Apocalipsis
KAPITULO 19
c. Papuri sa Langit
19:1-4
1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay narinig ko ang gaya ng isang malakas na tinig ng isang malaking kalipunan sa langit, na nagsasabi, 1Aleluya! Kaligtasan, at kaluwalhatian, at kapangyarihan, ay nauukol sa ating Diyos:
2 Sapagka’t tunay at matuwid ang Kanyang mga paghatol; sapagka’t hinatulan Niya ang malaking patutot, na siyang nagpasama sa lupa ng kanyang pakikiapid, at iginanti Niya ang dugo ng Kanyang mga alipin sa kanyang kamay.
3 At sila ay muling nangagsabi, Aleluya! At ang usok niya ay pumapailanlang magpakailanman.
4 At nangagpatirapa ang dalawampu’ t apat na matanda at ang apat na nilalang na buháy, at nangagsisamba sa Diyos na nakaupo sa trono, na nangagsasabi, 1Amen, Aleluya!
6. Ang Kasal ng Kordero
19:5-10
a. Papuri ng Isang Malaking Kalipunan
bb. 5-6
5 At lumabas ang isang 1tinig mula sa trono, na nagsasabi, Purihin ninyo ang ating Diyos, ninyong lahat na mga alipin Niya, at ninyong lahat na mga natatakot sa Kanya, maliliit at malalaki.
6 At narinig ko ang 1gaya ng tinig ng isang malaking kalipunan, at 1gaya ng lagaslas ng maraming tubig, at gaya ng ugong ng malalakas na kulog na nangagsasabi, Aleluya! Sapagka’t naghahari ang Panginoon nating Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
b. Ang Kasal ng Kordero at ang Kanyang Pangkasalang Hapunan
bb. 7-9
7 Tayo ay mangagalak at mangagsayang mainam, at ibigay natin sa Kanya ang kaluwalhatian, sapagka’t dumating ang 1kasal ng Kordero, at ginawa ng Kanyang 2asawa ang kanyang sarili na handa.
8 At sa kanya ay ipinagkaloob na maramtan siya ng pinong lino, makintab at 1dalisay; sapagka’t ang pinong lino ay siyang 2mga matuwid na gawa ng mga banal.
9 At sinabi niya sa akin, Isulat mo, Pinagpala ang mga inanyayahan sa 1pangkasalang 2hapunan ng Kordero. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito ay ang mga tunay na salita ng Diyos.
c. Espiritu ng Propesiya
b. 10
10 At ako ay nagpatirapa sa kanyang paanan upang siya ay aking sambahin. At sinabi niya sa akin, 1Huwag mong gawin iyan! Ako ay kapwa alipin mo at ng iyong mga kapatid na may patotoo ni Hesus. Sumamba ka sa Diyos! Sapagka’t ang patotoo ni Hesus ay siyang 2espiritu ng propesiya.
7. Digmaan sa Armagedon
19:11-21
a. Si Kristo, Pumaparito upang Yurakan ang Malaking Pisaan ng ubas
bb. 11-16
11 At nakita kong nabuksan ang langit, at narito, ang isang puting kabayo, at 1Siya na nakasakay rito ay tinatawag na 2Tapat at Totoo, at sa 3katuwiran Siya ay humahatol at nakikipagdigma.
12 At ang Kanyang mga 1mata ay ningas ng apoy, at sa Kanyang ulo ay 2maraming diadema; at Siya ay may isang pangalang nakasulat, na walang sinuman ang nakaaalam 3kundi Siya Mismo.
13 At Siya ay nararamtan ng kasuotang 1itinubog sa dugo; at ang Kanyang pangalan ay tinatawag na Ang 2Salita ng Diyos.
14 At ang mga 1hukbong nasa langit ay sumusunod sa Kanya na mga nakasakay sa mga puting kabayo, at 2nangararamtan ng pinong linong maputi at 3dalisay.
15 At mula sa Kanyang bibig ay lumalabas ang isang 1tabak na matalas, upang sa pamamagitan nito ay sugatan Niya ang mga bansa; at Kanyang 2papastulin sila ng tungkod na bakal; at tinatapakan Niya ang 3pisaan ng ubas ng alak ng matinding galit ng kapootan ng Diyos na Makapangyarihan sa lahat.
16 At Siya ay may isang pangalang nakasulat sa Kanyang 1damit at sa Kanyang hita, Hari ng mga hari at Panginoon ng mga panginoon.
b. Isang Malaking Hapunan
bb. 17-18
17 At nakita kong nakatayo ang isang anghel sa araw, at siya ay sumigaw nang may malakas na tinig, na nagsasabi sa lahat ng mga ibong lumilipad sa gitna ng himpapawid, Halikayo at mangagkatipon sa 1malaking hapunan ng Diyos,
18 Upang kayo ay makakain ng laman ng mga hari, at ng laman ng mga 1kapitan, at ng laman ng mga taong makapangyarihan, at ng laman ng mga kabayo at ng mga nakasakay rito, at ng laman ng lahat ng mga tao, kapwa malaya at alipin, at maliliit at malalaki.
c. Pagkatalo at Kapahamakan ng Antikristo at ng Bulaang Propeta
bb. 19-21
19 At nakita ko ang halimaw at ang mga 1hari sa lupa at ang kanilang mga 2hukbo na nangagkakatipon upang 3makipagdigma laban sa Kanya na nakasakay sa kabayo at laban sa Kanyang hukbo.
20 At binihag ang halimaw, at kasama niya ang bulaang propeta na gumawa ng mga tanda sa harapan niya, na siyang ipinandaya sa mga nagsitanggap ng marka ng halimaw at sa mga sumamba sa larawan nito. Ang dalawang ito ay 1inihagis nang buháy sa dagat-dagatang apoy na nagliliyab sa asupre.
21 At ang natitira ay pinatay sa tabak na lumalabas sa bibig Niyaong nakasakay sa kabayo, at ang lahat ng mga ibon ay nangabundat sa mga laman nila.