Filipos
KAPITULO 3
IV. Ang Habulin at Tamuhin si Kristo
3:1-21
A. Naglilingkod sa pamamagitan ng Espiritu, Hindi Nagtitiwala sa Laman
bb. 1-6
1 Sa katapus-tapusan, mga kapatid ko, mangagalak kayo sa Panginoon. Ang pagsulat nga sa inyo ng mga gayon ding bagay, sa akin ay tunay na hindi 1nakangangalay, at sa inyo ay 2katiwasayan.
2 1Magsipag-ingat kayo sa mga 2aso, magsipag-ingat kayo sa masasamang 2manggagawa, magsipag-ingat kayo sa mga sa 2paghihiwa;
3 Sapagka’t tayo ang sa 1pagtutuli, na 2nagsisipaglingkod sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos, at nangagmamapuri kay Kristo Hesus, at 3walang anumang pagtitiwala sa 4laman,
4 Bagama’t ako ay makapagtitiwala sa laman; na kung ang iba ay nag-aakala na magkaroon ng pagtitiwala sa laman, ay lalo na ako:
5 Na tinuli nang 1ikawalong araw; mula sa 2lahi ng Israel, mula sa 3lipi ni Benjamin, 4Hebreo sa mga Hebreo; tungkol sa 5kautusan, isang 6Fariseo;
6 Tungkol sa 1pagsisikap, inuusig ang ekklesia; tungkol sa katuwiran na nasa kautusan, 2naging walang kapintasan.
B. Inaring Kalugihan ang Lahat ng Bagay Alang-alang kay Kristo
bb. 7-11
7 1Gayunpaman, ang mga 2bagay na sa akin ay pakinabang ay inari kong 3kalugihan 4alang-alang kay Kristo.
8 1Oo nga, at ang lahat ng bagay ay 2inari ko ring kalugihan alang-alang sa 3dakilang kagalingan ng pagkakilala kay Kristo Hesus na aking Panginoon, 4na alang-alang sa Kanya ay tiniis ko ang kalugihan ng lahat ng bagay, at inari kong 5sukal lamang upang 6matamo ko si Kristo,
9 At 1masumpungan ako sa loob Niya, 2na hindi ko tinataglay ang sarili kong 3katuwiran na 4sa kautusan, kundi ang katuwiran sa pamamagitan ng 5pananampalataya kay Kristo, ang 6katuwiran ngang 4sa Diyos na batay 7sa pananampalataya,
10 Upang 1makilala ko Siya at ang 2kapangyarihan ng Kanyang pagkabuhay na muli, at ang 3pagsasalamuha ng Kanyang mga pagdurusa, na ako ay 4naiwawangis sa kanyang kamatayan,
11 Kung sa anumang paraan aking 1matamo ang 2higit na pagkabuhay muli mula sa mga patay.
C. Tinatamo si Kristo Sa pamamagitan ng Paghahabol sa Kanya
bb. 12-16
12 1Hindi sa ako ay 2nakapagtamo na, o ako 3ay 4nalubos na, kundi 5naghahabol ako, baka sakaling 6matanganan ko 7yaong ikinatatangan naman sa akin ni Kristo Hesus.
13 Mga kapatid, 1hindi ko pa inaaring ako ay nakatangan na, datapuwa’t isang bagay ang ginagawa ko 2nililimot ang mga bagay na nasa likuran, at 3tinutungo ang mga bagay na hinaharap,
14 Ako ay 1naghahabol tungo sa 2gol para sa 3gantimpala ng 4mataas na pagtawag ng Diyos na na kay Kristo Hesus.
15 Kaya nga, kung ilan tayong 1lumago na nang lubusan, ay magkaroon ng 2ganitong kaisipan; at kung sa anuman ay nagkakaiba kayo ng iniisip ay 3ipahahayag naman ito sa inyo ng Diyos.
16 1Lamang, 2magsilakad tayo ayon sa 3gayunding alintuntunin, 4na ating naabot na.
D. Naghihintay kay Kristo Para sa Pagbabagong-anyo ng Katawan
bb. 17-21
17 Mga kapatid, kayo ay magkaisang maging tagatulad sa akin, at tandaan ninyo ang mga nagsisilakad nang gayon, ayon sa halimbawang nakikita ninyo sa amin.
18 Sapagka’t 1marami ang mga nagsisilakad na siyang madalas kong sinasabi sa inyo, at ngayon ay sinasabi ko sa inyo na may pag-iyak, na sila ang mga kaaway ng 2krus ni Kristo,
19 Na ang 1kanilang kahihinatnan ay ang kapahamakan, na ang kanilang diyos ay ang tiyan, at ang kanilang kaluwalhatian ay nasa kanilang kahihiyan, na naglalagak ng kanilang mga kaisipan sa 2mga makalupang bagay.
20 Sapagka’t ang ating 1pagkamamamayan 2ay nasa mga 3kalangitan, na mula rin doon ay sabik nating hinihintay ang isang Tagapagligtas, ang Panginoong Hesu-Kristo,
21 Na Siyang 1magbabagong-anyo ng 2katawan ng ating pagkamababa, upang mapawangis sa 3katawan ng Kanyang kaluwalhatian, 4ayon sa paggawa Niyaong makapagpapasuko ng lahat ng bagay sa Kanya.