Apocalipsis
KAPITULO 21
12. Ang Bagong Langit at Bagong Lupa
21:1-8
a. Ang Unang Langit at ang Unang Lupa Lumipas na; Wala nang Dagat
b. 1
1 At nakita ko ang isang 1bagong langit at ang isang bagong lupa; sapagka’t ang 2unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang 3dagat ay wala na.
b. Ang Bagong Herusalem Bumababa patungo sa Bagong Lupa
b. 2
2 At nakita ko ang banal na lunsod, ang 1Bagong Herusalem, na 2bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, na nahahandang gaya ng isang 3kasintahang babaeng nagagayakan para sa kanyang asawa.
c. Mga Tao na nangasa Bagong Lupa
bb. 3-4
3 At narinig ko ang isang malakas na tinig na nagmula sa trono, na nagsasabi, Narito, ang 1tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao, at Siya ay 2mananahan sa kanila, at sila ay magiging mga bayan Niya, at ang Diyos Mismo ay sasakanila, at magiging Diyos nila.
4 At 1papahirin Niya ang bawa’t luha sa kanilang mga mata; at 2hindi na magkakaroon ng kamatayan; ni ng dalamhati, ni ng pananambitan, ni ng hirap pa man; sapagka’t ang mga 3naunang bagay ay lumipas na.
d. Mga Anak-na-lalake ng Diyos sa Kawalang-hanggan
bb. 5-7
5 At Siyang nakaluklok sa trono ay nagsabi, Narito, ginagawa kong bago ang lahat ng bagay. At sinabi Niya, Isulat mo, sapagka’t ang mga salitang ito ay tapat at totoo.
6 At sinabi Niya sa akin, Nangyari na ang 1mga ito. Ako ang Alpha at ang Omega, ang Pasimula at ang Wakas. Ang nauuhaw ay Aking paiinumin nang walang bayad sa bukal ng tubig ng buhay.
7 Ang 1magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito, at Ako ay magiging Diyos sa kanya, at siya ay magiging 2anak-na-lalake sa Akin.
e. Ang mga Napahamak na nangasa Dagat-dagatang Apoy
b. 8
8 Nguni’t sa mga duwag, at sa mga di-mananampalataya, at sa mga kasuklam-suklam, at sa mga mamamatay-tao, at sa mga mapakiapid, at sa mga mangkukulam, at sa mga mapagsamba sa diyus-diyusan, at sa lahat ng mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa 1dagat-dagatang nagniningas ng apoy at asupre, na siyang ikalawang kamatayan.
13. Bagong Herusalem
21:9-27
a. Ang Kasintahang Babae, ang Asawa ng Kordero
b. 9
9 At dumating ang 1isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, na puno ng pitong huling salot, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Halika, ipakikita ko sa iyo ang 2kasintahang babae, ang asawa ng Kordero.
b. Ang Banal na Lunsod
b. 10
10 At dinala niya akong palayo na loob ng espiritu sa isang 1malaki at mataas na bundok, at ipinakita sa akin ang na lunsod, ang Herusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos,
c. Ang Kaluwalhatian at Anyo ng Lunsod
b. 11
11 Na may 1kaluwalhatian ng Diyos. Ang Kanyang 2ilaw ay katulad ng isang napaka 3mahalagang bato, na gaya ng batong 4jaspe, na malinaw na gaya ng ;
d. Ang Pagkayari at Sukat ng Lunsod
bb. 12-21
12 Na may isang 1malaki at mataas na pader; na may 2labindalawang pintuan, at sa mga pintuan ay labindalawang 3anghel, at may mga pangalang nakasulat sa mga yaon, na siyang mga pangalan ng labindalawang lipi ng mga anak ni 4Israel:
13 1Sa silangan ay may tatlong pintuan, at 1sa hilaga ay may tatlong pintuan, at 1sa timog ay may tatlong pintuan, at 1sa kanluran ay may tatlong pintuan.
14 At ang pader ng lunsod ay may labindalawang 1pundasyon, at sa mga ito ay ang labindalawang pangalan ng 2apostol ng Kordero.
15 At ang nakipag-usap sa akin ay may panukat na 1tambong ginto upang sukatin ang lunsod at ang mga pintuan nito, at ang pader nito.
16 At ang pagkatayo ng lunsod ay 1parisukat, at ang haba nito ay gaya ng luwang nito. At sinukat niya ng tambo ang lunsod at may 2labindalawang libong 3estadio; ang haba at ang luwang at ang taas nito ay 4magkakasingsukat.
17 At sinukat niya ang pader nito, na may 1isang daan at apatnapu’t apat na siko, na sukat ng isang 2tao, samakatuwid ay, ng isang 2anghel.
18 At ang materyal na ginamit sa pagtatayo ng pader nito ay 1jaspe; at ang lunsod ay 2dalisay na 3ginto, na katulad ng 2dalisay na salamin.
19 Ang mga 1pundasyon ng pader ng lunsod ay napapalamutian ng bawa’t uri ng mahahalagang bato: ang unang pundasyon ay 2jaspe; ang ikalawa ay zafiro; ang ikatlo ay calcedonia; ang ikaapat ay esmeralda;
20 Ang ikalima ay sardonica; ang ikaanim ay sardio; ang ikapito ay crisolito; ang ikawalo ay berilo; ang ikasiyam ay topacio; ang ikasampu ay crisopasio; ang ikalabing-isa ay jacinto; ang ikalabindalawa ay amatista.
21 At ang labindalawang pintuan ay labindalawang 1perlas; bawa’t pinto ay 2isang perlas. At ang 3lansangan ng lunsod ay dalisay na ginto, na gaya ng 4naaaninag na salamin.
e. Ang Napalaking Templo
b. 22
22 At 1wala akong nakitang 2templo sa loob nito, sapagka’t ang bPanginoong Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat at ang Kordero ang siyang 2templo nito.
f. Ang Ilaw at Ilawan ng Lunsod
b. 23
23 At ang lunsod ay 1hindi nangangailangan ng araw, ni ng buwan man upang lumiwanag dito, sapagka’t nililiwanagan ng kaluwalhatian ng Diyos, at ang 2ilawan nito ay ang Kordero.
g. Ang mga Pumapalibot na Bansa
bb. 24-27
24 At ang mga 1bansa ay lalakad sa pamamagitan ng 2liwanag nito; at ang mga 3hari sa lupa ay mangagdadala ng kanilang 4kaluwalhatian sa loob niyaon.
25 At ang mga pintuan niyaon anumang paraan ay hindi 1isasara sa araw, sapagka’t 2hindi magkakaroon doon ng 2gabi.
26 At dadalhin nila sa loob niyaon ang 1kaluwalhatian at ang 2karangalan ng mga bansa.
27 At hindi papasok doon sa anumang paraan ang anumang bagay na karumal-dumal, o siyang gumagawa ng <