Apocalipsis
KAPITULO 20
8. Pagkabilanggo ni Satanas
20:1-3
a. Sa Loob ng Isang Libong Taon
bb. 1-2
1 At nakita ko ang isang anghel na nananaog mula sa langit, na may susi ng kailalimang-walang-hanggan at isang malaking tanikala sa kanyang kamay.
2 At sinunggaban niya ang dragon, ang antigong ahas, na siyang Diyablo at Satanas, at 1iginapos sa loob ng isang libong taon,
b. Sa Kailalimang-walang-hanggan
b. 3
3 At siya ay ibinulid sa kailalimang-walang-hanggan, at sinarhan at tinatakan ito sa ibabaw niya, upang hindi na niya malinlang pa ang mga bansa, hanggang sa maganap ang isang libong taon. Pagkatapos nito ay kailangan siyang pakawalan nang kaunting panahon.
9. Ang Isang Libong Taong Kaharian
20:4-6
a. Sa Pinakamahusay na Pagkabuhay-na-muli
bb. 4-5
4 At nakita ko ang mga trono at ang 1mga nagsisiluklok sa mga ito, at pinagkalooban sila ng paghatol. At nakita ko ang mga 2kaluluwa ng mga pinugutan ng ulo dahil sa patotoo ni Hesus, at dahil sa salita ng Diyos, at ang 3mga hindi sumamba sa halimaw, ni sa kanyang larawan man, at hindi tumanggap ng marka sa kanilang noo at sa kanilang kamay; at sila ay 4nangabuhay, at nagsipagharing kasama ni 5Kristo sa loob ng isang libong taon.
5 At ang 1natitira pa sa mga patay ay hindi nangabuhay hanggang sa maganap ang isang libong taon. Ito ang 2unang pagkabuhay-na-muli.
b. Na may Pagkasaserdote at Pagkahari sa loob ng Isang Libong Taon
b. 6
6 1Pinagpala at banal ang 2may bahagi sa unang pagkabuhay-na-muli: sa mga ito ay walang awtoridad ang 3ikalawang kamatayan; kundi sila ay magiging mga 4saserdote ng Diyos at ni 5Kristo, at mangaghaharing kasama Niya sa loob ng 6isang libong taon.
10. Ang Huling Pagrerebelde
20:7-10
a. Pagkalag kay Satanas
b. 7
7 At kung maganap na ang isang libong taon, si Satanas ay kakalagan sa kanyang 1bilangguan,
b. Ang Rebelyon ng mga Bansa at ang Kanilang Pagkawasak
bb. 8-9
8 At lalabas upang ang mga bansa na nasa na sulok ng lupa, ang 1Gog at Magog, upang tipunin sila sa 2pagdirigma, na ang bilang nila ay gaya ng buhangin sa dagat.
9 At nangagsipanhik sila sa kalaparan ng lupa, at pinaligiran ang 1kampamento ng mga banal at ang iniibig na 1lunsod; at bumaba ang 2mula sa langit, at sila ay nilamon.
c. Ang Pagkapahamak ni Satanas sa Dagat-dagatang Apoy
b. 10
10 At ang aDiyablo na dumaya sa kanila ay ibinulid sa 1dagat-dagatang apoy at asupre, na kinaroroonan din naman ng halimaw at ng bulaang propeta; at sila ay pahihirapan araw at gabi magpakailan kailanman.
11. Ang Paghahatol sa Malaking Puting Trono
20:11-15
a. Ang Lupa at ang Langit tumatakas
b. 11
11 At nakita ko ang isang malaking 1puting trono, at 2Siyang nakaluklok doon, na sa Kanyang harapan ang lupa at ang 3langit ay tumakas, at walang nasumpungang kalalagyan nila.
b. Ang mga Di-mananampalatayang Patay Hinatulan
b. 12
12 At nakita ko ang mga , ang malalaki at ang maliliit, na 1nangakatayo sa harapan ng trono, at nangabuksan ang mga 2aklat; at nabuksan ang isa pang 3aklat, na siyang aklat ng buhay. At ang mga patay ay hinatulan ayon sa mga bagay na nasusulat sa mga 2aklat, ayon sa kanilang mga gawa.
c. Ang mga Demonyo Hinatulan
b. 13
13 At ibinigay ng 1dagat ang mga patay na nasa kanya, at ibinigay ng kamatayan at ng Hades ang mga patay na nasa kanila; at sila ay hinatulan bawa’t isa ayon sa kani-kaniyang mga gawa.
d. Ang Kamatayan at Hades Ibinulid sa Dagat-dagatang Apoy
b. 14
14 At ang 1kamatayan at ang Hades ay ibinulid sa dagat-dagatang apoy. Ito ang 2ikalawang kamatayan, samakatuwid ay, ang dagat-dagatang apoy.