Juan
KAPITULO 17
B. Ang Panalangin ng Buhay
17:1-26
1. Niluluwalhati ang Anak upang ang Ama ay Maluwalhati
bb. 1-5
1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Hesus, at nang tumingin Siya sa langit ay sinabi Niya, Ama, dumating na ang oras; 1luwalhatiin Mo ang Iyong Anak upang Ikaw ay luwalhatiin ng Anak;
2 Gaya nang ibinigay 1Mo sa Kanya ang awtoridad sa lahat ng laman, upang bigyan Niya ng 2buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay Mo sa Kanya.
3 At ito ang 1buhay na walang hanggan, na Ikaw ay makilala nila na iisang Diyos na tunay, at Siya na Iyong 2isinugo, samakatuwid ay si Hesu-Kristo.
4 1Niluwalhati na Kita sa lupa, pagkaganap Ko ng gawa na ipinagawa Mo sa Akin.
5 At ngayon, Ama, 1luwalhatiin Mo Ako kasama ng Iyong Sarili, ng kaluwalhatian na Aking tinaglay 2kasama Mo bago pa ang sanlibutan
2. Itinatayo ang mga Mananampalataya upang maging Isa
bb. 6-24
a. Sa loob ng Pangalan ng Ama sa pamamagitan ng Buhay na Walang Hanggan
bb. 6-13
6 Ipinahayag Ko na ang Iyong 1pangalan sa mga tao na ibinigay Mo sa Akin mula sa sanlibutan. Sila ay Iyo, at sila ay ibinigay Mo sa Akin, at tinupad nila ang Iyong 2salita.
7 Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng bagay na sa Akin ay ibinigay Mo ay mula sa Iyo;
8 Sapagka’t ang 1mga salitang sa Akin ay ibinigay Mo ay ibinigay Ko sa kanila, at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na Ako ay nagbuhat 2mula sa Iyo, at sila ay nanampalataya na Ikaw ang nagsugo sa Akin.
9 Ako ay humihiling para sa kanila; Ako ay hindi humihiling para sa sanlibutan, kundi para sa mga yaong ibinigay Mo na sa Akin, sapagka’t sila ay Iyo;
10 At ang lahat ng Akin ay Iyo, at ang Iyo ay Akin; at Ako ay 1naluwalhati na sa loob nila.
11 At wala na Ako sa sanlibutan, at sila ay nasa sanlibutan; at Ako ay paririyan sa Iyo. 1Amang Banal, ingatan Mo sila 2sa Iyong pangalan, yaong mga ibinigay Mo na sa Akin, upang sila ay maging isa na gaya naman Natin.
12 Samantalang Ako ay kasama nila, iningatan Ko sila sa Iyong pangalan, yaong mga ibinigay Mo sa Akin, at sila ay binantayan Ko, at isa man sa kanila ay walang 1napahamak, liban sa anak ng 1kapahamakan, upang matupad ang Kasulatan.
13 Nguni’t ngayon ay napaririyan Ako sa Iyo, at sinasalita Ko ang mga bagay na ito sa sanlibutan upang matamo nila nang ganap ang Aking kagalakan sa loob nila.
b. Sa loob ng Tres-unong Diyos,
ang Pagpapabanal sa pamamagitan ng Banal na Salita
bb. 14-21
14 Ibinigay Ko na sa kanila ang Iyong 1salita, at kinamuhian sila ng 2sanlibutan, sapagka’t hindi sila 3sa 2sanlibutan, gaya Ko naman na hindi 3sa 2sanlibutan.
15 Hindi Ko isinasamo na alisin Mo sila sa sanlibutan, kundi 1ingatan Mo sila mula sa 2masama.
16 Hindi sila 1sa sanlibutan, na gaya Ko naman na hindi 1sa sanlibutan.
17 1Pakabanalin Mo sila sa 2katotohanan; ang 3salita Mo ay 2katotohanan.
18 Kung paanong Ako ay Iyong 1isinugo tungo sa sanlibutan, sila ay gayon ding 1isinugo Ko tungo sa loob ng sanlibutan.
19 At dahil sa kanila ay 1pinabanal Ko ang Aking Sarili, upang sila naman ay mapabanal sa katotohanan.
20 Hindi lamang sila ang isinasamo Ko, bagkus sila rin naman na mga nagsisisampalataya 1sa Akin sa pamamagitan ng kanilang salita,
21 Upang silang lahat ay maging 1isa; na gaya Mo, Ama, na nasa loob Ko at Ako ay nasa loob Mo, na sila naman ay mapasaloob Natin, upang ang sanlibutan ay sumampalataya na Ako ay isinugo Mo.
c. Sa loob ng Dibinong Kaluwalhatian
upang Maihayag ang Tres-unong Diyos
bb. 22-24
22 At ang 1kaluwalhatiang ibinigay Mo na sa Akin ay ibinigay Ko na sa kanila, upang sila ay maging 2isa, na gaya naman Natin na iisa;
23 Ako ay nasa loob nila, at Ikaw ay nasa loob Ko, upang sila ay mapasakdal at maging isa, upang makilala ng sanlibutan na Ako ay isinugo Mo at sila ay Iyong 1inibig, gaya ng Iyong pagkaibig sa Akin.
24 Ama, ibig Kong yaong mga ibinigay Mo na sa Akin ay 1dumuong kasama Ko kung saan Ako naroroon, upang makita nila ang kaluwalhatian Ko na ibinigay Mo sa Akin, sapagka’t Ako ay Iyong inibig na bago ang pagkatatag ng sanlibutan.
3. Ang Ama Naihayag na Matuwid sa Kanyang Pag-ibig
sa Anak at sa Kanyang mga Mananampalataya
bb. 25-26
25 O 1Amang matuwid, hindi Ka 2nga nakikilala ng sanlibutan, nguni’t nakikilala Kita, at nakikilala ng mga ito na Ikaw ang nagsugo sa Akin;
26 At ipinakilala Ko sa kanila ang Iyong pangalan, at ipakikilala Ko, upang ang 1pag-ibig na sa Akin ay ipinang-ibig Mo ay mapasaloob nila, at Ako ay mapasaloob nila.