KAPITULO 18
1 1
Ang “ibang Anghel” na may dakilang awtoridad ay si Kristo. Sa Kanyang pagpanaog mula sa langit, ang lupa ay naliwanagan ng Kanyang kaluwalhatian. Sa 10:1, si Kristo ay nadaramtan pa rin ng isang ulap, at sa 14:14, Siya ay nakaupo sa ulap, samantalang dito ang Kanyang kaluwalhatian ay nagliliwanag sa buong lupa, nagpapakita na ang Kanyang pagbabalik sa lupa ay higit na malapit kaysa pagdating na binanggit sa 10:1 at 14:14. Siya ay una munang mananaog mula sa langit nang palihim patungo sa ulap, pagkaraan ay mapapasaibabaw ng ulap nang hayagan, at sa katapus-tapusan Siya ay magliliwanag sa buong lupa upang wasakin ng Kanyang dakilang awtoridad ang Dakilang Babilonia, ang lunsod ng Roma.
1 2Ito ang pagdating ni Kristo (parousia), pumaparito sa lupa sa pagtatapos ng matinding kapighatian, upang mapasa Kanya ang buong lupa bilang Kanyang kaharian. Sa panahong ito ay hahatulan at guguho ang materyal na Babilonia.
2 1Ito ang magiging pagbagsak ng materyal na Babilonia, ang lunsod ng Roma, sa pagtatapos ng matinding kapighatian. (Tingnan ang tala 8 1 sa kap. 14, tala 19 2 sa kap. 16, at mga tala 5 1 at 18 1 sa kap. 17.) Ipinapahayag ng Bibliya ang tatlong panig ng Babilonia: (1) sa literal, tumutukoy sa antigong Babilonia (Gen. 11:9), na siyang pangkasalukuyang Iraq; (2) sa panig ng relihiyon, tumutukoy sa Romano Katolisismo, katulad ng binanggit sa kapitulo 17; at (3) sa materyal na panig, tumutukoy sa lunsod ng Roma, katulad ng binanggit sa kapitulong ito.
2 2O, bilangguan.
2 3O, bilangguan.
3 1Isinalin sa ilang manuskrito na, naguho dahil sa alak ng matinding galit ng kanyang pakikiapid. Ang Roma, sumasagisag sa Dakilang Babilonia sa dalawang aspekto, ay may kapwa relihiyoso at materyal na aspekto. “Ang lahat ng mga bansa ay nakainom ng alak… at ang mga hari sa lupa ay nangakiapid…” ay tumutukoy sa relihiyosong aspekto (14:8; 17:2), samantalang ang “mga mangangalakal sa lupa ay nagsiyaman…” ay tumutukoy sa materyal na aspekto.
4 1Yamang ang Dakilang Babilonia ay may dalawang aspekto, yaon ay, ang aspekto ng relihiyon at materyal, ang “Lumabas kayo sa kanya” ay nangangahulugang lumabas kapwa sa relihiyosong Babilonia at materyal na Babilonia.
4 2Ang salitang “mangaramay” rito ay nangangahulugang makilahok nang magkasama.
5 1O, mga krimen, mga maling gawa.
6 1Dobleng kabayaran ang hiniling ayon sa Leviticong kautusan (tingnan ang Exo. 22:4, 7, 9). Dito ang dobleng kabayarang yaon ay dinoble.
8 1Sa 17:16, ang relihiyosong Babilonia ay lubos na susunugin. Dito, ang materyal na Babilonia ang sinunog. Sa kapitulo 17 ang pagkawasak ng relihiyosong Babilonia ang nakatala; sa kapitulo 18 , ang nakatala naman ay ang pagkawasak ng materyal na Babilonia.
12 1Yamang ang mga “kalakal” na nakatala sa bb. 12-13 ay binubuo ng sari-saring materyal na bagay, pinatutunayan nito na ang Dakilang Babilonia sa kapitulong ito ay ang materyal na Babilonia. Ang kalakal ay may pitong kategoriya: 1) mula sa “ginto” hanggang sa “mga perlas” ay panghiyas; 2) mula sa “pinong lino” hanggang sa “eskarlata” ay kasuotan; 3) mula sa “mababangong kahoy” ‘hanggang sa “marmol” ay kasangkapan at palamuti; 4) mula sa “kanela” hanggang sa “insenso” ay espesiya; 5) mula sa “alak” hanggang sa tupa ay pagkain; 6) ang “mga kabayo” at “mga karuwahe” ay transportasyon; at 7) ang “mga katawan” at “mga kaluluwa ng mga tao” ay trabaho o empleyo.
12 2Gr. thuinos . Isang mabangong punongkahoy na mula sa orden ng coneferales .
13 1Isang halamang espesiya.
13 2Ito ay tumutukoy sa “mga katawan”ng mga tao para sa pagkaalipin.
13 3Sa “kalakal” na dinadala ng Babilonia, ang unang aytem ay “ginto” at ang huli ay ang “mga kaluluwa ng mga tao.” Ang “mga kaluluwa ng mga tao” ay ang mga tao mismo na ipinagbili ang sarili sa pagka-empleyo o trabaho. Ito ay naglalarawan hindi lamang sa darating na Babilonia bagkus maging sa kasalukuyang sanlibutan din. Ipinagbibili ng mga tao ang kanilang kaluluwa, kanilang buhay, at maging ang kanilang mga sarili, sa kanilang okupasyon, kinaliligtaan ang Diyos at ang kanilang walang hanggang hantungan.
19 1Lit. pagiging mamahalin.
19 2Ang Antikristo at ang kanyang mga hukbo ay wawasakin ni Kristo sa loob ng isang oras (17:12-14; 19:19-21), at ang materyal na dakilang Babilonia ay wawasakin din ng Panginoon sa loob ng isang oras. Maaaring ang dalawa ay kapwa wawasakin ng Panginoon sa parehong oras sa Kanyang pagbabalik sa lupa sa loob ng Kanyang nagniningning na glorya (18:1; I Cor 2:8).
20 1Ito ay isang bahagi ng kasagutan sa panalangin ng mga martir sa 6:9-10.
21 1Ito ay malamang na magaganap sa pamamagitan ng lindol na binanggit sa 16:18-20.
23 1O, engkanto, makamandag na gayuma, panggagaway.