2 Juan
I. Pambungad
bb. 1-3
A. Umiibig sa loob ng Katotohanan para sa Katotohanan
bb. 1-2
1 Ang 1matanda, sa hirang na 2ginang at sa kanyang mga anak, na aking iniibig sa loob ng 3katotohanan, at hindi lamang ako, bagkus pati na ng lahat ng mga 4nakakikilala ng 5katotohanan,
2 1Dahil sa 2katotohanang nananahan sa atin at sasa atin magpakailanman.
B. Biyaya, Awa, at Kapayapaan sa loob ng Katotohanan at Pag-ibig
b. 3
3 Ang biyaya, awa, at, kapayapaang mula sa Diyos Ama at mula kay Hesu-Kristo, ang Anak ng Ama, ay sasa 1atin, sa loob ng 2katotohanan at pag-ibig.
II. Ang Paglakad sa loob ng Katotohanan at Pag-ibig
bb. 4-6
A. Sa loob ng Katotohanan
b. 4
4 Ako ay 1lubhang nagagalak na aking nasumpungan, ang ilan, sa iyong mga anak na nagsisilakad sa loob ng 2katotohanan, ayon sa ating tinanggap na 3utos sa Ama.
B. Sa loob ng Pag-ibig
bb. 5-6
5 At ngayon ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, na hindi sa sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi 1yaong ating tinanggap 2buhat nang pasimula, na tayo ay mangag-ibigan sa isa’t isa.
6 At ito ang pag-ibig, na tayo ay magsilakad ayon sa Kanyang mga utos. Ito ang utos, na tayo ay magsilakad sa loob ng pag-ibig, gaya ng inyong narinig buhat nang pasimula.
III. Hindi Nakikibahagi sa Erehiya
bb. 7-11
A. Ang mga Erehe
bb. 7-9
7 Sapagka’t maraming 1manlilinlang na lumabas patungo sa sanlibutan, na mga 2hindi nagpapahayag na si Hesu-Kristo ay napariritong 3nasa laman. Ito ang manlilinlang at ang 4antikristo.
8 1Mag-ingat kayo sa inyong sarili, upang huwag 2mawala sa inyo ang 3mga bagay na aming naisagawa, kundi, upang makatanggap kayo ng isang buong 4gantimpala.
9 Ang sinumang 1lumalabis at hindi nananahan sa 2pagtuturo ni Kristo, ay walang Diyos; siya na nananahan sa pagtuturo, ang isang ito ay 3mayroong kapwa ng Ama at ng Anak.
B. Hindi Nakikibahagi sa mga Gawaing Maka-erehiya
bb. 10-11
10 Kung ang sinuman ay dumating sa inyo at hindi 1dala ang pagtuturong ito, huwag ninyo 2siyang tanggapin sa inyong bahay, at huwag ninyong sasabihin sa kanya, 3Magalak ka!
11 Sapagka’t ang nagsasabi sa kanyang, Magalak ka, ay nakikibahagi sa kanyang 1masasamang gawa.
IV. Konklusyon
bb. 12-13
A. Umaasa ng Higit na Matalik na Pagsasalamuha para sa Higit na Kagalakan
b. 12
12 Yamang maraming bagay pa na isusulat sa inyo, hindi ko ibig na isulat, sa pamamagitan ng papel at tinta, datapuwa’t 1inaasahan kong pumariyan sa inyo at makipag-usap nang 2mukhaan, upang malubos ang 3ating kagalakan.
13 Ang 1mga anak ng iyong hirang na 2kapatid-na-babae ay bumabati sa iyo.