Apocalipsis
KAPITULO 12
B. Ikalawang Bahagi, Ibinibigay ang mga Detalye ng mga Importanteng Bagay at ng Mahahalagang Pangyayari na Tinalakay sa Unang Bahagi
12:1-22:5
1. Isang Babae na Nagdadalang-tao ng isang Lalakeng-anak at isang Malaking Pulang Dragon-si Satanas
12:1-18
a. Ang Babaeng Nagdaramdam-sa-panganganak
bb. 1-2
1 At isang dakilang tanda ang nakita sa langit: isang 1babae na nararamtan ng araw, at ang buwan ay nasa ilalim ng kanyang mga paa, at sa kanyang ulo ay may isang putong na labindalawang bituin;
2 At sa pagdadalang-1tao siya ay 2sumigaw, na 3nagdaramdam-sa-panganganak, at sa hirap upang manganak.
b. Ang Malaking Pulang Dragon, Kumakalaban sa Babae
bb. 3-4
3 At isa pang tanda ang nakita sa langit: at narito, ang isang malaking pulang 1dragon na may 2pitong ulo at sampung sungay, at sa kanyang mga ulo ay may 3pitong diadema.
4 At kinakaladkad ng kanyang buntot ang ikatlong bahagi ng mga 1bituin sa langit, at kanyang inihagis sila sa lupa. At 2tumayo ang dragon sa harapan ng babaeng manganganak na, upang lamunin ang kanyang anak pagkapanganak niya.
c. Ang Lalakeng-anak, Isinilang at Inagaw Paitaas sa Diyos at sa Kanyang Trono
b. 5
5 At siya ay 1nanganak ng isang anak na lalake, isang 2lalakeng-anak, na magpapastol sa lahat ng mga bansa na may panghampas na bakal; at ang kanyang anak ay 3inagaw paitaas sa Diyos at sa Kanyang trono.
d. Tumatakas ang Babae
b. 6
6 At tumakas ang babae patungo sa 1ilang kung saan ipinaghanda siya ng Diyos ng isang dako, upang doon siya ay kandilihin ng isang libo dalawang daan at animnapung araw.
e. Digmaan sa Langit
bb. 7-9
7 At nagkaroon ng 1digmaan sa langit: si 2Miguel at ang kanyang mga anghel ay nakipagbaka sa dragon. At ang dragon at ang 3kanyang mga anghel ay nakipagbaka;
8 At hindi sila nanalo, ni nasumpungan pa ang kanilang dako sa langit.
9 At 1inihagis ang malaking dragon, ang 2antigong ahas, ang tinatawag na 3Diyablo at 4Satanas, ang dumaraya sa buong pinananahanang lupa; siya ay inihagis sa lupa, at ang kanyang mga anghel ay inihagis na kasama niya.
f. Ang Matagumpay na Sigaw sa Langit
bb. 10-12
10 At narinig ko ang isang malakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ngayon ay dumating ang kaligtasan, at ang kapangyarihan, at ang 1kaharian ng ating Diyos, at ang awtoridad ng Kanyang Kristo, sapagka’t inihagis na ang 2tagapag-akusa ng ating mga kapatid na siyang nag-aakusa sa kanila sa harapan ng ating Diyos araw at gabi.
11 At siya ay 1kanilang dinaig dahil sa 2dugo ng Kordero, at dahil sa 3salita ng kanilang patotoo, at 4hindi nila inibig ang kanilang pangkaluluwang-buhay maging 5hanggang sa kamatayan.
12 Kaya’t mangagalak kayo, Oh mga langit at yaong mga 1nagsisipanahan sa kanila. Sa aba ng lupa at ng dagat, sapagka’t ang Diyablo ay bumaba sa inyo na may 2malaking galit, sa pagkaalam na mayroon na lamang siyang 3maikling panahon.
g. Inuusig ng Dragon ang Babae
bb. 13-16
13 At nang makita ng dragon na siya ay inihagis sa lupa, 1inusig niya ang babaeng nagluwal ng lalakeng-anak.
14 At sa babae ay ibinigay ang dalawang pakpak ng malaking 1agila upang siya ay makalipad tungo sa ilang mula sa harap ng ahas patungo sa kanyang dako, na pinagkandilihan sa kanya nang isang 2panahon, at mga panahon, at kalahati ng isang panahon.
15 At ang ahas ay nagbuga sa kanyang bibig ng 1tubig na gaya ng isang ilog sa likuran ng babae, upang maipatangay siya sa agos nito.
16 At tinulungan ng lupa ang babae, at 1binuka ng lupa ang bibig nito at nilulon ang ilog na ibinuga ng dragon mula sa kanyang bibig.