Efeso
KAPITULO 4
III. Ang Pamumuhay at Responsabilidad na Kinakailangan
ng Ekklesia sa loob ng Espiritu Santo
4:1-6:20
A. Ang Pamumuhay at Responsabilidad
na Kinakailangan sa loob ng Katawan ni Kristo
4:1-16
1. Ang Pagpapanatili ng Pagkakaisa sa Espiritu
bb. 1-6
1 Namamanhik nga ako sa inyo, 1akong 2bilanggo sa loob ng Panginoon, na kayo ay 3magsilakad nang nararapat sa pagkakatawag na sa inyo ay itinawag,
2 Nang buong 1kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, mangagbatahan kayo sa isa’t isa sa loob ng pag-ibig,
3 Na pagsumakitan ninyong 1ingatan ang 2pagkakaisa sa Espiritu sa loob ng nagpapaging-isang 3tali ng kapayapaan:
4 1Isang Katawan at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang 2pag-asa ng pagtawag sa inyo;
5 Isang 1Panginoon, isang 2pananampalataya, isang bautismo;
6 Isang 1Diyos at Ama ng 2lahat, na Siyang 3sumasaibabaw ng lahat, at lumalagos sa lahat, at nasa loob ng lahat.
2. Ang Pagpapangsyon ng mga Kaloob para sa Ikalalago
at Ikatatayo ng Katawan ni Kristo
bb. 7-16
7 1Datapuwa’t ang bawat isa sa atin ay binigyan ng 2biyaya ayon sa 3sukat ng kaloob ni Kristo.
8 Kaya’t sinasabi Niya, Nang umakyat Siya sa 1itaas, dinala Niyang bihag 2yaong mga nabihag, at nagbigay ng mga 3kaloob sa mga tao.
9 (Ngayon ito, Umakyat Siya ano ito, kundi Siya ay bumaba rin naman sa mga dakong 1kalaliman ng lupa?
10 Ang bumaba ay Siya rin namang umakyat sa kaiba-ibabawan ng buong sangkalangitan, upang Kanyang 1mapuspos ang lahat ng mga bagay.
11 At pinagkalooban Niya ang 1ilan na maging mga apostol, at ang ilan ay mga propeta, at ang ilan ay mga ebanghelista, at ang ilan ay mga 2pastol at mga guro,
12 Para sa 1ikasasakdal ng mga banal 2tungo sa gawain ng 3ministeryo, tungo sa 4ikatatayo ng Katawan ni Kristo;
13 Hanggang sa 1marating nating lahat ang 2pagkakaisa sa pananampalataya, at ang lubos na pagkakilala sa 3Anak ng Diyos hanggang sa 4lubos na paglago ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng 5kapuspusan ni 3Kristo,
14 Upang tayo ay huwag nang maging mga 1musmos pa, na sinisiklot ng 2alon at dinadala sa magkabi-kabila ng lahat ng 3hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga 4daya ng mga tao, sa katusuhan, na may gawi na madala ang mga tao sa 5sistema ng 6kamalian;
15 Kundi sa 1pagtangan sa katotohanan sa loob ng 2pag-ibig, tayo ay 3mangagsilaki sa lahat ng mga bagay tungo sa loob Niya, na Siyang 4Ulo, samakatwid ay si Kristo,
16 1Na mula sa Kanya, ang buong Katawan na nakalapat nang mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng 2mayamang panustos ng bawa’t 3kasukasuan, at 4sa pamamagitan ng 5pagawa na nasa sukat ng 6bawat iba’t ibang sangkap, ay 7sinasanhi ng 8paglaki ng Katawan tungo sa ikatatayo ng sarili nito sa loob ng 9pag-ibig.
B. Ang Pamumuhay na Kinakailangan sa Pang-araw araw na Paglakad
4:17-5:21
1. Ang mga Pinagbabatayang Prinsipyo
4:17-24
17 Ito nga ang sinasabi ko, at 1ipinapatotoo sa loob ng Panginoon, na kayo ay hindi na 2nagsisilakad pa na gaya naman ng paglalakad ng mga Hentil, sa 3kawalang kabuluhan ng kanilang kaisipan.
18 Palibhasa ay 1napadilim ang kanilang pang-unawa, nangahiwalay sa 2buhay ng Diyos, dahil sa 3kahangalang nasa kanila, dahil sa 4pagmamatigas ng kanilang puso;
19 Na sila na 1nawalan na ng pakiramdam ay nagpaubaya ng kanilang mga sarili sa kahalayan, upang isagawa ng lahat ng karumihan sa loob ng di-mapigilang masakim na pita.
20 Ngunit kayo ay hindi 1nangatuto ng ganito kay Kristo,
21 Kung tunay na Siya ay inyong pinakinggan at naturuan kayo sa loob Niya, katulad ng ang 1katotohanan ay na kay Hesus,
22 1At inyong 2hinubad na, tungkol sa paraan ng inyong 3pamumuhay noon, ang 4lumang tao, na sumasama nang sumasama ayon sa mga kahalayan ng 5daya;
23 At kayo ay 1nababago sa 2espiritu ng inyong kaisipan,
24 At inyong 1ibinihis na ang 2bagong tao, na ayon sa 3Diyos ay nilalang sa loob ng 4katuwiran at 4kabanalan ng 5katotohanan.
2. Mga Detalye ng Pamumuhay
4:25-5:21
25 1Kaya nga, pagkahubad ng 2kasinungalingan, magsalita ang bawa’t isa sa inyo ng katotohanan sa kanyang kapwa, sapagka’t tayo sa isa’t isa ay sangkap ng iba.
26 Kayo ay 1mangagalit, at huwag kayong mangagkasala; 2huwag hayaan ang araw na lumubog sa inyong 3galit,
27 Ni 1bigyan man ng puwang ang Diyablo.
28 Ang nagnanakaw ay 1huwag nang magnakaw pa, bagkus 2magpagal, ginagamit ang kanyang sariling mga kamay sa paggawa ng mabuting bagay, upang siya ay may 2maibahagi sa nangangailangan.
29 Anumang 1nakasasamang salita ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi tangi lamang yaon mabuti sa 2ikatatayo ayon sa pangangailangan, upang mabigyan ng 3biyaya ang mga nagsisipakinig.
30 1At huwag ninyong 2pighatiin ang 3Espiritu Santo ng Diyos, na 4sa loob Niya kayo ay 5tinatakan 6hanggang sa kaarawan ng 7pagkatubos,
31 At lahat ng sama ng loob, galit, at poot, at bulyawan, at panlilibak ay maalis nawa sa inyo, kasama ang lahat ng masasamang akala;
32 At magmagandang-loob kayo sa isa’t isa, mga 1mahabagin, 2nagpapatawaran sa isa’t isa, gaya naman ng 3pagpapatawad sa inyo ng 4Diyos sa loob ni Kristo.