Filipos
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-2
1 Si Pablo at si Timoteo, mga alipin ni Kristo Hesus, sa lahat ng mga banal kay Kristo Hesus na nangasa 1Filipos, 2kasama ang mga 3episkopo at ang mga 4diyakono:
2 Sumainyo nawa ang 1biyaya at 2kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Hesu-Kristo.
II. Ang Ipamuhay at Ipadakila si Kristo
1:3-30
A. Ang Pakikipagsalamuha para sa Ikalalaganap ng Ebanghelyo
bb. 3-18
3 Nagpapasalamat ako sa aking Diyos, sa tuwing kayo ay aking naaalaala,
4 Na parating sa bawa’t daing ko ay masayang nananaing ako patungkol sa inyong lahat,
5 Dahil sa inyong 1pakikipagsalamuha tungo sa ikalalaganap ng 2ebanghelyo, mula nang unang araw hanggang ngayon,
6 Na ako ay may lubos na pagtitiwala sa mismong bagay na ito, na lulubusin ng Nagsimula sa inyo nito ang mabuting gawa hanggang sa araw ni Kristo Hesus;
7 Gaya ng matuwid na aking isiping gayon tungkol sa inyong lahat, sapagka’t ako ay nasa inyong puso, yamang kapwa sa aking mga tanikala at 1pagsasanggalang at sa pagpapatunay naman sa ebanghelyo, kayong lahat ay 2aking mga 3kabahagi sa biyaya.
8 Sapagka’t saksi ko ang Diyos, kung gaano ang pananabik ko sa inyong lahat sa mga 1panloob na bahagi ni Kristo Hesus.
9 At ito ay idinadalangin ko, na nawa ang inyong pag-ibig ay lalu’t lalo pang sumagana sa 1lubos na kaalaman at sa lahat ng 2pagkakilala,
10 Upang inyong mapatunayan, sa pamamagitan ng pagsubok, ang mga bagay na 1naiiba, upang kayo ay maging 2dalisay at 3walang pagsalansang hanggang sa araw ni Kristo,
11 Na nangapuspos ng 1bunga ng katuwiran, na ito ay sa pamamagitan ni Hesu-Kristo, sa ikaluluwalhati at ikapupuri ng Diyos.
12 Ngayon, ibig ko na inyong maalaman, mga kapatid, na ang mga bagay na nangyari sa akin ay nangyari sa lalong 1ikasusulong ng ebanghelyo,
13 Anupa’t ang aking mga tanikala kay Kristo ay nahayag sa lahat ng 1pretoryo at sa iba pa;
14 At ang karamihan sa mga kapatid, palibhasa ay may pagtitiwala sa Panginoon sa aking mga tanikala, ay lalong nagkaroon ng tapang upang salitain nang walang takot ang salita ng Diyos.
15 Tunay na ipinapahayag ng 1ilan si Kristo dahil sa pananaghili at sa 2pakikipagtalo, at ng 3ilan naman sa mabuting kalooban:
16 Tunay na ang mga ito ay gumagawa mula sa pag-ibig, palibhasa ay nalalaman na ako ay nalalagay sa pagsasanggalang ng ebanghelyo;
17 Datapuwa’t itinatanyag ng ilan si Kristo dahil sa 1pakikipagtunggalian, hindi sa kadalisayan, na ang iniisip ay dalhan ako ng 2kapighatian sa aking mga tanikala.
18 Ano nga? Gayunpaman, sa lahat ng paraan, maging sa pagkukunwari o sa katotohanan, ay ipinapahayag si Kristo, at sa ganito ay 1nagagalak ako, oo, at ako ay magagalak;
B. Pinapadakila si Kristo sa pamamagitan ng Pamumuhay sa Kanya
bb. 19-26
19 Sapagka’t nalalaman ko na ang kahihinatnan nito ay sa aking 1ikaliligtas, sa pamamagitan ng 2inyong pananaing at ng 3masaganang panustos ng 4Espiritu ni Hesu-Kristo,
20 Ayon sa aking maningas na paghihintay at pag-asa na sa anuman ay hindi ako mapahiya, kundi sa buong katapangan, na gaya ng dati, gayundin naman ngayon, ay 1dadakilain si Kristo sa aking katawan, maging sa pamamagitan ng buhay o sa pamamagitan ng kamatayan;
21 Sapagka’t sa ganang akin ang 1mabuhay ay si Kristo, at ang mamatay ay 2pakinabang.
22 Nguni’t kung ang mabuhay sa laman, ito sa akin ay bunga ng pagpapagal, at kung ano ang aking pipiliin, hindi ko na nga masabi.
23 Sapagka’t ako ay nagigipit sa magkabila, may nasa akong aumalis at 1suma kay Kristo, sapagka’t ito ay lalong mabuti;
24 Gayunman, ang manatili sa laman ay siyang lalong kinakailangan 1dahil sa inyo.
25 At sa pagtitiwalang ito, aking nalalaman na ako ay mananatili at magpapatuloy na kasama ninyong lahat sa 1ikasusulong ninyo at sa ikagagalak sa 2pananampalataya,
26 Upang managana ang inyong 1pagmamapuri kay Kristo Hesus sa akin sa pamamagitan ng aking pagharap na muli sa inyo.
C. Nangagkakaisa sa Kaluluwa sa Pagsusumikap para sa Ebanghelyo
bb. 27-30
27 Ang inyo lamang pamumuhay ay maging karapat-dapat sa ebanghelyo ni Kristo, upang maging ako ay dumating at kayo ay makita, o wala man sa harap ninyo, ay mabalitaan ko ang inyong kalagayan, na kayo ay tumatayong matibay sa iisang espiritu, na kayo ay 1nangagkakaisa sa kaluluwa na 2nagsisikap nang sama-sama sa 3pananampalataya ng ebanghelyo;
28 At sa anuman ay huwag kayong matakot ng mga kaaway, na ito sa kanila ay malinaw na tanda ng 1kapahamakan, datapuwa’t tanda ng inyong 2pagkaligtas, at ito ay mula sa Diyos;
29 Sapagka’t sa inyo ay ipinagkaloob ito, alang-alang kay Kristo, hindi lamang upang manampalataya 1sa Kanya, bagkus upang 2magdusa rin naman alang-alang sa Kanya,
30 Yamang taglay ninyo ang gayunding pakikipagbuno na inyong nakita rin sa 1akin, at ngayon ay nababalitaan ninyong taglay ko.