KAPITULO 13
1 1
Ang “ngayon” ay nagpapakita na ipinagpapatuloy ng bb. 1-9 ang mga huling bersikulo ng kapitulo 12, na tumatalakay pa sa bagay ng pagsisisi. Ginagamit ng Panginoon ang dalawang pangyayari sa bb. 1-5 upang paalalahanan ang mga Hudyo na ngayon ang panahon upang sila ay magsisi; kung hindi, silang lahat ay mamamatay kagaya ng mga biktima ng dalawang pangyayaring yaon.
6 1Ang “at” ay nagpapakita na ang bb. 6-9 ay isang pagpapatuloy ng mga nakaraang bersikulong nauukol sa pagsisisi.
6 2Ang talinghagang ito ay nagpapakita na ang Diyos bilang Siyang may-ari ng ubasan ay dumating sa loob ng Anak; ang mga Hudyo ay sinagisag ng puno ng igos (tingnan ang tala 191 sa Mateo 21) na itinanim sa lupang ipinangako ng Diyos bilang ubasan (cf. Mat. 21:33 at tala) upang maghanap ng bunga sa mga ito. Siya ay naghanap na ng bunga sa loob ng tatlong taon (b. 7), at walang Siyang nasumpungan. Nais Niyang putulin ang mga ito, ngunit ang Anak bilang ang tagapag-alaga ng ubasan ay nanalangin para sa kanila, na pagbigyan sila ng Diyos Ama hanggang sa Siya ay mamatay para sa kanila (hukayin ang lupang nakapaligid sa puno ng igos) at mabigyan sila ng pataba, umaasa na pagkatapos magawa ang mga ito, sila ay magsisisi at mamumunga; kung hindi, sila ay puputulin. Ang mga sipi sa 11:29-32 at 42-52 na naghahayag sa mga Hudyo bilang isang masamang henerasyon ay nagpapatibay ng pagpapakahulugang ito.
7 1Yaon ay, inuubos ang taba ng lupa, hinahadlangan ang init ng araw, at umookupa ng lugar (Bengel).
11 1Tingnan ang tala 23 1 sa Marc. 1.
11 2Lit. sama-samang yumuyukod. Ito ay maaaring mangahulugang pagsisisil ng demonyo sa isang tao sa kasukdulan, hanggang sa ang tao ay yumukod patuon lamang sa makasatanas na mundo at hindi makatayo nang tuwid upang tumingin sa kalangitan.
14 1Hindi lamang ginagamit ni Satanas ang masamang espiritu upang alihan ang babae, bagkus maging ang pinuno ng relihiyon upang hadlangan ang pagpapalaya ng Panginoon sa babae. Ang relihiyon ay lubhang ginagamit ng mangangamkam upang panatilihin ang hinirang na bayan ng Diyos sa ilalim ng kanyang pagsisiil.
15 1Tingnan ang tala 2 3 sa Mat. 6.
16 1Isa sa mga pinili ng Diyos.
16 2Ang pag-ali ng demonyo sa tao ay ang pagtali ni Satanas sa tao. Kaya nga, ang pagpapalayas ng demonyo ay ang pagkatalo ni Satanas (Mat. 12:29 at tala 4).
16 3Ang Sabbath ay itinalaga ng Diyos upang ang tao ay makapagpahinga (Gen. 2:3), hindi upang manatili ang tao sa pagkatali.
18 1Para sa mga bb. 18-21, tingnan ang mga tala sa Mat. 13:31-33.
24 1Tingnan ang tala 14 1 sa Mat. 7.
24 2O, sapat ang lakas.
28 1Tingnan ang tala 12 3 sa Mat. 8.
28 2Tingnan ang tala 43 2 sa kapitulo 4. Ang mga Hudyo ay nagtatanong tungkol sa kaligtasan (b. 23). Ngunit ang Panginoon ay sumagot tungkol sa pakikibahagi sa kaharian ng Diyos sa isang libong taon (tingnan ang tala sa 11 2 sa Mateo 8), na siyang magiging sukdulang pagtatamasang bahagi ng ganap na pagliligtas ng Diyos bago ang pagtatamasa sa Bagong Herusalem sa bagong langit at bagong lupa (Apoc. 21:1-3a, 5-7; 22:1-5).
30 1Tumutukoy sa mga ligtas na Hentil, na unang tumanggap sa Tagapagligtas kaysa sa ilang mga naligtas na Hudyo at makikibahagi sa kaharian ng Diyos sa isang libong taon (b. 29).
30 2Tumutukoy sa mga nananampalatayang Hudyo na mahuhuling sasampalataya kaysa sa mga mananampalatayang Hentil (Roma 11:25-26). Ang salita sa bersikulong ito ay ginamit sa ibang pagpapakahulugan sa Mat. 19:30; 20:16; at Marc. 10:31 (tingnan ang tala 16 1 sa Mateo 20).
31 1
Ito ay isang banta ng mga kalaban.
32
1
Tinutukoy nito na ang Panginoon ay may itinakdang panahon sa pagsasagawa ng Kanyang ministeryo, upang tapusin ang Kanyang hakbang, at upang abutin ang kanyang hangarin sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli, at wala ni isa man, lalung-lalo nang hindi si Herodes, ang makapipigil sa Kanya sa pagsasakatuparan nito.
32 2O, ay makatatapos sa Aking hakbang, makaaabot sa Aking hangarin.
33 1Ang Panginoon ay hindi napigil ng pananakot (b. 31) sa Kanyang paglalakbay patungong Herusalem upang isakatuparan ang Kanyang nagtutubos na kamatayan. Bagkus, Siya ay matapang na tumuloy roon (Marc. 10:33) upang abutin ang layunin ng Kanyang buong ministeryo.
34 1Para sa bb. 34-35, tingnan ang mga tala sa Mat. 23:37-39.
35 1Ang bahay na ito, sa orihinal, ay ang bahay ng Diyos na siyang templo ng Diyos. Dahil sa pagtatakwil ng mga Hudyo sa Panginoon na katumbas ng pagtatakwil sa Diyos na pumarito sa loob ng Anak, itinakwil ng Panginoon ang templong ito at itinuring na sariling bahay ng mga Hudyo. Iniwan ito sa kanila upang mapasakanila ang pagkawasak at kalagiman nito.