Apocalipsis
KAPITULO 11
(3) Sinukat ang Templo at Pinabayaan ang Looban-Pinabanal at Pinreserba ang Makalangit na Templo; Ibinigay sa mga Hentil ang Panlupang Templo
11:1-2
1 At binigyan ako ng isang 1tambong katulad ng isang 1pamalo, at siya ay nagsabi, Tumindig ka at 2sukatin mo ang 3templo ng Diyos, at ang 4dambana, at ang mga sumasamba roon.
2 At ang 1loobang nasa labas ng 2templo ay pabayaan mo at huwag mong sukatin, sapagka’t ito ay ibinigay na sa mga bansa, at kanilang yuyurakan ang 3banal na lunsod nang 4apatnapu’ t dalawang buwan.
(4) Dalawang Saksi-Si Moises at si Elias
11:3-12
3 At pagkakalooban ko ng awtoridad ang Aking 1dalawang saksi, at sila ay magsisipagpropesiya ng 2isang libo at dalawang daan at animnapung araw, na nararamtan ng 3magagaspang na kayo.
4 Ang mga ito ay ang dalawang 1punong olibo at ang dalawang 2patungan-ng-ilawan na nakatayo sa harapan ng Panginoon ng lupa.
5 At kung nasain ng sinuman na sila ay saktan, may apoy na lumalabas sa kanilang bibig, at lumalamon sa kanilang mga kaaway. At kung nasain ng sinuman na sila ay saktan, sa ganitong paraan siya papatayin.
6 Ang mga ito ay may awtoridad na magsara ng langit upang huwag umulan sa loob ng mga araw ng kanilang propesiya; at may awtoridad sila sa mga tubig na mapaging dugo ang mga ito, at mapahirapan ang lupa ng bawa’t salot sa tuwing kanilang nasain.
7 At kapag natapos na nila ang kanilang 1patotoo, ang 2halimaw na aahon mula sa kailalimang-walang-hanggan ay sa kanila, at pagtatagumpayan sila, at papatayin sila.
8 At ang kanilang mga bangkay ay mapapasa lansangan ng 1dakilang lunsod na sa espirituwal na pagpapakahulugan ay tinatawag na 2Sodoma at Ehipto, na roon din naman ipinako-sa-krus ang Panginoon nila.
9 At tinitingnan ng mga taong mula sa gitna ng mga bayan at mga lipi at mga wika at mga bansa ang kanilang mga bangkay nang tatlong araw at kalahati, at hindi nila pahihintulutang ang kanilang mga bangkay ay mailagay sa nitso.
10 At ang mga nananahan sa ibabaw ng lupa ay mangagagalak tungkol sa kanila, at mangatutuwa; at sila ay mangagpapadalahan ng mga regalo, sapagka’t ang dalawang propetang ito ay nagpahirap sa mga nananahan sa ibabaw ng lupa.
11 At pagkatapos ng 1tatlo at kalahating araw, ang 2hininga ng buhay na mula sa Diyos ay pumasok sa kanila, at sila ay 3tumayo sa kanilang mga paa; at dinatnan ng malaking takot ang mga tumitingin sa kanila.
12 At narinig nila ang isang 1malakas na tinig mula sa langit na nagsasabi sa kanila, Umakyat kayo rito. At sila ay 2umakyat sa langit sa isang alapaap, at pinagmasdan sila ng kanilang mga kaaway.
(5) Isang Malakas na Lindol-ang Ikatlong Lindol na Ipinropesiya sa Aklat na Ito
11:13
13 At nang oras na iyon ay nagkaroon ng isang malakas na lindol, at nagiba ang ikasampung bahagi ng 1lunsod; at ang mga 2pangalan ng mga taong namatay sa lindol ay pitong libo, at ang iba ay natakot, at nagbigay ng kaluwalhatian sa Diyos sa langit.
h. Ang Ikapitong Trumpeta-ang Walang Hanggang Kaharian ni Kristo, ang Ikatlong Pighati Binubuo ng Pitong Mangkok,ang Paghuhukom sa mga Patay, ang Pagbibigay ng Gantimpala sa mga Propeta, sa mga Banal,at sa mga Taong may Takot sa Diyos at ang Pagkapuksa sa mga Mamumuksa ng Lupa
11:14-18
14 Nakaraan na ang ikalawang pighati; narito, nagmamadaling dumating ang 1ikatlong pighati.
15 At 1nagtrumpeta ang 2ikapitong anghel; at nagkaroon ng malalakas na tinig sa langit, na nagsasabi, Ang 3kaharian ng sanlibutan ay naging kaharian ng ating Panginoon at ng Kanyang Kristo, at Siya ay 4maghahari magpakailanman.
16 At ang dalawampu’t apat na matanda na nakaupo sa kani-kanilang trono sa harapan ng Diyos ay nagpatirapa, at nagsisamba sa Diyos,
17 Na nagsasabi, Pinasasalamatan Ka namin, O Panginoong Diyos na Makapangyarihan-sa-lahat, na Siyang ngayon, at Siyang nakaraan, sapagka’t hinawakan Mo ang Iyong dakilang kapangyarihan, at Ikaw ay naghari.
18 At nagalit ang mga bansa, at dumating ang Iyong 1poot, at ang panahon upang 2mahatulan ang mga patay, at ang panahon upang bigyan Mo ng 3gantimpala ang Iyong mga aliping propeta, at ang mga banal, at ang mga 4natatakot sa Iyong pangalan, ang maliliit at malalaki, at upang 5puksain Mo ang mga mamumuksa ng lupa.