Mateo
KAPITULO 16
10. Panunukso ng mga Pundamentalista at ng mga Makabago
16:1-12
1 At nagsilapit ang mga Fariseo at mga Saduceo, at sa pagtukso sa Kanya ay humiling sa Kanya na pakitaan sila ng isang 1tanda mula sa langit.
2 Subali’t sumagot Siya at sinabi sa kanila, 1Sa pagtatakip-silim ay sinasabi ninyo, Bubuti ang panahon, sapagka’t mapula ang langit;
3 At sa umaga, Babagyo ngayon, sapagka’t mapula at makulimlim ang langit. Marunong kayong kumilala ng 1mukha ng langit, subali’t hindi ninyo 2makilala ang mga tanda ng mga panahon.
4 Humahanap ng isang tanda ang isang henerasyong masama at mapangalunya, at hindi ito bibigyan ng anumang tanda, maliban sa 1tanda ni Jonas. At sila ay iniwan Niya at umalis.
5 At dumating sa kabilang ibayo ang mga disipulo at nakalimutang magdala ng 1tinapay.
6 At sinabi sa kanila ni Hesus, Kayo ay mag-ingat at mabalaan sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.
7 Subali’t sila ay nangatuwiranan sa isa’t isa, na nagsasabi, Ito ay dahil sa hindi tayo nakapagbaon ng tinapay.
8 At nang malaman ito ni Hesus ay Kanyang sinabi, Bakit kayo nangangatuwiran sa isa’t isa, kayong may maliit na pananampalataya, dahil ba sa wala kayong tinapay?
9 Hindi pa ba ninyo nauunawaan ni naaalaala ang limang tinapay ng limang libo at kung ilang 1bakol ang inyong nailigpit?
10 Ni ang pitong tinapay ng apat na libo at kung ilang 1bakol ang inyong nailigpit?
11 Papaano na hindi ninyo nauunawaan na hindi Ako nangusap sa inyo tungkol sa tinapay? Subali’t mag-ingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo at mga Saduceo.
12 Noon nga ay naunawaan nila na hindi Niya sinabing mag-ingat sa lebadura ng tinapay, kundi sa 1pagtuturo ng mga Fariseo at mga Saduceo.
D. Landas ng Pagtanggi
16:13-23:39
1. Bago Magtungo sa Judea
16:13-18:35
a. Pahayag ng Kristo at ng Ekklesia
16:13-20
13 Ngayon nang dumating si Hesus sa mga sakop ng 1Cesarea ng Filipos, tinanong Niya ang Kanyang mga disipulo, na nagsasabi, Ano ba ang sabi ng mga tao kung sino ang Anak ng 2Tao?
14 At kanilang sinabi, 1Sabi ng ilan, si Juan Bautista; at ang ilan, si Elias; at ang iba pa, si Jeremias, o isa sa mga propeta.
15 Sinasabi Niya sa kanila, Subali’t kayo, ano ang sabi ninyo sa kung sino Ako?
16 At sumagot si Simon Pedro at nagsabi, Ikaw ang 1Kristo, ang 1Anak ng 2Diyos na buháy.
17 At sumagot si Hesus at sinabi sa kanya, Pinagpala ka, Simon 1Barjona, sapagka’t hindi ito ipinahayag sa iyo ng 2laman at dugo, kundi ng Aking 3Ama na nasa mga kalangitan.
18 At sinasabi Ko 1rin sa iyo na ikaw ay 2Pedro, at sa ibabaw ng 3batong ito ay 4itatayo Ko ang 5Aking ekklesia, at ang 6mga pintuan ng Hades ay hindi makapananaig laban dito.
19 Ibibigay Ko sa iyo ang 1mga susi ng 2kaharian ng mga kalangitan, at anuman ang iyong 3tinatalian sa lupa ay magiging ang 4natalian na sa mga kalangitan, at anuman ang 3kinakalagan mo sa lupa ay magiging ang 4nakalagan na sa mga kalangitan.
20 Noon nga ay pinagbilinan Niya ang mga disipulo na 1huwag sabihin kanino man na Siya ang Kristo.
b. Unang Paghahayag ng Pagkapako sa krus
at Pagkabuhay na muli
16:21-27
21 Mula noon ay nagsimulang ipaalam ni Hesus sa Kanyang mga disipulo na 1kinakailangang magtungo Siya sa Herusalem at magbata ng maraming bagay mula sa mga matanda at mga pangulong saserdote at mga eskriba, at mapatay, at maibangon sa ikatlong araw.
22 At hinila Siya ni Pedro, at nagsimulang pagsabihan Siya, na nagsasabi, Kaawaan Ka nawa ng Diyos, Panginoon; ito ay 1hinding-hindi mangyayari sa Iyo!
23 Subali’t lumingon Siya at sinabi kay Pedro, Lumagay ka sa likuran Ko, 1Satanas! 2Ikaw ay isang katitisuran sa Akin; sapagka’t 3hindi mo inilalagak ang iyong kaisipan sa mga bagay ng Diyos, kundi sa mga bagay ng mga tao.
24 Noon nga ay sinabi ni Hesus sa Kanyang mga disipulo, Kung ang sinuman ay nagnanais na sumunod sa Akin, 1itatwa niya ang 2kanyang sarili, at pasanin ang kanyang 3krus, at 4sumunod sa Akin.
25 Sapagka’t ang sinumang nagnanais na iligtas ang kanyang pangkaluluwang buhay ay 1mawawalan nito; subali’t ang sinumang 2iwinawala ang kanyang pangkaluluwang buhay dahil sa Akin ay makasusumpong nito.
26 Sapagka’t ano ang pakikinabangin ng tao kung makamtam niya ang buong sanlibutan, subali’t mawawala naman ang kanyang 1pangkaluluwang buhay? O ano ang ibibigay ng tao kapalit ng kanyang pangkaluluwang-buhay?
27 1Sapagka’ t ang Anak ng Tao ay pariritong nasa kaluwalhatian ng Kanyang Ama kasama ang Kanyang mga anghel, at sa panahong yaon ay 2gagantimpalaan Niya ang bawa’t tao alinsunod sa kanyang mga gawa.
c. Pagbabagong-anyo sa loob ng Maliit na Modelo ng Kaharian
16:28-17:13
28 Katotohanang sinasabi Ko sa inyo, May ilan sa mga nakatayo rito na hinding-hindi makatitikim ng kamatayan hanggang sa makita nila ang Anak ng Tao na 1pumaparito sa Kanyang kaharian.