Mateo
KAPITULO 14
2. Pagtanggi ng Hentil na Tetrarka
14:1-13
1 Nang panahong yaon ay narinig ni Herodes na tetrarka ang balita hinggil kay Hesus,
2 At sinabi sa kanyang mga lingkod, Ito ay si Juan Bautista; siya ay ibinangon mula sa mga patay, at sa gayon 1kumikilos sa kanya ang mga gawa ng kapangyarihang ito.
3 Sapagka’t hinuli ni Herodes si Juan at tinalian siya at inilagay sa bilangguan dahil kay Herodias, ang asawa ng kanyang kapatid na si Felipe.
4 Sapagka’t sinasabi sa kanya ni Juan, Hindi naaayon-sa-kautusan ang ariin mo siya.
5 At nang ibig niyang ipapatay siya, natakot siya sa mga tao sapagka’t siya ay itinuturing nilang isang propeta.
6 Subali’t nang sumapit ang kaarawan ni Herodes, sumayaw sa gitna ang babaeng anak ni Herodias at kinalugdan ni Herodes,
7 Kaya’t nangako siyang may sumpa na ibibigay sa kanya ang anumang hilingin niya.
8 At siya, na natagubilinan ng kanyang ina, ay nagsabi, Ibigay mo sa akin dito na nasa isang pinggan ang ulo ni Juan Bautista.
9 At namanglaw ang hari, subali’t dahil sa kanyang mga sumpa at sa mga nakadulang na kasalo niya, ipinag-utos niyang ibigay yaon;
10 At siya ay nagsugo at 1pinapugutan ng ulo si Juan sa bilangguan.
11 At dinala ang kanyang ulo na nasa isang pinggan at ibinigay sa dalaga, at kanyang dinala ito sa kanyang ina.
12 At nagsiparoon ang kanyang mga disipulo at kinuha ang bangkay at inilibing ito, at sila ay pumaroon at ipinagbigay-alam kay Hesus.
13 Ngayon nang marinig ito ni Hesus, 1umalis Siya mula roon na sakay ng isang daong nang bukod patungo sa isang ilang na dako; at nang mabalitaan ito ng mga kalipunan, 2sumunod sila sa Kanya nang naglalakad mula sa mga lunsod.
3. Himala ng Pagpapakain sa Limang Libo
14:14-21
14 At paglabas Niya, nakakita Siya ng lubhang maraming tao, at nahabag Siya sa kanila at pinagaling ang kanilang mga may sakit.
15 Ngayon nang magtakip-silim na, lumapit sa Kanya ang Kanyang mga disipulo, na nagsasabi, Ang dakong ito ay isang ilang, at lipas na ang oras; kaya’t paalisin Mo na ang mga kalipunan upang makaparoon sila sa mga nayon at makabili sila ng pagkain para sa kanilang mga sarili.
16 Subali’t sinabi sa kanila ni Hesus, Hindi nila kailangang umalis; 1bigyan ninyo sila ng 2makakain.
17 At sinabi nila sa Kanya, Wala tayo rito maliban sa limang 1tinapay at dalawang 1isda.
18 At Kanyang sinabi, 1Dalhin ninyo sa Akin.
19 At nang mapag-utusan ang mga kalipunan na 1magsiupo sa damuhan, kinuha Niya ang limang tinapay at ang dalawang isda, at 2pagtingala sa langit, Kanyang pinagpala, at 3pinag-pira-piraso at 4ibinigay ang mga tinapay sa mga disipulo, at ibinigay ng mga disipulo sa mga kalipunan.
20 At kumain silang lahat at nangabusog; at kanilang pinulot ang lumabis sa mga pira-piraso, 1labindalawang bakol na punô.
21 At ang mga nakakain ay may 1mga limang libong lalake, bukod pa ang mga babae at mga bata.
4. Himala ng Paglalakad sa Ibabaw ng Dagat
14:22-33
22 At kaagad na 1pinilit Niya ang mga disipulo na lumulan sa daong at mauna sa Kanya sa kabilang ibayo, samantalang pinayayaon Niya ang mga kalipunan.
23 At nang mapayaon na Niya ang mga kalipunan, umakyat Siyang bukod sa bundok upang 1manalangin. At nang sumapit ang 2gabi, Siya ay nag-iisa roon.
24 Ngayon ang daong ay 1nasa gitna ng dagat, na hinahampas ng mga alon, sapagka’t pasalungat ang hangin.
25 At sa 1ikaapat na pagbabantay sa gabi ay naparoon Siya sa kanila, 2naglalakad sa ibabaw ng dagat.
26 At nang makita Siya ng mga disipulo na naglalakad sa ibabaw ng dagat, sila ay nabahala, na nagsasabi, Ito ay isang multo! At sila ay nagsisigaw dahil sa takot.
27 Subali’t kaagad na nagsalita sa kanila si Hesus, na nagsasabi, Lakasan ninyo ang inyong loob, 1Ako ito; Huwag kayong matakot.
28 At sinagot Siya ni Pedro at nagsabi, Panginoon, kung Ikaw iyan, utusan Mo akong pumariyan sa Iyo sa ibabaw ng tubig.
29 At sinabi Niya, Halika. At si Pedro, nang makababa mula sa daong, ay lumakad sa ibabaw ng tubig at lumapit kay Hesus.
30 Subali’t nang 1makita niya ang malakas na hangin, siya ay natakot; at nang magsimula siyang lumubog, sumigaw siya, na nagsasabi, Panginoon, iligtas Mo ako!
31 At kaagad na iniunat ni Hesus ang Kanyang kamay at hinawakan siya at sinabi sa kanya, Ikaw na may maliit na pananampalataya, bakit ka 1nag-alinlangan?
32 At nang makalulan sila sa daong, ang 1hangin ay tumigil.
33 At ang mga nasa daong ay sumamba sa Kanya, na nagsasabi, Tunay na Ikaw ay ang 1Anak ng Diyos.
5. Pagpapagaling
Sa pamamagitan ng Laylayan ng Damit ng Hari
14:34-36
34 At nang sila ay makatawid, narating nila ang lupa, sa Genesaret.
35 At nang makilala Siya ng mga tao sa lugar na yaon, nagsugo sila sa lahat ng mga karatig-lupain niyaon, at dinala sa Kanya ang lahat ng mga may sakit;
36 At ipinamanhik nila sa Kanya na mahipo man lamang nila ang 1laylayan ng Kanyang damit; at ang lahat ng nagsihipo ay 2nagsigaling.