Apocalipsis
KAPITULO 15
4. Ang Pagbubuhos ng Pitong Mangkok
15:1-16:21
a. Huling Pitong Salot
15:1
1 At nakita ko ang isa pang tanda sa langit, dakila at kagila-gilalas, pitong anghel na may 1pitong salot, na siyang mga panghuli; sapagka’t sa mga yaon ay natatapos ang matinding galit ng Diyos.
b. Papuri ng mga Huling Mandaraig
15:2-4
2 At nakita ko ang gaya ng isang 1malasalaming dagat na may halong apoy, at 2yaong mga nagtagumpay sa halimaw, at sa kanyang larawan, at sa bilang ng kanyang pangalan, na 3nangakatayo sa ibabaw ng malasalaming dagat, na may mga alpa ng Diyos.
3 At inaawit nila ang 1awit ni Moises na alipin ng Diyos, at ang 2awit ng Kordero, na sinasabi, Dakila at kagila-gilalas ang Iyong mga 3gawa, Oh Panginoong Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat; matuwid at tunay ang Iyong mga 3daan, Oh Hari ng mga 4bansa.
4 Sino ang hindi matatakot, Oh Panginoon, at luluwalhati sa Iyong pangalan? Sapagka’t Ikaw lamang ang 1banal; sapagka’t ang lahat ng mga bansa ay darating at magsisisamba sa harapan Mo, sapagka’t ang Iyong mga matuwid na gawa ay nangahayag.
c. Tagpo sa Langit bago ang Pagbubuhos ng Pitong Mangkok
15:5-8
5 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay nakita ko, at ang 1templo ng tabernakulo ng 2patotoo sa langit ay nabuksan,
6 At nagsilabas mula sa templo ang pitong anghel na may pitong salot, na 1nararamtan ng dalisay na makintab na lino, at nangabibigkisan ng gintong pamigkis sa kanilang mga dibdib.
7 At isa sa apat na nilalang na buháy ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong gintong mangkok na punô ng matinding galit ng Diyos, na Siyang nabubuhay magpakailanman.
8 At napuno ng usok ang templo mula sa kaluwalhatian ng Diyos, at mula sa Kanyang kapangyarihan, at 1walang sinumang makapasok sa templo hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.