Efeso
KAPITULO 2
C. Ang Pagbubunga at Pagtatayo sa Ekklesia
2:1-22
1. Ang Pagbubunga sa Ekklesia
bb. 1-10
1 1At kayo, nang kayo ay mga 2patay sa inyong mga 3pagsalansang at mga kasalanan,
2 Na inyong nilakaran noong una ayon sa 1lakad ng sanlibutang ito, ayon sa 2pinuno ng awtoridad ng hangin, ng 3espiritu na ngayon ay gumagawa sa mga 4anak ng pagsuway;
3 Sa gitna ng mga 1yaon, 2tayo rin naman, noong una, ay nangabubuhay sa mga 3pita ng ating laman, ginagawa ang mga pagnanasa ng laman at ng mga pag-iisip, at sa kalikasan ay mga 4anak ng kapootan, gaya naman ng iba;
4 1Nguni’ t ang Diyos, palibhasa ay mayaman sa 2awa dahil sa Kanyang malaking pag-ibig na Kanyang ipinang-ibig sa atin,
5 Bagama’t tayo ay mga patay sa loob ng ating mga pagsalansang tayo ay 1binuhay 2nang magkakasama kalakip ni Kristo (sa pamamagitan ng 3biyaya kayo ay 4nangaligtas),
6 At tayo ay 1ibinangong 2magkakasama, at 3pinaupong magkakasama sa 4sangkalangitan, 5sa loob ni Kristo Hesus,
7 Upang sa 1mga kapanahunang darating ay 2maipakita Niya ang humihigit na mga 3kayamanan ng Kanyang biyaya sa 4kagandahang-loob sa atin sa loob ni Kristo Hesus.
8 1Sapagka’ t sa pamamagitan ng 2biyaya kayo ay nangaligtas sa pamamagitan ng 3pananampalataya; at 4ito ay hindi sa inyong sarili; ito ay ang kaloob ng Diyos:
9 1Hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang ang sinuman ay huwag magmapuri.
10 Sapagka’t tayo ang Kanyang 1obra, na 2nilikha sa loob ni Kristo Hesus para sa mabubuting gawa, na mga inihanda ng Diyos 3noong una pa upang siya nating lakaran.
2. Ang Pagtatayo ng Ekklesia
bb. 11-22
11 Kaya nga alalahanin ninyo, na kayo noong una, na mga Hentil sa laman, yaong mga tinatawag na 1di-pagtutuli ng mga yaong tinatawag na pagtutuli sa laman na ginagawa ng mga kamay,
12 Na kayo nang panahong yaon ay mga 1hiwalay kay Kristo, mga banyaga sa 2bansang Israel, at mga estranghero tungkol sa mga 3tipan ng pangako, na 4walang pag-asa at 5walang Diyos sa 6sanlibutan,
13 1Datapwa’ t ngayon sa loob ni Kristo Hesus, kayo na noong una ay 2nalalayo ay naging 3malapit sa pamamagitan ng 4dugo ni Kristo.
14 Sapagka’t Siya mismo ang 1ating 2kapayapaan, na nagpaging-bisa sa 3dalawa, at naggiba ng nasa gitnang naghihiwalay na 4pader, samakatuwid ay, ang 5pagkakaalit.
15 Na 1pinawalang-bisa sa pamamagitan ng Kanyang 2laman, ang 3kautusan ng mga utos sa mga 4ordinansa, upang 5malalang Niya ang 6dalawa 7sa loob ng Kanyang Sarili 8tungo sa 9isang bagong tao, sa ganito ay 10gumagawa ng kapayapaan,
16 At maipagkasundo ang 1dalawa sa loob ng 2isang Katawan tungo sa 3Diyos sa pamamagitan ng 4krus, 5pinapatay ang pagkakaalit 6sa pamamagitan nito;
17 At Siya ay 1naparito at ipinahayag ang ebanghelyo ng kapayapaan sa inyong mga 2nangalalayo, at ang kapayapaan sa mga 3nangalalapit;
18 Sapagka’t 1sa pamamagitan Niya kapwa tayo may 2pagpasok 3sa isang Espiritu sa harapan ng 4Ama.
19 Kaya nga, hindi na 1kayo mga 2estranghero at mga manlalakbay, kundi kayo ay mga 3kababayan ng mga banal at mga 4miyembro ng sambahayan ng Diyos,
20 Na mga 1itinatayo sa ibabaw ng 2pundasyon ng mga apostol at ng mga propeta, na si Kristo Hesus Mismo ang siyang 3batong panulok,
21 Na 1sa loob Niya, ang 2buong gusali, na 3nagkakalapat nang magkasama, ay 4lumalago upang maging isang 5templong banal 6sa loob ng Panginoon,
22 Na sa loob Niya, 1kayo 2naman ay itinatayo nang sama-sama upang maging isang 3tahanan ng Diyos sa 4espiritu.