Apocalipsis
KAPITULO 17
5. Ang Dakilang Babilonia at ang Pagkawasak Nito
17:1-19:4
a. Ang Panrelihiyong Aspekto
17:1-18
(1) Ang Malaking Patutot
bb. 1-6
1 At dumating ang isa sa pitong anghel na may pitong mangkok, at nagsalita sa akin, na nagsasabi, Pumarito ka, ipakikita ko sa iyo ang 1hatol sa 2malaking 3patutot na nakaupo sa maraming tubig,
2 Na siyang 1pinakiapiran ng mga hari sa lupa, at silang mga nananahan sa lupa ay nilasing ng 2alak ng kanyang pakikiapid.
3 At ako ay kanyang dinalang paalis na nasa 1espiritu tungo sa isang 2ilang; at nakita ko ang isang babae na nakasakay sa isang 3eskarlatang 4halimaw na puno ng mga pangalan ng 5panlalapastangan, na may 6pitong ulo at sampung sungay.
4 At ang babae ay ng 1kulay-ube at ng 2matingkad na pula, at nahihiyasan ng 3ginto at ng mahalagang bato at mga perlas, na sa kanyang kamay ay may isang 4gintong saro na puno ng mga kasuklamsuklam at ng bagay ng kanyang pakikiapid;
5 At sa kanyang noo ay nakasulat ang isang pangalan, 1Hiwaga, Dakilang Babilonia, 2Ina ng mga Patutot at ng mga 3Kasuklam-suklam ng Lupa.
6 At nakita ko ang babae na 1lasing sa dugo ng mga banal, at sa dugo ng mga 2saksi ni Hesus. At nang aking makita siya ay nanggilalas ako nang malaking panggigilalas.
(2) Ang Pagpapaliwanag tungkol sa Babae at tungkol sa Halimaw
bb. 7-15, 18
7 At sinabi sa akin ng anghel, Bakit ka nanggilalas? Sasabihin ko sa iyo ang hiwaga ng babae at ng halimaw na nagdadala sa kanya, na may pitong ulo at sampung sungay.
8 Ang 1halimaw na nakita mo ay siya noon, at hindi siya ang kasalukuyan, at malapit nang umahon mula sa kailalimang-walang-hanggan, at 2patungo sa kapahamakan. At silang mga nananahan sa lupa, na ang mga pangalan ay hindi sa 3aklat ng buhay mula nang itatag ang sanlibutan, ay manggigilalas pagkakita nila sa halimaw, kung paano siya naging noon, at wala na, at darating.
9 Narito ang kaisipang may karunungan. Ang pitong ulo ay 1pitong bundok na kinauupuan ng babae,
10 At siya ring 1pitong hari; ang lima ay nangabuwal na, ang isa ay narito, ang isa ay hindi pa dumarating; at pagdating niya, dapat siyang manatili nang sandaling panahon.
11 At ang halimaw na siya noon, at hindi siya ang kasalukuyan, ay siya 1ring ikawalo, at siya ay sa pito, at siya ay patungo sa kapahamakan.
12 At ang sampung sungay na iyong nakita ay 1sampung hari, na hindi pa nagsisitanggap ng isang , datapuwa’t magsisitanggap ng awtoridad bilang mga hari nang isang oras na kasama ng halimaw.
13 Ang mga ito ay may isang 1kaisipan, at ibinibigay nila ang kanilang kapangyarihan at awtoridad sa halimaw.
14 1Makikipagdigma ang mga ito laban sa Kordero, at sila ay dadaigin ng Kordero, sapagka’t Siya ay Panginoon ng mga panginoon at Hari ng mga hari; at ang mga ekasama Niya ay mga tinawag at mga 2pinili at mga tapat.
15 At sinabi niya sa akin, Ang mga na iyong nakita, na 1kinauupuan ng patutot, ay mga bayan, at mga karamihan, at mga bansa, at mga wika.
(3) Ang Paglipol ng Halimaw sa Patutot
bb. 16-17
16 At ang sampung sungay na iyong nakita, at ang halimaw, ay 1mangapopoot sa patutot, at siya ay pababayaan at huhubaran, at kakainin ang kanyang laman, at siya ay lubos na tutupukin ng apoy;
17 Sapagka’t inilagay ng 1Diyos sa kanilang mga puso na gawin ang Kanyang 2kaisipan, at mangagkaisa ng 2kaisipan, at ibigay ang kanilang kaharian sa halimaw hanggang sa ang mga salita ng Diyos.
18 At ang 1babae na iyong nakita ay ang dakilang lunsod, na may kaharian na naghahari sa mga hari sa lupa.