Ang Sumulat: Ang mga alipin ni Kristo Hesus, sina Pablo at Timoteo (1:1)
Panahon ng Pagkasulat: Mga 64 A.D. maaaring isinulat pagkatapos ng sulat sa Efeso (cf. 1:25; 2:24).
Lugar ng Pinagsulatan: Bilangguan sa Roma (1:13; Gawa 28:30).
Ang Tumanggap: Ang mga banal na nasa Filipos kasama ang mga episkopo at ang mga diyakono (Fil. 1:1).
Paksa: Karanasan kay Kristo—dinaranas si Kristo bilang buhay, bilang tularan, bilang gol, bilang kapangyarihan at lihim
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-2)
II. Ang Ipamuhay at Ipadakila si kristo (1:3-30)
A. Ang Pakikipagsalamuha para sa ikalalaganap ng Ebanghelyo (bb. 3-18)
B. Pinapadakila si kristo sa pamamagitan ng Pamumuhay sa Kanya (bb. 19-26)
C. Nangagkakaisa sa kaluluwa sa Pagsusumikap para sa Ebanghelyo (bb. 27-30)
III. Ang Kunin si Kristo bilang Tularan at ang Tanganan Siya nang may Pagtatanyag (2:1-30)
A. Magkaugpong sa Kaluluwa, Nag-iisip ng Iisang Bagay (bb. 1-4)
B. Kinukuha si Kristo bilang Tularan (bb. 5-11)
C. Isinasagawa an gating kaligtasan sa pamamagitan ng Pagtangan nang may Pagtatanyag kay Kristo (bb. 12-16)
D. Isang Handog na Inumin na Ibinuhos sa hain ng Pananampalataya (bb. 17-18)
E. Ang Pagmamalasakit ng Apostol sa mga Mananampalataya (bb. 19-30)
IV. Ang Habulin at Tamuhin si Kristo (3:1-21)
A. Naglilingkod sa pamamagitan ng Espiritu, Hindi Nagtitiwala sa Laman (bb. 1-6)
B. Inaring Kalugihan ang Lahat ng Bagay Alang-alang kay Kristo (bb. 7-11)
C. Tinatamo si Kristo sa pamamagitan ng Paghahabol sa Kanya (bb. 12-16)
D. Naghihintay kay Kristo para sa Pagbabagong-anyo ng Katawan (bb. 17-21)
V. Si Kristo Bilang ang Lihim ng Kasapatan (4:1-20)
A. Nag-iisip ng Magkatulad na Bagay at Nagagalak sa loob ng Panginoon (bb. 1-4)
B. Ang mga Ekselenteng Katangian ng Buhay-Kristiyano (bb. 5-9)
C. Ang Pagsasalamuha ng mga Mananampalataya sa Apostol at ang Lihim ng Kasapatan ng Apostol (bb. 10-20) VI. Konklusyon (4:21-23)