Santiago
KAPITULO 3
F. Pinipigilan ang Dila
3:1-12
1 Huwag maging mga 1guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalaman ninyo na tayo ay tatanggap ng lalong mabigat na 2hatol.
2 Sapagkat sa maraming bagay tayong lahat ay natitisod; kung ang sinuman ay hindi natitisod sa salita, ang gayon ay isang taong sakdal, may kakayahan din namang pumigil sa buong katawan.
3 Kung atin ngang lalagyan ng mga bokado ang mga kabayo sa kanilang mga bibig upang ang mga ito ay tumalima sa atin, atin ding ibabaling ang kanilang buong katawan.
4 Masdan, ang mga daong naman, bagama’t lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayunman sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napababaling kung saan ibig ng taga-ugit.
5 Gayundin naman ang dila ay isang maliit na sangkap at nagpapalalo ng malalaking bagay. Masdan, kung gaano kalaking gubat ang pinag-aalab ng lubhang maliit na 1apoy!
6 At ang dila ay isang 1apoy, ang sanlibutan ng kawalan ng katuwiran; ang dila ay nasa gitna ng ating mga sangkap, hinahawahan ang buong katawan at pinagniningas ang 2pagdaraanan ng buhay, at ang dila ay pinagniningas ng 3Gehenna.
7 Sapagkat ang bawat kalikasan, kapwa ng mga hayop at ng mga ibon, kapwa ng mga reptilya at mga kinapal sa dagat, ay pinaaamo at napaaamo ng pantaong 1kalikasan;
8 Datapuwa’t ang dila ay hindi napaaamo ng sinumang tao; isang masamang 1hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.
9 Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa panlalait sa mga taong ginawa ayon sa wangis ng Diyos.
10 Mula sa iisang bibig din lumalabas ang pagpuri at paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.
11 Ang bukal ba, sa isa lamang siwang, ay binubukalan ng matamis at mapait?
12 Maaari ba, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng mga oliba, o ang puno ng ubas, ng mga igos? Hindi rin naman babalungan ng matamis ang 1maalat na tubig.
G. Kumikilos ng may Karunungan
3:13-18
13 Sino ang marunong at may pang-unawa sa inyo? Ipakita niya 1sa pamamagitan ng kanyang mabuting gawi ng pamumuhay ang kanyang mga 2gawa sa 3kaamuan ng karunungan.
14 Ngunit kung kayo ay may mapapait na paninibugho at pakikipagtunggalian sa inyong puso, huwag kayong magmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.
15 Ang 1karunungang ito ay hindi bumababa mula sa itaas, kundi 2makalupa, makakaluluwa, makademonyo.
16 Sapagkat kung saan may paninibugho at tunggalian, naroroon ang kaguluhan at bawat gawang walang halaga.
17 Ngunit ang 1karunungang buhat sa itaas, unang-una ay dalisay, saka mapayapa, 2mapagbata, 3madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.
18 At ang 1bunga ng katuwiran ay itinatanim sa kapayapaan 2ng mga nagsisigawa ng kapayapaan.