Apocalipsis
KAPITULO 5
1 At nakita ko sa kanang kamay Niyaong nakaupo sa trono ang isang 1aklat na may sulat sa loob at sa labas, na tinatakang mahigpit ng 2pitong tatak.
2 At nakita ko ang isang malakas na anghel na nagtatanyag sa isang malakas na tinig, Sino ang karapat-dapat na magbukas ng aklat at magtanggal ng mga tatak nito?
3 At walang sinuman sa langit, ni sa ibabaw man ng lupa, ni sa ilalim man ng lupa, ang makapagbukas ng aklat, ni makatingin man sa nilalaman nito.
4 At ako ay nanangis nang lubha sapagka’t 1hindi nakasumpong ng sinumang karapat-dapat na magbukas ng aklat, o makatingin man sa nilalaman nito.
5 At sinabi sa akin ng isa sa mga matanda, Huwag kang manangis; narito, ang 1Leon ng lipi ni Juda, ang 2Ugat ni David, ay 3nagtagumpay upang magbukas ng aklat at ng pitong tatak nito.
6 At nakita ko sa gitna ng trono at ng apat na nilalang na buhay, at sa gitna ng mga matanda, ang isang 1Kordero na 2nakatayo, na wari ay 3kapapatay pa lamang, na may 4pitong sungay at 5pitong mata, 6na siyang pitong Espiritu ng Diyos, na sinugo sa buong lupa.
7 At Siya ay lumapit, at kinuha ang aklat sa kanang kamay Niyaong nakaupo sa trono.
8 At pagkakuha Niya ng aklat, ang apat na nilalang na buhay at ang dalawampu’ t apat na matanda ay nangagpatirapa sa harapan ng Kordero, na ang bawa’t isa ay may alpa at mga mangkok na ginto na punô ng 1insenso, 2na siyang mga panalangin ng mga banal.
9 At sila ay nangag-aawitan ng isang 1bagong awit, na nagsasabi: Ikaw ang 2karapat-dapat na kumuha ng aklat at magbukas ng mga tatak nito, sapagka’t Ikaw ay pinatay, at binili Mo para sa Diyos 3ng Iyong dugo ang mga tao sa bawa’ t lipi at wika at bayan at bansa,
10 At 1sila ay ginawa Mong isang 2kaharian at mga saserdote sa aming Diyos, at sila ay mangaghahari sa ibabaw ng lupa.
11 At nakita ko, at narinig ko ang tinig ng 1maraming anghel sa palibot ng trono at ng mga nilalang na buhay at ng mga matanda, at ang bilang nila ay sampung libong tigsasampung libo at libu-libo,
12 Na nangagsasabi nang may 1malakas na tinig, Karapat-dapat ang Kordero na pinatay na tumanggap ng kapangyarihan, at mga kayamanan, at karunungan, at kalakasan, at karangalan, at kaluwalhatian, at pagpapala.
13 At ang 1bawa’ t nilalang na nasa langit, at nasa ibabaw ng lupa, at nasa ilalim ng lupa, at nasa ibabaw ng dagat, at lahat ng mga bagay na nasa mga ito, ay narinig kong nangagsasabi: Sa Kanya na nakaupo sa trono at sa Kordero, ay ang pagpapala, at ang karangalan, at ang kaluwalhatian, at ang paghahari, magpakailanman.
14 At ang apat na nilalang na buhay ay nangagsabi, Amen. At ang mga matanda ay nangagpatirapa at nangagsisamba.