay sumainyong 2espiritu.