Ang Sumulat: Apostol Pablo at si Timoteo na kapatid (1:1).
Panahon ng Pagkasulat: Noong mga 64 A.D., kasabay ng sulat kay Filemon (4:9; Filem. 10-12).
Lugar ng Pinagsulatan: Sa bilangguan sa Roma (4:3, 10, 18).
Ang Tumanggap: Ang mga banal sa Colosas (1:2).
Paksa: Si Kristo —Nagpapaloob-ng-lahat, Pangulo ng lahat ng bagay, ang hiwaga ng Diyos at pagsasakatawan ng Diyos, ang Ulo ng ekklesia at ang bumubuong elemento ng ekklesia, ang bahaging mana, buhay,bumubuong elemento, pag-asa ng mga banal at ang tunay na katawan ng lahat ng positibong bagay
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-8)
A. Ang Pagbati ng Apostol (bb. 1-2)
B. Ang Pagpapasalamat ng Apostol (bb. 3-8)
II. Si Kristo—Ang Nangunguna sa lahat ng bagay at ang Nagpapaloob-ng-lahat, ang Sentralidad at Unibersalidad ng Diyos (1:9 — 3:11)
A. Ang Bahaging Mana ng mga Banal (1:9-14)
B. Ang Larawan ng Diyos, ang Panganay kapwa sa Paglikha at sa Pagkabuhay-na-muli (1:15-23)
C. Ang Hiwaga ng Ekonomiya ng Diyos (1:24-29)
D. Ang Hiwaga ng Diyos (2:1-7)
E. Ang Katawan ng Lahat ng Anino (2:8-23)
F. Ang Buhay ng mga Banal (3:1-4)
G. Ang Bumubuong Elemento ng Bagong Tao (3:5-11)
III. Ang Pamumuhay na Nakaugpong kay Kristo (3:12 — 4:6)
A. Pinamamagitanan ng Kapayapaan ni Kristo (3:12-15)
B. Pinananahanan ng Salita ni Kristo (3:16-17)
C. Inihahayag si Kristo sa loob ng Pantaong Buhay (3:18—4:1)
D. Nananalangin nang may Katiyagaan at Lumalakad sa Karunungan (4:2-6)
IV. Konklusyon (4:7-18)
A. Ang Pagsasalamuha ng Apostol (bb. 7-17)
B. Ang Pagbati ng Apostol (b. 18)