Filipos
KAPITULO 2
III. Ang Kunin si Kristo bilang Tularan at ang Tanganan Siya nang may Pagtatanyag
2:1-30
A. Magkaugpong sa Kaluluwa, Nag-iisip ng Iisang Bagay
bb. 1-4
1 1Kaya nga kung may anumang pagpapalakas-loob sa loob ni Kristo, kung may anumang 2kaaliwan ng pag-ibig, kung may anumang pakikipagsalamuha ng espiritu, kung may anumang 3pagkaawa at mga kahabagan,
2 1Lubusin ninyo ang aking 2kagalakan, na kayo ay 3mag-isip ng magkatulad na bagay, magtaglay ng 4isa ring pag-ibig, na 5magkaugpong sa kaluluwa, at 3nag-iisip ng 6iisang bagay,
3 1Na huwag ninyong gawin ang anuman sa pamamagitan ng 2pakikipagtunggalian o sa pamamagitan ng gloryang-walang-kabuluhan, kundi sa 3kababaan ng 4kaisipan, ipalagay ng bawa’t isa sa inyo ang iba na lalong mabuti kaysa sa inyong mga sarili,
4 Huwag tingnan ng bawa’t isa sa inyo ang sa kanyang sariling mga 1bagay kundi ang mga 1bagay rin naman ng iba.
B. Kinukuha si Kristo bilang Tularan
bb. 5-11
5 1Hayaan ang ganitong kaisipan na mapasa inyo na kay 2Kristo Hesus din naman.
6 Na Siya, bagama’t 1umiiral sa 2anyo ng Diyos, ay 3hindi Niya inari ang pagkapantay sa Diyos na isang bagay na nararapat panghawakan,
7 Kundi 1binasyo Niya ang Kanyang Sarili, kinuha ang 2anyo ng isang alipin, na 3naging 4kawangis ng mga tao;
8 At palibhasa ay 1nasumpungan sa 2anyong tao, 3ibinaba Niya ang Kanyang Sarili, na naging masunurin maging hanggang sa kamatayan, oo, sa 4kamatayan sa krus.
9 Kaya, Siya naman ay 1dinakila ng Diyos, at Siya ay 2binigyan ng 3pangalang lalo sa lahat ng pangalan,
10 Upang 1sa pangalan ni Hesus, ang bawa’ t tuhod ay luluhod, ng yaong mga nasa 2langit, at nasa 3ibabaw ng lupa, at nasa 4ilalim ng lupa,
11 At upang 1hayag na aminin ng bawa’t dila na si Hesu-Kristo ay 2Panginoon, 3sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.
C. Isinasagawa ang Ating Kaligtasan sa pamamagitan ng Pagtangan nang may Pagtatanyag kay Kristo
bb. 12-16
12 1Kaya nga, mga minamahal ko, kung paano ang inyong laging 2pagsunod, hindi lamang gaya ng nasa harapan ko, bagkus lalo ngayong ako ay wala, 3isagawa ninyo ang inyong sariling 4kaligtasan nang may 5takot at panginginig;
13 1Sapagka’t 2Diyos ang gumagawa sa inyo maging sa 3pagnanasa at sa 4paggawa, dahil sa Kanyang 5mabuting kaluguran.
14 Gawin ninyo ang lahat ng bagay nang walang mga 1pagbubulung-bulong at pangangatuwiran,
15 Upang kayo ay maging walang kapintasan at 1walang daya, mga 2anak ng Diyos na 3walang dungis sa gitna ng isang liko at 4masamang henerasyon, na sa gitna nila ay lumiliwanag kayong tulad ng mga 5ilaw sa 6sanlibutan,
16 1Tinatanganan nang may pagtatanyag ang 2salita ng buhay; upang may 3ipagkapuri ako sa 4kaarawan ni Kristo, na hindi ako tumakbo nang walang kabuluhan ni nagpagal man nang walang kabuluhan.
D. Isang Handog na Inumin na Ibinuhos sa Hain ng Pananampalataya
bb. 17-18
17 Datapuwa’t kahit na ako ay ibuhos bilang isang 1handog na inumin sa 2hain at makasaserdoteng paglilingkod ng inyong 3pananampalataya, ako ay 4nagagalak at 5nakikigalak sa inyong lahat.
18 At sa ganyan ding paraan kayo ay nagagalak naman, at 1nakikigalak sa akin.
E. Ang Pagmamalasakit ng Apostol sa mga Mananampalataya
bb. 19-30
19 Datapuwa’t inaasahan ko sa Panginoong Hesus na maisugo sa inyo si Timoteo sa lalong madaling panahon, upang ako naman ay 1mapanatag, sa pagkaalam ko ng inyong kalagayan.
20 Sapagka’t walang tao na 1katulad ko sa kaluluwa ang magmamalasakit na totoo sa inyong kalagayan;
21 Sapagka’t hinahanap ng lahat ang kanilang sariling mga bagay, hindi ang mga 1bagay ni Kristo Hesus.
22 Nguni’t nalalaman ninyo ang kanyang 1pagkaaprubado na gaya ng anak sa ama, 2naglingkod siyang kasama ko sa ebanghelyo.
23 Siya nga ang aking inaasahang isugo kaagad, kapag nakita ko na kung ano ang mangyayari sa akin;
24 Datapuwa’t umaasa ako sa Panginoon, na diyan ay makararating din naman ako sa lalong madaling panahon.
25 Nguni’t inakala kong kailangang isugo sa inyo si Epafrodito, na aking 1kapatid at kamanggagawa at kapwa kawal nguni’t inyong 2apostol at 3pansaserdoteng tagapaglingkod sa aking pangangailangan;
26 Yamang siya ay nananabik sa inyong lahat, at totoong siya ay namanglaw, sapagka’t inyong nabalitaan na siya ay may sakit.
27 Katotohanan ngang nagkasakit siya, na malapit na siya sa kamatayan, nguni’t kinaawaan siya ng Diyos, at hindi lamang siya bagkus maging ako, upang ako ay huwag magkaroon ng sapin-saping kalumbayan.
28 Siya nga ay sinugo kong may masidhing pagmimithi, upang pagkakitang muli ninyo sa kanya, kayo ay mangagalak, at ako ay mabawasan ng kalumbayan.
29 Tanggapin nga ninyo siya sa Panginoon nang buong galak, at ang gayon ay igalang ninyo,
30 Sapagka’t dahil sa gawain ni Kristo ay nalapit siya sa kamatayan, na 1isinasapanganib ang kanyang buhay upang punuan ang kakulangan ng inyong 2paglilingkod sa akin.