Apocalipsis
KAPITULO 7
g. Mga Pangitain na Isiningit sa gitna ng Ikaanim at Ikapitong Tatak
7:1-17
(1) Tinatakan ang 144,000 ng Labindalawang Lipi-Ang Mga Piniling Israelita Pinreserba sa Lupa
bb. 1-8
1 1Pagkatapos nito ay nakita ko ang apat na anghel na nakatayo sa apat na sulok ng lupa, na pinipigil ang apat na 2hangin ng lupa, upang 3huwag humihip ang hangin sa lupa, o sa dagat man, o sa anumang punong-kahoy.
2 At nakita ko ang 1ibang Anghel na umaakyat mula sa sikatan ng araw, na taglay ang tatak ng Diyos na buhay; at Siya ay sumigaw sa tinig na 2malakas sa apat na anghel na pinagkaloobang pinsalain ang lupa at ang dagat,
3 Na nagsasabi, Huwag ninyong pinsalain ang lupa, kahit ang dagat, kahit ang mga punong-kahoy, hanggang sa ang mga alipin ng ating Diyos ay aming matatakan sa kanilang mga noo.
4 At narinig ko ang bilang ng 1mga natatakan, isang daan at apatnapu’t apat na libo, na natatakan sa bawa’t lipi ng mga anak ni Israel:
5 Sa lipi ni 1Juda ay labindalawang libo ang natatakan; sa lipi ni Ruben ay labindalawang libo; sa lipi ni Gad ay labindalawang libo;
6 Sa lipi ni Aser ay labindalawang libo; sa lipi ni Neftali ay labindalawang libo; sa lipi ni 1Manases ay labindalawang libo;
7 Sa lipi ni Simeon ay labindalawang libo; sa lipi ni Levi ay labindalawang libo; sa lipi ni Isacar ay labindalawang libo;
8 Sa lipi ni Zabulon ay labindalawang libo; sa lipi ni Jose ay labindalawang libo; sa lipi ni Benjamin ay labindalawang libo ang natatakan.
(2) Isang Lubhang Karamihan Naglilingkod Sa Diyos sa Loob Ng Templo Na Nasa Langit-
Ang Mga Tinubos na Banal, Inakyat-na-may-Masidhing-Kagalakan sa Langit Upang Tamasahin ang Pag-aalaga ng Diyos at ang Pagpapastol ng Kordero
bb. 9-17
9 Pagkatapos ng mga bagay na ito, nakita ko, at narito, ang isang 1lubhang karamihan na di-mabilang ng sinuman, na mula sa bawa’t bansa at lahat ng mga lipi at mga bayan at mga wika, na 2nangakatayo sa harapan ng trono at sa harapan ng Kordero, na nangadaramtan ng mga 3puting balabal, at may mga 4sanga ng palma sa kanilang mga kamay.
10 At sila ay sumigaw sa tinig na malakas, na nangagsasabi, Ang 1kaligtasan ay sumaaming Diyos na nakaupo sa trono at sa Kordero.
11 At ang lahat ng mga anghel ay nangakatayo sa palibot ng trono, at ang mga matanda at ang apat na nilalang na buhay, at sila ay nagpatirapa sa harapan ng trono, at nagsisamba sa Diyos,
12 Na nangagsasabi, 1Amen, pagpapala at at karunungan at mga pagpapasalamat at karangalan at kapangyarihan at kalakasan nawa ang sumaaming Diyos magpakailanman. Amen.
13 At sumagot ang isa sa mga matanda, na nagsasabi sa akin, Itong mga nangadaramtan ng puting balabal, sinu-sino sila, at saan sila nagsipanggaling?
14 At sinabi ko sa kanya, Aking panginoon, nalalaman mo. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito ay ang mga nanggaling mula sa 1matinding kapighatian, at nangaghugas ng kanilang mga balabal, at nangagpaputi ng mga ito sa dugo ng Kordero.
15 Kaya 1sila ay nasa harapan ng trono ng Diyos, at 2naglilingkod sa Kanya araw at gabi sa loob ng Kanyang templo; at Siyang nakaupo sa trono, ay 3lulukuban sila ng Kanyang tabernakulo.
16 Sila ay hindi na magugutom, ni mauuhaw pa, ni 1tatamaan pa ng araw, ni ng anumang init;
17 Sapagka’t ang Kordero na nasa gitna ng trono ang 1magpapastol sa kanila at sila ay papatnubayan sa mga bukal ng 2mga tubig ng buhay; at papahirin ng Diyos ang bawa’t 2luha ng kanilang mga mata.