Efeso
KAPITULO 3
D. Ang Pagkakatiwala ng Biyaya
at ang Paghahayag sa Hiwaga hinggil sa Ekklesia
3:1-13
1. Ang Pagkakatiwala ng Biyaya
bb. 1-2, 7-8, 13
1 1Dahil dito, akong si Pablo, na 2bilanggo ni Kristo Hesus dahil sa inyong mga Hentil—
2 1Kung tunay na inyong narinig yaong 2pagkakatiwala sa 3biyaya ng Diyos na sa akin ay ibinigay para sa inyo,
2. Ang Paghayag ng Hiwaga
bb. 3-6, 9-12
3 Kung paanong sa pamamagitan ng 1pahayag ay ipinaalam sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko noong una sa ilang salita,
4 Sa pamamagitan niyaon, sa pagbasa nito, ay inyong mapagtatalastas ang aking pagkaunawa sa 1hiwaga ni Kristo,
5 Na 1nang ibang mga henerasyon ay hindi ipinaalam sa mga anak ng tao, na gaya ngayon na ipinahayag sa Kanyang mga banal na 2apostol at 2propeta sa 3espiritu.
6 Na ang mga bansa ay magiging mga 1kasamang tagapagmana, at mga 2kasangkap ng Katawan, at mga 3kabahagi sa pangako na nasa loob ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng ebanghelyo,
7 Na dito ay ginawa akong 1ministro, ayon sa 2kaloob ng biyayang yaon ng Diyos na sa akin ay ibinigay ayon sa paggawa ng Kanyang 3kapangyarihan.
8 Sa akin, na 1higit na nakabababa sa pinakamababa sa lahat ng mga banal, ay ibinigay ang biyayang ito, upang ipahayag sa mga Hentil ang mga 2di-malirip na mga 3kayamanan ni Kristo bilang ebanghelyo,
9 At upang dalhin sa liwanag sa lahat ng mga tao kung ano ang 1pamamahagi ng 2hiwaga na mula pa noong mga kapanahunan ay nakukubli sa loob ng Diyos na lumikha ng lahat ng mga bagay;
10 Upang ngayon ay maipaalam sa mga 1pinuno at sa mga awtoridad na sangkalangitan sa pamamagitan ng 2ekklesia ang may maraming iba’t-ibang panig na 3karunungan ng Diyos,
11 Ayon sa 1layuning walang hanggan na 2ginawa Niya 3sa loob ni 4Kristo Hesus na Panginoon natin,
12 Na sa Kanya ay mayroon tayong lakas ng loob at 1pagpasok na may pagtitiwala sa pamamagitan ng ating 2pananampalataya sa Kanya.
13 Kaya nga, ipinamamanhik ko na huwag kayong manglupaypay sa mga kapighatian ko dahil sa inyo, na pawang kaluwalhatian ninyo.
E. Ang Panalangin ng Apostol para sa Ekklesia
hinggil sa Karanasan
3:14-19
1. Na ang mga Banal ay Mapalakas tungo sa Panloob na Tao
bb. 14-16
14 Dahil dito ay iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa 1Ama,
15 Na kung Kanino ang bawat 1pamilya asa mga kalangitan at sa lupa ay 2pinangalanan,
16 Upang sa inyo ay ipagkaloob Niya, ayon sa mga 1kayamanan ng Kanyang kaluwalhatian, 2na kayo ay 3palakasin ng 4kapangyarihan sa pamamagitan ng Kanyang 5Espiritu 6tungo sa panloob na tao,
2. Na si Kristo ay Makagawa ng Kanyang Tahanan
sa Puso ng mga Banal
b. 17a
17 Na si Kristo ay makagawa ng Kanyang tahanan sa inyong mga 1puso sa pamamagitan ng 2pananampalataya,
3. Na Matalastas ng mga Banal ang mga Sukat ni Kristo
bb. 17b-18
na kayo, na 3napag-ugat at 4napagtibay na sa loob ng 5cpag-ibig,
18 Ay mapalakas upang 1matalastas kasama ng 2lahat ng mga banal kung ano ang 3luwang at ang haba at ang taas at ang lalim,
4. Na Ating Makilala ang Pag-ibig ni Kristo
b. 19a
19 At makilala ang pag-ibig ni Kristo na 1di-masayod ng kaalaman,
5. Na ang mga Banal ay Mangapuspos
at Maging Kapuspusan ng Diyos
b. 19b
na kayo ay bmangapuspos 2upang maging ang buong 3ckapuspusan ng 4Diyos.
F. Ang Papuri ng Apostol sa Ikaluluwalhati ng Diyos
sa loob ng Ekklesia at sa loob ni Kristo
3:20-21
20 1Datapuwa’ t asa Kanya na makapangyarihang nakagagawa nang lubhang sagana nang higit ng ating 2hinihingi o iniisip, ayon sa 3kapangyarihang gumagawa sa atin,
21 Ay sumaKanya nawa ang 1kaluwalhatian sa loob ng 2ekklesia 3at sa loob ni 4Kristo Hesus sa 5lahat ng mga henerasyon ng panahon magpakailanman. Amen.