Efeso
KAPITULO 5
1 Kayo nga ay 1magsitulad sa Diyos, yamang kayo ay mga anak na minamahal;
2 At magsilakad kayo sa loob ng 1pag-ibig, gaya rin naman ng pagkakaibig ni 2Kristo sa inyo, at ibinigay ang Kanyang Sarili para sa 3atin, na isang 4handog at isang 4hain sa Diyos upang maging isang 5masarap na samyo.
3 Nguni’t ang 1pakikiapid at ang lahat ng karumihan, o di-mapigilang masakim na pita, ay huwag man lamang mabanggit sa inyong usapan, gaya ng nararapat sa mga 2banal;
4 At ang kahalayan man, at mga mangmang na pagsasalita, o magagaspang na pagbibiro, na di-nangararapat, kundi ang 1pagpapasalamat.
5 Sapagka’t 1talastas ninyo ito, 2nalalaman na ang bawa’t taong mapakiapid, o mahalay, o may di-mapigilang masakim na pita, na isang mapagsamba sa mga diyus-diyusan, ay walang anumang mamanahin sa 3kaharian ni Kristo at ng Diyos.
6 Huwag kayong padaya kaninuman sa pamamagitan ng mga salitang walang kabuluhan, sapagka’t dahil sa mga bagay na ito ay dumarating ang poot ng Diyos sa mga anak ng pagsuway.
7 Samakatuwid, huwag kayong maging mga kabahagi kasama nila;
8 Sapagka’t noon kayo ay 1kadiliman, datapuwa’t ngayon sa loob ng Panginoon kayo ay 1liwanag; 2magsilakad kayong gaya ng mga 3anak ng liwanag
9 (Sapagka’t ang bunga ng liwanag ay nasa lahat ng 1kabutihan at katuwiran at katotohanan),
10 Na inyong pinatunayan kung ano ang kinalulugdan ng Panginoon;
11 At huwag kayong makibahagi sa mga 1walang-bungang gawa ng kadiliman, manapa ay inyong 2ihantad;
12 Sapagka’t ang mga bagay na ginawa nila sa lihim ay nakahihiya kahit banggitin man lamang.
13 Datapuwa’t ang lahat ng mga bagay na inihantad ay inihahayag ng liwanag; sapagka’t ang lahat ng mga bagay na nakapaghahayag ay liwanag.
14 Kaya sinasabi Niya, Gumising ka, ikaw na natutulog, at bumangon ka sa gitna ng mga 1patay, at liliwanagan ka ni 2Kristo.
15 1Mag-ingat nga kayo kung paano kayo lumakad, hindi gaya ng mga mangmang, kundi gaya ng marurunong;
16 Na inyong 1tubusin ang panahon, sapagka’t ang mga 2araw ay masasama.
17 Kaya, huwag kayong maging mga mangmang, kundi 1unawain ninyo kung ano ang kalooban ng Panginoon.
18 At huwag kayong 1mangagsipaglasing sa alak na kinaroroonan ng kaguluhan, kundi kayo ay 1mangapuspos sa espiritu,
19 Na kayo ay 1mangagsalitaan sa isa’t isa ng 2mga salmo at mga himno at mga espirituwal na awitin, nag-aawitan at nagsasalmuhan sa inyong mga puso sa Panginoon,
20 Na kayo ay magpasalamat 1sa lahat ng panahon para sa lahat ng mga bagay 2sa pangalan ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa Diyos at Ama;
21 1Magpasakop kayo sa 2isa’ t isa sa 3takot kay Kristo.
C. Ang Pamumuhay na Kinakailangan sa mga Kaugnayang Pang-etika
5:22-6:9
1. Sa Mag-asawa
5:22-33
Isang Sagisag ng Ekklesia at ni Kristo
bb. 23-33
Isang Sagisag ng Ekklesia at ni Kristo
bb. 23-33
23 Sapagka’t ang lalake ay 1ulo ng kanyang asawa, gaya naman nang si Kristo ay Ulo ng ekklesia, na Siya mismo ang 2Tagapagligtas ng Katawan.
24 1Datapuwa’ t kung paanong ang ekklesia ay nagpapasakop kay Kristo, gayundin naman pasakop ang mga babae sa kani-kanilang asawa sa 2lahat ng mga bagay.
25 Mga asawang lalake, 1ibigin ninyo ang inyu-inyung asawa, 2gaya naman ni Kristo na umibig sa ekklesia, at nagbigay ng Kanyang Sarili dahil sa kanya,
26 Upang Kanyang 1pakabanalin siya, na nilinis sa pamamagitan ng 2paghuhugas ng 3tubig na nasa 4salita,
27 Upang Kanyang 1maiharap ang 2ekklesia sa Kanyang Sarili na 3maluwalhati, na walang 4dungis o kulubot o anumang mga gayong bagay, kundi siya ay nararapat maging 5banal at walang kapintasan.
28 Gayundin naman, nararapat ibigin ng mga lalake ang kani-kanilang sariling asawa tulad ng sarili nilang katawan. Ang umiibig sa kanyang sariling asawa ay umiibig sa kanyang sarili;
29 Sapagka’t walang sinumang napoot kailanman sa kanyang sariling laman, kundi 1kinakandili at minamahal ito, gaya naman ni Kristo sa ekklesia;
30 Sapagka’t tayo ay mga sangkap ng Kanyang Katawan.
31 Dahil dito ay 1iiwan ng lalake ang kanyang ama at ina at makikisama sa kanyang asawa, at ang dalawa ay magiging isang laman.
32 Ang hiwagang ito ay dakila, datapuwa’t sinasalita ko ang tungkol kay 1Kristo at sa ekklesia.
33 Gayunpaman, ibigin naman ang bawa’t isa sa inyo ang kani-kanilang sariling asawang babae gaya ng sa kanyang sarili, at dapat 1igalang ng babae ang kanyang asawa.