Apocalipsis
KAPITULO 22
14. Ang Ilog ng Tubig ng Buhay at ang Punong-kahoy ng Buhay
22:1-2
a. Ang Ilog ng Tubig ng Buhay
b. 1
1 At ipinakita 1niya sa akin ang isang 2ilog ng 3tubig ng buhay, na maningning na gaya ng 4kristal, na mula sa 5trono ng Diyos at ng Kordero, sa 6gitna ng lansangan nito.
b. Punong-kahoy ng Buhay
b. 2
2 At sa dako rito ng ilog, at sa ibayo nito, naroon ang 1punong-kahoy ng buhay, na namumunga ng labindalawang uri ng 2bunga, na namumunga sa 3bawa’ t 4buwan, at ang mga 5dahon ng punong-kahoy ay pampagaling sa mga bansa.
15. Mga Pagpapala ng mga Tinubos ng Diyos sa Kawalang-hanggan
22: 3-5
a. Hindi na Magkakaroon pa ng Anumang Sumpa
b. May Trono ng Diyos at ng Kordero
c. Pinaglilingkuran ang Diyos at ang Kordero
b. 3
3 At hindi na magkakaroon pa ng 1anumang sumpa. At ang 2trono ng Diyos at ng Kordero ay duroon, at 3paglilingkuran 4Siya ng Kanyang mga alipin;
d. Nakikita ang Mukha ng Diyos at ng Kordero
e. Ang Pangalan ng Diyos at ng Kordero sa Kanilang Noo
b. 4
4 At 1makikita nila ang Kanyang mukha, at ang Kanyang pangalan ay sasa kanilang noo.
f. Nasa ilalim ng Pagliliwanag ng Panginoong Diyos
g. Naghahari Magpakailanman
b. 5
5 At 1hindi na magkakaroon pa ng gabi at sila ay hindi na mangangailangan ng 2liwanag ng ilawan, at ng liwanag ng araw, sapagka’t 3liliwanagan sila ng 3Panginoong Diyos; at sila ay 4maghahari magpakailanman.
V. Konklusyon-Ang Huling Babala ng Panginoon at ang Huling Panalangin ng Apostol
22:6-21
6 At sinabi 1niya sa akin, Ang mga salitang ito ay tapat at totoo; at ang 2Panginoon, ang Diyos ng mga 3espiritu ng mga propeta, ay nagsugo ng Kanyang anghel upang ipakita sa Kanyang mga alipin ang mga bagay na kinakailangang mangyari nang madali.
7 At narito, Ako ay 1madaling pumaparito. Pinagpala ang tumutupad ng mga salita ng propesiya ng 2aklat na ito.
8 At akong si Juan, ang siyang nakarinig at nakakita ng mga bagay na ito. At nang aking marinig at makita, ay nagpatirapa ako upang sumamba sa harapan ng mga paa ng anghel na nagpakita sa akin ng mga bagay na ito.
9 At sinabi niya sa akin, 1Huwag mong gawin iyan! Ako ay kapwa mo alipin at ng iyong mga kapatid na mga propeta, at ng mga tumutupad ng mga salita ng aklat na ito. Sumamba ka sa Diyos.
10 At sinabi niya sa akin, 1Huwag mong tatakan ang mga salita ng propesiya ng aklat na ito, sapagka’t malapit na ang panahon.
11 1Ang gumagawa ng kalikuan, hayaan siyang magpakaliko pa; at ang marumi, ay magpakarumi pa; at ang matuwid, ay magpakatuwid pa; at ang banal, ay magpakabanal pa.
12 Narito, Ako ay 1madaling pumaparito, at ang Aking 2gantimpala ay nasa Akin upang gawaran ang bawa’t isa ayon sa kanyang gawa.
13 1Ako ang Alpha at ang Omega, 2ang Una at ang Huli, ang Pasimula at ang Wakas.
14 1Pinagpala ang 2nangaghuhugas ng kanilang mga balabal, upang 3sila ay magkaroon ng 4karapatan sa punong-kahoy ng buhay, at sa lunsod 5sa pamamagitan ng mga pintuan.
15 Nangasa 1labas ang mga aso, at ang mga mangkukulam, at ang mga mapakiapid, at ang mga mamamatay-tao, at ang mga mapagsamba sa diyus-diyusan, at ang bawa’t umiibig at gumagawa ng kasinungalingan.
16 Akong si Hesus ay nagsugo ng Aking anghel upang sa inyo ay magpatotoo ng mga bagay na ito 1para sa mga 2ekklesia. Ako ang 3Ugat at ang Supling ni David, ang maningning na 4Tala sa umaga.
17 At ang 1Espiritu at ang kasintahang-babae ay nagsasabi, 2Halika! At ang nakikinig ay magsabi rin, 2Halika! At ang nauuhaw ay 3pumarito rin; 4ang may ibig, hayaan siyang kumuha ng tubig ng buhay nang walang bayad.
18 1Aking pinatototohanan sa bawa’t taong nakikinig sa mga salita ng propesiya ng aklat na ito: Kung ang sinuman ay magdagdag sa mga ito, idaragdag sa kanya ng Diyos ang mga 2salot na nakasulat sa aklat na ito;
19 At kung ang sinuman ay mag-alis sa mga salita ng aklat ng propesiyang ito, ay aalisin ng Diyos ang kanyang bahagi sa 1punong-kahoy ng buhay, at sa banal na lunsod na nangakasulat sa aklat na ito.
20 Siya na nagpapatotoo sa mga bagay na ito ay nagsasabi, Oo, Ako ay 1madaling pumaparito, Amen. 2Pumarito Ka, Panginoong Hesus!
21 Ang 1biyaya ng Panginoong Hesus 2ay mapasa lahat ng mga 3banal. Amen.