Santiago
KAPITULO 4
H. Tinutuos ang mga Kalayawan,
ang Sanlibutan, at ang Diyablo
4:1-10
1 Saan nagbubuhat ang mga pakikipagbaka at ang mga pag-aaway sa inyo? Hindi ba nagbubuhat dito, sa inyong mga 1kalayawan na nakikipagbaka sa inyong mga sangkap?
2 Kayo ay 1nagnanasa at hindi ninyo makamtan; kayo ay nagsisipatay at nangaiinggit, at hindi ninyo kayang makuha; kayo ay nakikipag-away at nakikipagbaka. Kayo ay wala sapagkat hindi kayo nagsisihingi.
3 Kayo ay nagsisihingi at hindi kayo nagsisitanggap, sapagkat nagsisihingi kayo nang masama, upang gugulin 1sa inyong mga kalayawan.
4 Kayong mga 1mangangalunyang-babae, hindi ba ninyo nalalaman na ang 2pakikipagkaibigan sa 3sanlibutan ay pakikipag-away sa Diyos? Samakatwid, sinumang magpasiyang maging kaibigan ng sanlibutan ay 4nagiging 5kaaway ng Diyos.
5 O iniisip ba ninyo na ang Kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan: Ang 1Espiritu na 2nananahan sa atin ay nagnanais managhili?
6 Ngunit Siya ay nagbibigay ng lalong biyaya; kaya’t 1ito ay nagsasabi, 2Sinasalansang ng Diyos ang mga 3palalo, datapuwa’t binibigyan Niya ng biyaya ang mga mapagpakumbaba.
7 1Pasakop nga kayo sa Diyos; datapuwa’t 2salansangin ninyo ang 3Diyablo, at tatakas siya sa inyo.
8 Magsilapit kayo sa Diyos, at Siya ay lalapit sa inyo. Maglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan, at dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga may 1dalawang-kaluluwa!
9 1Kayo ay mapighati at magdalamhati at magsitangis. Palitan ninyo ang inyong pagtawa ng pagdadalamhati, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.
10 1Magpakababa kayo sa harapan ng Panginoon, at kayo ay itataas Niya.
I. Hindi Nagsasalita nang laban sa mga Kapatid
4:11-12
11 Huwag kayong magsalita laban sa isa’t isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid o humahatol sa kanyang kapatid ay nagsasalita laban sa kautusan at humahatol sa kautusan. Datapuwa’t kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka isang 1tagatupad ng kautusan, kundi isang hukom.
12 Iisa ang Tagapagbigay ng kautusan at Hukom, na may kakayahang magligtas at magwasak. Datapuwa’t sino ka na humahatol sa iyong kapwa?
J. Hindi Nagtitiwala sa Sariling Kapasiyahan
kundi sa Panginoon
4:13-17
13 Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, Ngayon o bukas ay 1magsisiparoon kami sa ganito o gayong lunsod at titira kami roon nang isang taon, at mangangalakal at magtutubo
14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari sa inyong buhay bukas; kayo nga ay isang 1singaw na sa sandaling panahon ay lumilitaw, at kapagdaka ay naglalaho
15 Sa halip na sabihin ninyong, Kung loloobin ng Panginoon ay mabubuhay kami at gagawin namin ito o yaon.
16 Datapuwa’t ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga 1pagpapalalo; ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.
17 1Samakatwid sa nakaalam ng paggawa ng mabuti at hindi ito ginagawa, ito ay kasalanan sa kanya.