KAPITULO 18
3 1Ang mga mananampalataya kay Kristo, sa isang pakahulugan ay isang balo sa pangkasalukuyang kapanahunan dahil ang kanilang Asawang Lalake na si Kristo (2 Cor. 11:2), ay wala sa piling nila.
3 2O, ihanap mo ako ng katarungan.
3 3Ang mga mananampalataya kay Kristo ay mayroon ding isang katunggali, yaon ay, si Satanas, ang Diyablo. Sa katunggaling ito, kinakailangan natin ang paghihiganti ng Diyos. Dapat tayong manalangin nang walang lubay para sa paghihiganting ito (cf. Apoc. 6:9-10) at huwag panghinaan ng loob.
6 1Lit. hukom ng kawalang-katuwiran.
8 1Ang paghihiganti ng Diyos sa ating kaaway ay mangyayari sa pagbabalik ng Tagapagligtas (2 Tes. 2:6-9).
8 2Lit. ang pananampalataya, ang walang lubay na pananampalataya para sa walang lubay na pananalangin, katulad ng nasa balo. Kaya, ito ay ang subhektibong pananampalataya, hindi ang obhektibong pananampalataya.
9 1Ang kinapapalooban ng bb. 9-30 ay maaaring ibilang na mga kondisyon at kahilingan para sa pagpasok sa kaharian ng Diyos: (1) ang maging mapagpakumbaba sa harap ng Diyos, nalalaman na ang sarili ay isang makasalanan, nauunawaan na kailangan ang pagpapalubag-loob ng Diyos (bb. 9-14); (2) ang maging katulad ng isang maliit na bata, na walang taglay na anumang nakaaabalang konsepto (bb. 15-17); at (3) ang pagsunod sa Tagapagligtas, dinadaig ang pagiging okupado na sinasanhi ng kayamanan at lahat ng materyal na bagay (bb. 18-30).
11 1Ito ay parang hindi isang panalangin kundi isang pag-aakusa sa ibang tao.
12 1Ito ay parang hindi isang panalangin kundi isang palalong pagmamalaki sa Diyos.
13 1Nauunawaan ng maniningil ng buwis kung paano ang kanyang pagkamakasalanan ay nakapagpapagalit sa Diyos; kaya, hiniling niya sa Diyos na maglubag-loob sa kanya, na huwag magalit sa kanya sa pamamagitan ng isang pampalubag-loob na handog, upang ang Diyos ay maging maawain at mapagbiyaya sa kanya (tingnan ang mga tala 25 1 sa Roma 3, 17 3 sa Heb. 2, at 2 1 sa 1 Juan 2).
16 1O, hadlangan, pigilan.
16 2Tingnan ang tala 43 2 sa kapitulo 4.
17 1Ang isang maliit na bata, na hindi punô at hindi naookupahan ng mga lumang konsepto, ay madaling makatatanggap ng isang bagong kaisipan. Sa gayon, kailangang tanggapin ng mga tao ang kaharian ng Diyos bilang isang bagong bagay, sa pamamagitan ng isang pusong di-okupado kagaya ng puso ng isang maliit na bata.
18 1Para sa bb. 18-30, tingnan ang mga tala sa Mat. 19:16-29.
18 2Tingnan ang tala 25 1 sa kap. 10.
25 1Naiibang salita para sa karayom na nasa Mateo at Marcos. Ito ay tumutukoy sa isang karayom ng maninistis.
26 1Lit. at.
29 1Ang Mateo 19:29 ay nagsasabi, dahil sa Aking pangalan. Ito ay nagpapakita na ang Tagapagligtas ay katumbas ng kaharian ng Diyos (tingnan ang tala 21 1 sa kap. 17).
30 1Ang pangkasalukuyang kapanahunan.
32 1Tingnan ang mga tala 18 1 sa Mat. 20 at 33 1 sa Marc. 10.
35 1Ito ay nangangahulugang pinagaling ng Tagapagligtas ang lalakeng bulag bago Siya pumasok sa Jerico. Nguni’t sinasabi ng Mat. 20:29 at Marc. 10:46, na ang pagpapagaling ay nangyari sa Kanyang paglabas sa Jerico. Ang pagsasalaysay ni Lucas ay may isang espirituwal na kahulugan. Ang pagtanggap ng paningin ng lalakeng bulag ay sinundan ng pagkaligtas ni Zaqueo sa 19:1-9. Ito ay nagpapakita na sa pagtanggap ng kaligtasan kailangan muna ang paningin upang makita ang Tagapagligtas. Ang dalawang pangyayaring ito, na naganap sa Jerico sa walang patid na pagkakasunod, ay dapat ibilang na isang buong espirituwal na pangyayari. Ang isang makasalanan sa kadiliman ay kinakailangang makatanggap ng paningin upang kanyang maunawaan ang kanyang pangangailangan ng kaligtasan (Gawa 26:18).
Ang napapaloob sa 18:35-19:10 ay nagpapakita kung paano makatutupad ang isang tao sa mga kondisyong inihayag sa bb. 9-30, upang makapasok sa kaharian ng Diyos. Yaon ay, ang tanggapin muna ang paningin mula sa Tagapagligtas (bb. 35-43), at pagkatapos ay ang tanggapin ang Tagapagligtas bilang Siyang malakas at buháy na kaligtasan (19:1-10). Sa gayon, ang lalakeng bulag ay maaaring itulad sa nagsisising maniningil ng buwis at sa isang maliit na batang di-naookupahan na tatanggap sa Tagapagligtas, at kay Zaqueo na kayang talikdan ang lahat ng kanyang kayamanan upang makasunod sa Panginoon. Ang mabigyan ng paningin ng Panginoon at ang tanggapin ang Panginoon Mismo ay ang daan upang makapasok sa lahat ng espirituwal na bagay.
38 1Tingnan ang 30 1 sa Mat. 20.
41 1Tingnan ang 51 1 sa Marc. 10.
42 1Lit. nagligtas.