Colosas
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-8
A. Ang Pagbati ng Apostol
bb. 1-2
1 1Si Pablo, isang apostol ni Kristo Hesus, sa pamamagitan ng 2kalooban ng Diyos, at ang kapatid na si Timoteo,
2 Sa mga 1banal na nasa Colosas at mga tapat na kapatid kay Kristo: sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama.
B. Ang Pagpapasalamat ng Apostol
bb. 3-8
3 Kami ay nagpapasalamat sa Diyos, na 1Ama ng ating Panginoong Hesu-Kristo, nananalangin palagi para sa inyo,
4 Nang mabalitaan namin ang inyong 1pananampalataya 2kay Kristo Hesus, at ang 1pag-ibig ninyo sa lahat ng mga banal,
5 Dahil sa 1pag-asang 2itinataan para sa inyo sa mga kalangitan, na nang una ay inyong narinig sa salita ng 3katotohanan ng ebanghelyo,
6 Na ito ay dumating sa inyo, kung paano sa buong sanlibutan ito ay namumunga at lumalago, gayundin naman sa inyo, mula nang araw na inyong marinig at lubos na malaman ang 1biyaya ng Diyos sa 2katotohanan;
7 Ayon sa inyong natutuhan kay Epafras, na aming minamahal na kasamang alipin, na isang tapat na 1ministro ni Kristo sa ganang inyo,
8 Na siya rin namang nagbalita sa amin ng inyong pag-ibig sa loob ng Espiritu.
II. Si Kristo-Ang Nangunguna sa lahat ng bagay
at ang Nagpapaloob-ng-lahat,
ang Sentralidad at Unibersalidad ng Diyos
1:9-3:11
A. Ang Bahaging Mana ng mga Banal
1:9-14
9 Dahil dito, kami rin naman, mula nang araw na aming marinig ito, hindi kami nagsitigil ng pananalangin at ng paghingi patungkol sa inyo, na kayo ay mapuspusan ng lubos na pagkaalam sa Kanyang 1kalooban, sa lahat ng 2espiritwal na karunungan at pang-unawa,
10 1Upang kayo ay magsilakad nang karapat-dapat sa Panginoon sa 2buong ikalulugod Niya, nagsisipamunga 3sa bawa’t gawang mabuti at nagsisilago sa pamamagitan ng lubos na 4kaalaman sa Diyos,
11 Na kayo ay 1mabigyang-kapangyarihan ng buong kapangyarihan, ayon sa 2kalakasan ng Kanyang kaluwalhatian, sa buong pagtitiis at pagpapahinuhod na may galak,
12 Na nagpapasalamat sa Ama, na 1nagpaging-dapat sa inyo upang makabahagi sa 2bahagi ng mga banal sa 3liwanag;
13 Na Siyang nagligtas sa atin sa awtoridad ng 2kadiliman, at naglipat sa atin tungo sa loob ng kaharian ng 3Anak ng Kanyang pag-ibig,
14 Na sa loob Niya tayo ay may 1katubusan, ang 2kapatawaran ng mga kasalanan;
B. Ang Larawan ng Diyos, ang Panganay kapwa
sa Paglikha at sa Pagkabuhay-na-muli
1:15-23
15 Na Siya ang 1larawan ng Diyos na di-nakikita, ang 2Panganay ng lahat ng nilikha,
16 Sapagka’t 1sa loob Niya nilikha ang lahat ng bagay, sa sangkalangitan at sa sangkalupaan, ang mga nakikita at ang mga di-nakikita, maging mga 2trono o mga 3pagkapanginoon o mga pinuno o mga awtoridad; ang lahat ng bagay ay nilikha 4sa pamamagitan Niya at 5ukol sa Kanya;
17 At Siya ang 1una sa lahat ng bagay, at ang lahat ng bagay ay 2umiiral nang sama-sama nang may kaayusan sa Kanya;
18 At Siya ang Ulo ng Katawan, samakatuwid ay ang ekklesia; na Siyang pasimula, ang 1Panganay mula sa mga patay, upang sa lahat ng bagay ay magkaroon Siya ng 2unang puwesto;
19 Sapagka’t sa loob Niya 1ang buong 2kapuspusan ay nalugod na manahan,
20 At 1sa pamamagitan Niya ay maipagkasundo 2ang lahat ng bagay sa<< 3>>Kanya, 4yamang nakipagpayapa sa pamamagitan ng dugo ng Kanyang krus << 1>>sa<< >>pamamagitan Niya, maging mga bagay sa sangkalupaan, o mga bagay sa 5sangkalangitan.
21 At kayo, noong nakaraang panahon ay nangahiwalay at mga 1kaaway sa inyong 2kaisipan dahil sa mga gawang masama,
22 Gayunman ay ipinagkasundo 1Niya ngayon sa loob ng katawan ng Kanyang laman sa pamamagitan ng kamatayan, upang kayo ay iharap na mga banal at walang dungis at walang kapintasan sa harapan 1Niya,
23 Kung tunay kayong mananatili sa 1pananampalataya, na matatatag at matitibay, at hindi mailalayo sa 2pag-asa ng ebanghelyo na inyong narinig, na ipinangaral sa lahat ng nilikha sa silong ng langit, na dito akong si Pablo ay naging isang ministro.
C. Ang Hiwaga ng Ekonomiya ng Diyos
1:24-29
24 Ngayon ay nagagalak ako sa aking mga hirap dahil sa inyo, at aking 1pinupunan ang kakulangan ng mga kapighatian ni Kristo sa aking laman para sa Kanyang Katawan, na siyang ekklesia;
25 Na ako ay 1naging isang 2tagapaghain nito, ayon sa 3pagkakatiwala na mula sa Diyos, na ibinigay sa akin para sa inyo, upang 4kumpletuhin ang salita ng Diyos,
26 Maging ang 1hiwaga na inilihim 2sa mga kapanahunan at sa mga henerasyon, datapuwa’t ngayon ay ipinahayag sa Kanyang mga banal;
27 Na sa kanila ay niloob ng Diyos na ipaalam kung ano ang mga 1kayamanan ng kaluwalhatian ng hiwagang ito sa gitna ng mga Hentil, 2na ito ay si 3Kristong 4nasa loob ninyo, ang pag-asa ng 5kaluwalhatian:
28 Na Siya naming ipinahahayag, na pinaaalalahanan ang bawa’t tao at tinuturuan ang bawa’t tao sa buong karunungan, upang maiharap naming 1lubos-nang-lumago 2sa loob ni Kristo ang bawa’t tao;
29 Na dahil dito ay nagpapagal din naman ako, 1nagpupunyagi ayon sa Kanyang paggawa, na gumagawa nang may 2kapangyarihan sa loob ko.