Apocalipsis
KAPITULO 14
3. Tatlong Paggapas
14:1-20
a. Ang Unang Bunga ng mga Mananampalataya bago ang Matinding Kapighatian
bb. 1-5
1 At nakita ko, at narito, ang Kordero ay nakatayo sa 1bundok Sion, at ang kasama Niya ay 2isang daan at apatnapu’t apat na libong may pangalan 3Niya at pangalan ng Kanyang Ama, na nakasulat sa kanilang mga noo.
2 At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na gaya ng lagaslas ng 1maraming tubig, at gaya ng dagundong ng 2malakas na kulog; at ang tinig na aking narinig ay gaya ng sa mga 3mang-aawit-ng-alpa na tumutugtog sa kanilang mga alpa.
3 At sila ay nag-aawitan ng isang bagong awit sa harapan ng trono at sa harapan ng apat na buhay na nilalang at ng mga matanda; at 1walang sinumang matuto ng awit maliban sa isang daan at apatnapu’t apat na libo lamang, na mga binili 2mula sa lupa.
4 Ang mga ito ay ang mga hindi nangahawa sa mga babae, sapagka’t sila ay mga 1birhen. Ang mga ito ay ang mga nagsisunod sa Kordero saanman Siya pumaroon. Ang mga ito ay binili sa gitna ng mga tao bilang 2unang bunga sa Diyos at sa Kordero;
5 At sa kanilang bibig ay 1walang nasumpungang kasinungalingan, sapagka’t sila ay mga 2walang dungis.
b. Ang Walang Hanggang Ebanghelyo sa Panahon ng Matinding Kapighatian
bb. 6-7
6 At nakita ko ang isa pang anghel na lumilipad sa gitna ng langit, na may 1walang hanggang ebanghelyo upang ibalita sa mga 2nananahan sa lupa, at sa bawa’t bansa at lipi at wika at bayan,
7 At sinasabi niya ng may malakas na tinig, 1Matakot kayo sa Diyos, at magbigay ng kaluwalhatian sa Kanya, sapagka’t dumating na ang oras ng Kanyang 2paghahatol; at 3magsisamba kayo sa Kanya na gumawa ng langit at ng lupa at ng dagat at ng mga bukal ng mga tubig.
c. Ang Pagbagsak ng Relihiyosong Babilonia sa Panahon ng Matinding Kapighatian
bb. 8
8 At ang isa pa, ang pangalawang anghel, ay sumunod na nagsasabi, Bumagsak na, bumagsak na ang dakilang 1Babilonia, na siyang nagpainom sa lahat ng mga bansa ng 2alak ng matinding galit ng kanyang pakikiapid!
d. Babala laban sa Pagsamba sa Antikristo sa Panahon ng Matinding Kapighatian
bb. 9-12
9 At ang isa pa, ang pangatlong anghel, ay sumunod sa kanila, na nagsasabi ng may malakas na tinig, Kung ang sinuman ay sumasamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at tumatanggap ng marka sa kanyang noo, o sa kanyang kamay,
10 Ay iinom din naman siya ng alak ng matinding galit ng Diyos, na hinalong walang banto sa saro ng Kanyang kapootan; at siya ay pahihirapan sa 1apoy at asupre sa harapan ng mga banal na anghel, at sa harapan ng Kordero.
11 At ang usok ng pahirap sa kanila ay papailanlang magpakailanman; at sila ay walang kapahingahan araw at gabi, silang mga nagsisisamba sa halimaw at sa kanyang larawan, at sinumang tumatanggap ng marka ng kanyang pangalan.
12 Dito ay ang 1pagtitiis ng mga 2banal, ng mga nagsisitupad ng mga utos ng Diyos, at ng pananampalataya ni Hesus.
e. Pagpapala ng mga Namartir sa Panahon ng Matinding Kapighatian
b. 13
13 At narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, Isulat mo, Pinagpala ang mga 1patay na nangamamatay sa Panginoon mula ngayon. Oo, sinasabi ng 2Espiritu, upang sila ay mangagpahinga sa kanilang mga pagpapagal; sapagka’t ang kanilang mga gawa ay sumusunod sa kanila.
f. Pag-aani sa mga Mananampalataya kapag Malapit nang Matapos ang Matinding Kapighatian
bb. 14-16
14 At nakita ko, at narito, ang isang puting alapaap, at nakaupo 1sa ibabaw ng alapaap ang Isang katulad ng 2Anak ng Tao, na may isang 3gintong putong sa Kanyang ulo, at may isang 4matalas na karit sa Kanyang kamay.
15 At lumabas ang isa pang anghel sa templo, na sumisigaw nang may malakas na tinig sa Kanya na nakaupo sa alapaap, Ihulog Mo ang Iyong karit at gumapas Ka; sapagka’t dumating na ang oras ng paggapas, sapagka’t ang 1aanihin sa lupa ay 2hinog na.
16 At Siya na nakaupo sa alapaap ay naghagis ng Kanyang 1karit sa lupa, at ang lupa ay 2nagapasan.
g. Pagpuputi sa mga Ubas (ang mga Gumagawa ng Masama) sa Pagtatapos ng Matinding Kapighatian
bb. 17-20
17 At lumabas ang isa pang anghel sa templong nasa langit, siya rin ay may karit na matalas.
18 At lumabas ang isa pang anghel sa dambana, na siyang may awtoridad sa apoy, at sinigawan nang may malakas na tinig 1yaong may karit na matalas, na nagsasabi, Ihulog mo ang iyong karit na matalas, at putihin mo ang mga buwig ng 2punong-ubas sa lupa, sapagka’t ang kanyang mga ubas ay hinog na.
19 At inihagis ng anghel ang kanyang karit sa lupa at pinuti ang mga ubas sa lupa, at inihagis sa malaking 1pisaan-ng-ubas ng matinding galit ng Diyos.
20 At nayurakan ang pisaan-ng-ubas sa labas ng 1lunsod, at lumabas sa pisaan-ng-ubas ang dugo, na umapaw hanggang sa mga preno ng mga 2kabayo, sa layo na 3isang libo at anim na raang 4estadio.