Apocalipsis
KAPITULO 1
I. Pambungad—
Ang Pahayag ni Kristo at ang Patotoo ni Hesus
1:1-8
1 Ang 1pahayag ni Hesu-Kristo na ibinigay ng Diyos sa Kanya upang ipakita sa Kanyang mga alipin ang mga bagay na nararapat mangyaring madali; at Kanyang ipinaalam sa pamamagitan ng mga 2tanda, na Kanyang ipinadala sa pamamagitan ng Kanyang anghel sa Kanyang alipin na si Juan,
2 Na nagpatotoo ng salita ng Diyos at ng 1patotoo ni Hesu-Kristo, ng lahat ng mga bagay na nakita niya.
3 Pinagpala ang bumabasa at ang nangakikinig ng mga salita ng 1propesiya at tumutupad ng mga bagay na nasusulat sa loob nito sapagka’t ang panahon ay malapit na.
4 Si Juan sa 1pitong ekklesia na nasa 2Asia: Sumainyo ang biyaya at kapayapaang mula roon sa 3Kanya na ngayon, at nang nakaraan, at 4yaong darating, at mula sa 5pitong Espiritu na nasa harapan ng Kanyang trono,
5 At mula kay Hesu-Kristo na tapat na Saksi, na Panganay sa mga patay, at Pangulo ng mga hari sa lupa. Sa Kanya na umiibig sa atin at 1nagkalag sa atin mula sa ating mga kasalanan 2sa pamamagitan ng Kanyang dugo,
6 At ginawa tayong isang 1kaharian, mga 2saserdote sa Kanyang Diyos at Ama, sumaKanya ang kaluwalhatian at ang paghahari 3magpakailan kailanman. Amen.
7 Tingnan ninyo, Siya ay 1pumaparitong nasasa mga 2alapaap, at makikita Siya ng bawa’t mata, at ng nagsiulos sa Kanya, at ang lahat ng mga lipi sa 3lupa ay 4magsisitaghoy dahil sa Kanya. Oo, amen.
8 Ako ang 1Alpha at ang Omega, sabi ng Panginoong Diyos, Siya na ngayon, at nang nakaraan, at yaong darating, ang Makapangyarihan sa lahat.
II. “Ang mga Bagay na Iyong Nakita”
1:9-20
A. Pitong Gintong Patungan-ng-ilawan—
ang mga Nagniningning na Ekklesia
B. Ang Anak ng Tao—ang Buháy na Kristo
C. Pitong Bituin—
ang mga Maliwanag na Sugo ng mga Ekklesia
9 Akong si Juan, na inyong kapatid at inyong kasamang kabahagi sa kapighatian at kaharian at 1pagtitiis na nasa loob ni 2Hesus, ay nasasa pulo na tinatawag na 3Patmos dahil sa salita ng Diyos at sa patotoo ni Hesus.
10 Ako ay 1nasa 2espiritu nang 3araw ng Panginoon, at narinig ko sa aking likuran ang isang 4malakas na tinig na tulad sa isang trumpeta,
11 Na nagsasabi, Ang iyong nakikita ay isulat mo sa isang 1aklat at iyong ipadala 2sa pitong ekklesia: sa Efeso, at sa Esmirna, at sa Pergamo, at sa Tiatira, at sa Sardis, at sa Filadelfia, at sa Laodicea.
12 At ako ay 1lumingon upang makita ang tinig na nagsalita sa akin. At nang ako ay 1lumingon ay nakita ko ang pitong 2gintong 3patungan-ng-ilawan,
13 At 1sa agitna ng mga patungan-ng-ilawan ay may Isang katulad ng 2Anak ng Tao, na may suot na 3damit na umaabot hanggang sa mga paa, at may 4bigkis ang dibdib ng isang pamigkis na ginto;
14 At ang Kanyang ulo at 1buhok ay mapuputing gaya ng puting 2lana, gaya ng 2niebe; at ang Kanyang mga 3mata ay gaya ng ningas ng 4apoy;
15 At ang Kanyang mga 1paa ay katulad ng 1tansong binuli, na gaya ng 2dinalisay sa isang pugon; at ang Kanyang tinig ay gaya ng 3lagaslas ng maraming tubig;
16 At ang Kanyang kanang kamay ay may pitong 1bituin; at mula sa Kanyang 2bibig ay lumabas ang isang matalas na 2tabak na may dalawang talim; at ang Kanyang 3mukha ay gaya ng araw na sumisikat nang matindi.
17 At nang Siya ay aking makita, nalugmok akong waring patay sa Kanyang paanan; at ipinatong Niya sa akin ang Kanyang kanang kamay, na nagsasabi, Huwag kang matakot; Ako ay ang 1Una at ang Huli,
18 At ang 1nabubuhay na Isa, at namatay Ako noon, at tingnan mo, Ako ay nabubuhay magpakailanman, at nasa Akin ang mga 2susi ng kamatayan at ng Hades.
19 Kaya isulat mo ang mga bagay na iyong nakita, at ang mga bagay na ngayon, at ang mga bagay na malapit nang mangyari pagkaraan ng mga bagay na ito.
20 Ang 1hiwaga ng pitong bituin na iyong nakita sa Aking kanang kamay, at ng pitong gintong patungan-ng-ilawan: ang pitong bituin ay ang mga 2sugo ng pitong ekklesia, at ang pitong patungan-ng-ilawan ay pitong ekklesia.