Apocalipsis
KAPITULO 8
h. Ang Ikapitong Tatak: Ipinasok ang Pitong Trumpeta-
Pagtugon sa Panalangin ng mga Banal sa Ikalimang Tatak
8:1-2
1 At nang buksan Niya ang ikapitong tatak nagkaroon ng 1katahimikan sa langit nang may mga kalahating oras.
2 At nakita ko ang pitong anghel na nangakatayo sa harapan ng Diyos, at sila ay binigyan ng 1pitong trumpeta.
i. Ang Tagpo sa Langit Matapos Mabuksan ang Ikapitong Tatak-
Si Kristo bilang ang Mataas na Saserdote
Inihahandog ang mga Panalangin ng mga Banal sa Diyos
8:3-5
3 At dumating ang 1ibang Anghel at tumayo sa harap ng 2dambana, na may hawak na isang 3gintong insensaryo at binigyan siya ng 4maraming insenso upang 5idagdag Niya ito sa mga panalangin ng lahat ng mga 6banal sa ibabaw ng 7dambanang ginto, na nasa harapan ng trono.
4 At ang 1usok ng 2insenso, kalakip ng mga panalangin ng mga banal, ay napailanglang mula sa kamay ng Anghel, sa harapan ng Diyos.
5 At kinuha ng Anghel ang insensaryo at 1pinuno Niya ito ng apoy ng dambana, at 2inihagis ito sa lupa; at nagkaroon ng mga kulog at mga tinig at mga kidlat at ng isang lindol.
3. Ang Pitong Trumpeta-
ang Pagpapaganap ng Ekonomiya ng Diyos
8:6-11:19
6 At ang pitong anghel na may pitong trumpeta ay nagsihanda ng kanilang sarili upang 1magtrumpeta.
a. Ang Unang Trumpeta: Paghukom sa Lupa
8:7
7 At nagtrumpeta ang una: at nagkaroon ng granizo at apoy na may halong dugo, at itinapon ito sa lupa; at ang 1ikatlong bahagi ng ng lupa ay nasunog, at ang 1ikatlong bahagi ng mga punong-kahoy ay nasunog, at ang lahat ng luntiang damo ay nasunog.
b. Ang Ikalawang Trumpeta:Paghukom sa Dagat
8:8-9
8 At nagtrumpeta ang ikalawang anghel: at ang tila isang malaking bundok na nagliliyab sa apoy ay inihagis sa dagat; at ang ikatlong bahagi ng 1dagat ay naging dugo,
9 At ang ikatlong bahagi ng mga nilalang na nasa dagat at mga may 1buhay ay namatay, at ang ikatlong bahagi ng mga daong ay nawasak.
c. Ang Ikatlong Trumpeta:Paghuhukom sa mga Ilog
8:10-11
10 At nagtrumpeta ang ikatlong anghel: at nahulog mula sa langit ang isang malaking bituin na nagliliyab na gaya ng isang sulo, at nahulog ito sa ikatlong bahagi ng mga ilog, at sa mga bukal ng mga tubig.
11 At ang pangalan ng bituin ay 1Ajenjo; at ang ikatlong bahagi ng mga tubig ay naging , at maraming tao ang namatay dahil sa mga 2tubig, sapagka’t ginawang mapait ang mga ito.
d. Ang Ikaapat na Trumpeta: Paghukom sa Araw, Buwan, at mga Bituin
8:12
12 At nagtrumpeta ang 1ikaapat na anghel: at nasaktan ang 2ikatlong bahagi ng araw, at ang ikatlong bahagi ng buwan, at ang ikatlong bahagi ng mga bituin, upang magdilim ang ikatlong bahagi ng mga ito, at upang ang ikatlong bahagi ng maghapon ay huwag lumiwanag, at gayundin naman ang gabi.
e. Ang Ikalimang Trumpeta-
ang Unang Pighati: Paghukom sa mga Tao-
Si Satanas at ang Antikristo Nagsasabwatan
upang Pahirapan ang mga Tao
8:13-9:11
13 At nakita ko, at narinig ko ang isang agila na lumilipad sa ng lupa’t langit, na nagsasabi sa malakas na tinig, 1Sa aba, sa aba, sa aba ng mga nananahan sa ibabaw ng lupa, dahil sa mga natitirang tunog ng trumpeta ng tatlong anghel na malapit nang magtrumpeta.