Hebreo
KAPITULO 9
2. Lalong Mabubuting Hain at Lalong Magaling na Dugo
kasama ang Lalong Malaki at Lalong Sakdal na Tabernakulo
9:1-10:18
1 Noon nga, ang unang tipan ay nagkaroon ng mga ordinansa ng paglilingkod, at ng 1santuario nito, isang santuario ng sanlibutang ito.
2 Sapagka’t inihanda ang isang tabernakulo, ang una, na kinaroroonan ng patungan-ng-ilawan at ng dulang, at ng mga tinapay na handog, na tinatawag na Dakong Banal;
3 At sa likod ng ikalawang tabing ay ang tabernakulo na tinatawag na Dakong Kabanal-banalan,
4 1Na may isang gintong 2dambana ng insenso at kaban ng tipan na ang paligid ay nababalutan ng ginto, na siyang kinaroroonan ng 3sisidlang ginto na may lamang manna, at ng tungkod ni Aaron na 4umusbong at ng mga tapyas na bato ng tipan;
5 At sa ibabaw nito ay ang mga querubin ng kaluwalhatian na lumililim sa 1pampalubag-loob na takip, na tungkol sa mga bagay na ito ay hindi natin mapag-uusapan ngayon nang isa-isa.
6 At sa ganitong pagkahanda ng mga bagay na ito, tungo sa unang tabernakulo ang mga saserdote nga ay patuloy na nagsisipasok, na tinutupad ang mga paglilingkod;
7 Datapuwa’t tungo sa ikalawa ay pumapasok nang nag-iisa ang mataas na saserdote, minsan sa isang taon, na hindi walang dalang dugo, na inihahandog niya para sa kanyang sarili, at para sa mga 1kasalanan ng ipagkakaalam ng bayan;
8 Na sa ganito ay ipinakikita ng Espiritu Santo, na ang 1daan papasok sa Dakong Kabanal-banalan ay hindi pa naihahayag habang natatayo pa ang unang tabernakulo;
9 Na isang 1sagisag ng pangkasalukuyang panahon, na ayon dito ay inihahandog ang mga 2kaloob at ang mga hain, na, kung budhi ang pag-uusapan, ang mga ito ay walang kakayahang magpasakdal sa naglilingkod,
10 Binubuo lamang ng mga pagkain, at mga inumin at sari-saring 1paglilinis, mga ordinansang ukol sa laman na iniatang hanggang sa panahon ng 2pagtutuwid ng mga bagay.
11 Nguni’t dumating na si Kristo na isang Mataas na Saserdote ng mabubuting bagay na narito na, sa pamamagitan ng lalong malaki at lalong sakdal na tabernakulo, na hindi gawa ng kamay, yaon ay, hindi sa nilikhang sanlibutang ito,
12 Ni hindi sa pamamagitan ng dugo ng mga kambing at ng mga bisirong baka, kundi sa pamamagitan ng Kanyang sariling dugo, ay pumasok na minsan magpakailanman sa Dakong Kabanal-banalan na 1nakamtan ang walang-hanggang 2katubusan.
13 Sapagka’t kung ang dugo ng mga kambing at ng mga toro, at ang abo ng dumalagang baka na iwiniwisik sa mga narungisan, ay nakapagpapabanal sa ikalilinis ng laman,
14 Gaano pa kaya ang 1dugo ni Kristo, na sa pamamagitan ng 2walang hanggang Espiritu ay naghandog ng Kanyang Sarili na walang dungis sa Diyos, ay makapaglilinis ng ating 3budhi mula sa mga 4patay na gawa upang magsipaglingkod sa 5buhay na Diyos?
15 At dahil dito Siya ang Tagapamagitan ng isang bagong tipan, upang sa pamamagitan ng isang kamatayang ukol sa ikatutubos ng mga pagsalansang na nasa ilalim ng unang tipan, ang mga tinawag ay magsitanggap ng 1pangako ng 2walang hanggang pamana.
16 Sapagka’t kung saan may 1testamento, doon ay may pangangailangan ng pagkamatay ng gumawa niyaon.
17 Sapagka’t ang isang 1testamento ay napagtitibay 2kung namatay na ang gumawa, yamang ito ay walang anumang bisa habang buhay ang gumawa nito.
18 Kaya’t ang unang tipan man ay hindi 1itinalaga nang walang dugo.
19 Sapagka’t nang nasalita na ni Moises sa buong bayan ang bawa’t utos ayon sa kautusan, kumuha siya ng dugo ng mga bisirong baka at ng mga kambing, na may tubig at mapulang lana at isopo, at winisikan ang aklat at gayon din ang buong bayan,
20 Na sinasabi, Ito ang dugo ng tipan na iniutos ng Diyos sa inyo.
21 Gayundin ang tabernakulo at ang lahat ng mga 1kasangkapang ginagamit sa paglilingkod ay pinagwiwisikan niya ng dugo sa gayon ding paraan.
22 At ayon sa kautusan, halos lahat ng mga bagay ay nililinis ng dugo, at 1kung walang pagbububo ng dugo ay walang kapatawaran.
23 Kaya nga, kinakailangang ang mga anyo ng mga bagay na nasa sangkalangitan ay malinisan ng mga ito, nguni’t ang mga 1bagay mismo na nasa langit ay kinakailangang malinisan ng 2lalong mabubuting hain kaysa rito.
24 Sapagka’t hindi pumasok si Kristo sa mga 1dakong banal na ginawa ng kamay, na 2kahalintulad lamang ng tunay, kundi sa langit mismo, upang magpakita ngayon sa harapan ng Diyos para sa atin;
25 Ni para maihandog nang madalas ang Kanyang Sarili, na gaya ng mataas na saserdote na pumapasok sa Dakong Kabanal-banalan taun-taon na may dalang dugo ng iba,
26 Kung nagkagayon ay kinailangang Siya ay magbatang madalas mula nang itatag ang sanlibutan; datapuwa’t ngayon ay minsan Siyang nahayag sa 1katapusan ng mga kapanahunan upang alisin ang kasalanan sa pamamagitan ng paghahain ng Kanyang Sarili.
27 At kung paanong itinakda sa mga tao ang mamatay nang 1minsan, at pagkatapos nito ay ang paghuhukom,
28 Ay gayundin naman si Kristo, na inihandog nang minsan upang pasanin ang mga kasalanan ng marami, ay pakikita sa ikalawang ulit na 1hiwalay sa kasalanan, sa mga nagsisipaghintay sa Kanya, sa 2ikaliligtas.