Apocalipsis
KAPITULO 10
g. Mga Pangitaing Isiningit sa pagitan ng Ikaanim na Trumpeta at Ikapitong Trumpeta
10:1-11:13
(1) Pumaparito si Kristo upang Angkinin ang Lupa
10:1-7
1 1At nakita ko ang 2ibang malakas na Anghel na nananaog mula sa langit, na nabibihisan ng isang alapaap; at ang 3bahaghari ay nasa Kanyang ulo, at ang Kanyang mukha ay gaya ng 4araw, at ang Kanyang mga paa ay gaya ng mga 5haliging 6apoy;
2 At may isang 1maliit na aklat na bukas sa Kanyang kamay. At 2itinuntong Niya ang Kanyang kanang paa sa dagat, at ang kaliwa sa lupa,
3 At sumigaw sa isang 1malakas na tinig na gaya ng 2leon na umaatungal. At pagkasigaw Niya, ang 3pitong kulog ay 4umugong ng kanilang mga sariling tinig.
4 At pagkasalita ng pitong kulog ay pasulat na ako; at narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, Tatakan mo ang mga bagay na sinalita ng pitong kulog, at huwag mong isulat.
5 At ang Anghel na nakita kong nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa ay nagtaas ng Kanyang kanang kamay sa langit,
6 At 1ipinanumpa Yaong nabubuhay magpakailanman, na ng langit at ng mga 2bagay na naroroon, at ng lupa at ng mga 3bagay na naririto, at ng dagat at ng mga bagay na 4naroroon, na hindi na 5magluluwat ang panahon;
7 Kundi sa 1mga araw na ang tinig ng ikapitong anghel, kapag malapit na siyang magtrumpeta, kung magkagayon, ang 2hiwaga 3rin ng Diyos ay 4ganap na, ayon sa 5mabuting balita na Kanyang ipinahayag sa Kanyang mga Sariling aliping propeta.
(2) Inatasan si Juan na Magpropesiyang Muli
10:8-11
8 At ang tinig na narinig kong mula sa langit ay muling nagsalita sa akin at nagsabi, Humayo ka, kunin mo ang maliit na aklat na bukas na nasa kamay ng Anghel na nakatayo sa ibabaw ng dagat at sa ibabaw ng lupa.
9 At pumaroon ako sa Anghel, na sinasabi ko sa Kanya na ibigay sa akin ang maliit na aklat. At sinabi Niya sa akin, Kunin mo ito, at ito ay kainin mo, at papapaitin nito ang iyong tiyan, datapuwa’t sa iyong bibig ay magiging ito na gaya ng pulot.
10 At kinuha ko ang maliit na aklat sa kamay ng Anghel, at 1kinain ko ito, at sa aking bibig ay 2matamis itong gaya ng pulot; at nang aking makain, ay pumait ang aking tiyan.
11 At sinabi 1nila sa akin, Dapat kang magpropesiyang 2muli sa maraming mga bayan at mga bansa at mga wika at mga hari.