Efeso
KAPITULO 6
2. Sa mga Anak at mga Magulang
6:1-4
1 Mga 1anak, 2sa loob ng Panginoon ay magsitalima kayo sa inyong mga magulang, sapagka’t ito ay 3matuwid.
2 1Igalang mo ang iyong ama at ina, na siyang 2unang utos na may pangako,
3 Upang 1maging mabuti para sa iyo, at ikaw ay 1mabuhay nang malawig sa lupa.
4 At kayong mga ama, huwag ninyong 1mungkahiin ang inyong mga anak sa galit, kundi inyong 2palakihin sila ayon sa disiplina at 3saway ng Panginoon.
3. Sa mga Alipin at mga Panginoon
6:5-9
5 Mga 1alipin, 2magsitalima kayo sa mga yaong ayon sa laman ay inyong mga Panginoon, na may 3takot at panginginig, sa 4katapatan ng inyong puso, 5na gaya ng pagtalima kay Kristo;
6 Hindi nang may 1paglilingkod-sa-paningin, na gaya ng mga nagbibigay-lugod sa mga tao, kundi bilang mga alipin ni Kristo, na gumagawa ng kalooban ng Diyos 2mula sa kaluluwa,
7 Naglilingkod bilang mga alipin nang may mabuting kalooban, na gaya ng paglilingkod 1sa Panginoon at hindi sa mga tao,
8 Yamang napag-aalaman na anumang mabuting bagay na gawin ng bawa’t isa, 1ito ang tatanggapin niya sa Panginoon, maging alipin o malaya.
9 At kayong mga panginoon, gayundin ang inyong gawin sa kanila, at 1iwan ninyo ang mga pagbabanta, yamang napag-aalaman na ang Panginoon nila at ninyo ay nasa kalangitan, at sa Kanya ay walang pagtatangi ng mga tao.
D. Ang Pakikipagbakang Kinakailangan
sa Pakikipagtuos sa Espirituwal na Kaaway
6:10-20
10 1Sa katapus-tapusan, 2magpakalakas kayo sa loob ng 3Panginoon at sa kapangyarihan ng Kanyang kalakasan.
11 1Mangagbihis kayo ng 2buong kutamaya ng Diyos, upang kayo ay 3makatayo laban sa mga 4lalang ng Diyablo;
12 Sapagka’t ang ating pakikipagbuno ay hindi laban sa 1dugo at laman, kundi laban sa mga 2pinuno, laban sa mga awtoridad, laban sa mga pinuno ng sanlibutan ng 3kadilimang ito, laban sa mga espirituwal na puwersa ng kasamaan sa 4sangkalangitan.
13 Dahil dito kunin ninyo ang 1buong kutamaya ng Diyos, upang kayo ay 2makatagal sa 3araw na masama, at kung magawa na ang lahat, ay 4tumayo nga nang matibay.
14 Samakatuwid, tumayo kayo, 1na ang inyong mga baywang ay 2nabibigkisan ng 3katotohanan, at 4suot ang baluti ng katuwiran,
15 At ang inyong mga paa ay 1nasasapnan ng 2matibay na pundasyon ng ebanghelyo ng kapayapaan;
16 Bukod pa sa mga ito, 1kinukuha ang kalasag ng 2pananampalataya, na siyang ipampapatay ninyo sa lahat ng 3nagliliyab na suligi ng masamang isa.
17 At 1tanggapin ang 2turbante ng kaligtasan, at ang 3tabak ng Espiritu 4na siyang 5salita ng Diyos,
18 Sa pamamagitan ng lahat ng panalangin at daing, nananalangin sa bawa’t panahon sa 1espiritu, at 2nangagpupuyat tungo dito sa 3buong katiyagaan at 4daing patungkol sa lahat ng mga banal;
19 At sa akin, upang ako ay pagkalooban ng 1pananalita sa pagbuka ng aking bibig, upang ipakilala nang may katapangan ang 2hiwaga ng ebanghelyo,
20 Na dahil dito, ako ay isang 1sugong 2natatanikalaan, upang sa 3ganito ako ay magsalita nang may katapangan, gaya ng nararapat sa aking salitain.
IV. Konklusyon
6:21-24
A. Rekomendasyon
bb. 21-22
21 Datapuwa’t upang mangaalaman naman ninyo ang mga bagay na ukol sa akin, at ang ginagawa ko, si Tiquico na aking minamahal na kapatid at tapat na 1lingkod sa Panginoon, ang siyang 2magbibigay-alam sa inyo ng lahat ng mga bagay;
22 Na siyang aking isinugo sa inyo sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang aliwin ang inyong mga puso.
B. Pagpapala
bb. 23-24
23 1Kapayapaan nawa sa mga kapatid, at 2pag-ibig na may pananampalataya, 3mula sa Diyos Ama at mula sa Panginoong Hesu-Kristo.
24 Ang 1biyaya nawa ay mapasa lahat ng mga 2nagsisiibig sa ating Panginoong Hesu-Kristo sa loob ng 3walang pagkasira.