Ang Sumulat: Apostol Pablo (1:1).
Panahon ng Pagkasulat:Humigit-kumulang sa 64 A.D..
Lugar ng Pinagsulatan: Sa bilangguan na nasa Roma (3:1;4:1;6:20;Gawa 28:30).
Ang Tumanggap: Ang mga banal sa Efeso (Efe. 1:1).
Paksa: Ang Ekklesia —ang Hiwaga ni Kristo, ang Katawan ni Kristo, bilang Kapuspusan ni Kristo upang maging Kapuspusan ng Diyos
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-2)
II. Mga Pagpapala at Katayuan na Natanggap ng Ekklesia sa loob ni Kristo (1:3 — 3:21)
A. Ang mga Pagpapala ng Diyos sa Ekklesia (1:3-14)
1. Ang Pagpili at Pagtatalaga-noong-una-pa ng Ama, Isinasaad ang Walang Hanggang Layunin ng Diyos (bb. 3-6)
2. Ang Pagtutubos ng Anak, Isinasaad ang Pagsasakatuparan ng Walang Hanggang Layunin ng Diyos (bb. 7-12)
3. Ang Pagtatatak at ang Pagpeprenda ng Espiritu, Isinasaad ang Paggamit ng Naisakatuparang Layunin ng Diyos (bb. 13-14)
B. Ang Panalangin ng Apostol para sa Ekklesia upang Makatanggap ng Pahayag (1:15-23)
1. Ang Kanyang Pasasalamat para sa Ekklesia (bb. 15-16)
2. Ang Kanyang Samo para sa Ekklesia upang Malaman ng mga Banal (bb. 17-23)
a. Ang Pag-asa ng Pagtawag ng Diyos (bb. 17-18a)
b. Ang Kaluwalhatian ng Mana ng Diyos sa mga Banal (b. 18b)
c. Ang Kapangyarihan ng Diyos tungo sa Atin (bb. 19-21)
d. Ang Ekklesia — ang Katawan, ang Kapuspusan ni Kristo (bb. 22-23)
C. Ang Pagbubunga at Pagtatayo sa Ekklesia (2:1-22)
1. Ang Pagbubunga sa Ekklesia (bb. 1-10)
2. Ang Pagtatayo ng Ekklesia (bb. 11-22)
D. Ang Pagka-katiwala ng Biyaya at ang Paghahayag sa Hiwaga hinggil sa Ekklesia (3:1-13)
1. Ang Pagka-katiwala ng Biyaya (bb. 1-2, 7-8, 13)
2. Ang Paghayag ng Hiwaga (bb. 3-6, 9-12)
E. Ang Panalangin ng Apostol para sa Ekklesia hinggil sa Karanasan (3:14-19)
1. Na ang mga Banal ay Mapalakas tungo sa Panloob na Tao (bb. 14-16)
2. Na si Kristo ay Makagawa ng Kanyang Tahanan sa Puso ng mga Banal (b. 17a)
3. Na Matalastas ng mga Banal ang mga Sukat ni Kristo (bb. 17b-18)
4. Na Ating Makilala ang Pag-ibig ni Kristo (b. 19a)
5. Na ang mga Banal ay Mangapuspos at Maging Kapuspusan ng Diyos (b. 19b)
F. Ang Papuri ng Apostol sa Ikaluluwalhati ng Diyos sa loob ng Ekklesia at sa loob ni Kristo (3:20-21)
III. Ang Pamumuhay at Responsabilidad na Kinakailangan ng Ekklesia sa loob ng Espiritu Santo (4:1—6:20)
A. Ang Pamumuhay at Responsabilidad na Kinakailangan sa loob ng Katawan ni Kristo (4:1-16)
1. Ang Pagpapanatili ng Pagkakaisa sa Espiritu (bb. 1-6)
2. Ang Pagpapangsyon ng mga Kaloob para sa Ikalalago at Ikatatayo ng Katawan ni Kristo (bb. 7-16)
B. Ang Pamumuhay na Kinakailangan sa Pang-araw araw na Paglakad (4:17— 5:21)
1. Ang mga Pinagbabatayang Prinsipyo (4:17-24)
2. Mga Detalye ng Pamumuhay (4:25—5:21)
C. Ang Pamumuhay na Kinakailangan sa mga Kaugnayang Pang-etika (5:22—6:9)
1. Sa Mag-asawa (5:22-33) [Isang Sagisag ng Ekklesia at ni Kristo (bb. 23-33)]
2. Sa mga Anak at mga Magulang (6:1-4)
3. Sa mga Alipin at mga Panginoon (6:5-9)
D. Ang Pakikipagbakang Kinakailangan sa Pakikipagtuos sa Espirituwal na Kaaway (6:10-20)
IV. Konklusyon (6:21-24)
A. Rekomendasyon (bb. 21-22)
B. Pagpapala (bb. 23-24)