Hebreo
KAPITULO 7
2. Ang Mataas na Saserdoteng Walang Hanggan,
Dakila, Buháy, at Makapagliligtas
7:1-28
1 1Sapagkat itong si 2Melquisedec, 2hari ng Salem, saserdote ng Kataas-taasang Diyos, na siyang sumalubong kay Abraham sa pagbabalik nito mula sa paglipol sa mga hari at nagpala sa kanya,
2 Na siya ring binahaginan ni Abraham ng ika-sampung bahagi ng lahat; ipinakakahulugan, unang-una, bilang 1hari ng katuwiran, at saka hari naman ng Salem, samakatwid ay hari ng kapayapaan;
3 1Na walang ama, walang ina, walang talaangkanan, at walang simula ng mga araw ni katapusan man ng buhay, datapuwa’t ginawang katulad ng Anak ng Diyos, ay nananatiling saserdote magpakailanman.
4 Pagnilay-nilayin nga ninyo kung gaano 1kadakila ang taong ito, na binigyan ng patriarkang si Abraham ng ikapu ng mga pinakamagagaling na samsam.
5 At tunay nga ang sa mga anak ni Levi, na nagsitanggap ng tungkuling pagkasaserdote, ay may tinanggap na utos na kumuha ng ikapu sa bayan ayon sa kautusan, samakatuwid ay, sa kanilang mga kapatid, bagama’t sila ay nagsilabas sa mga balakang ni Abraham;
6 Ngunit yaong may talaangkanang hindi kabilang sa kanila ay kumuha ng ikapu kay Abraham, at 1pinagpala yaong may mga pangako.
7 Datapuwa’t walang anumang pagtatalo, ang higit na nakabababa ay pinagpapala ng 1higit na nakatataas.
8 At tunay ngang dito ang mga taong may kamatayan ay tumatanggap ng ikapu, datapuwa’t doon ay ang isa, na pinatutunayang nabubuhay.
9 At samakatwid, sa pamamagitan ni Abraham, si 1Levi rin, na tumatanggap ng ikapu, ay pinagbabayad ng ikapu;
10 Sapagka’t siya ay nasa mga balakang pa ng kanyang ama nang siya ay salubungin ni Melquisedec.
11 Ngayon kung ang kasakdalan nga ay sa pamamagitan ng pagkasaserdote ng mga Levita (sapagkat sa ilalim nito ay tinanggap ng bayan ang kautusan), bakit kinakailangan pa na magbangon ang ibang 1saserdote ayon sa orden ni Melquisedec at hindi ibilang ayon sa orden ni Aaron?
12 Sapagkat sa 1pagpapalit ng pagkasaserdote, kinakailangang 2palitan din naman ang kautusan.
13 Sapagkat Siya, kung kanino patungkol ang mga nasabing bagay na ito, ay 1kabilang sa ibang lipi, na roon ay walang sinumang naglilingkod sa dambana.
14 Sapagkat maliwanag na ang ating Panginoon ay 1lumitaw mula sa 2Juda, na tungkol sa liping yaon ay walang sinalitang anuman si Moises hinggil sa mga saserdote.
15 At lalo pang napakaliwanag nito, yamang isang naiibang saserdote ang lumitaw ayon sa anyo ni Melquisedec,
16 Na naging saserdote, hindi ayon sa kautusan ng utos na ukol sa laman, kundi ayon sa kapangyarihan ng isang buhay na 1di-nasisira.
17 Sapagkat pinatotohanan tungkol sa Kanya, Ikaw ay Saserdote magpakailanman ayon sa orden ni Melquisedec.
18 Sapagkat tunay ngang may 1pag-aalis ng unang utos dahil sa kahinaan at kawalan ng kapakinabangan
19 (Sapagka’t ang 1kautusan ay walang napasakdal), at may pagpapasok ng isang 2lalong magaling na pag-asa, na sa pamamagitan nito ay nagsisilapit tayo sa Diyos.
20 At yamang ito ay hindi nangyayari nang walang panunumpa
21 (Sapagkat sila sa katunayan ay naging mga saserdote nang walang panunumpa, datapuwa’t Siya ay may panunumpa sa pamamagitan Niyaong nagsabi sa Kanya, Sumumpa ang Panginoon at hindi Niya pagsisisihan ito, Ikaw ay Saserdote magpakailanman);
22 Gayundin naman si Hesus ay naging 1Tagapanagot ng isang lalong mabuting tipan.
23 At tunay ngang sila ay naging maraming saserdote, sapagkat pinigilan sila ng kamatayan na magpatuloy,
24 Datapuwa’t Siya, dahil sa Kanyang pagpapatuloy magpakailanman, ay may pagkasaserdoteng di-mapapalitan.
25 Dahil dito rin naman Siya ay may kakayahang magligtas 1sa sukdulan sa mga nagsisilapit sa Diyos sa pamamagitan Niya, palibhasa ay lagi Siyang nabubuhay upang 2mamagitan para sa kanila.
26 Sapagka’t ang gayong Mataas na Saserdote ay nararapat sa atin, banal, walang sala, walang dungis, nahihiwalay sa mga makasalanan, at naging 1lalong mataas pa kaysa sa mga kalangitan;
27 Na hindi nangangailangang maghandog araw-araw ng mga hain, gaya niyaong mga mataas na saserdote, unang-una para sa kanyang sariling mga kasalanan at pagkatapos para sa mga kasalanan ng bayan; sapagka’t ito ay ginawa Niyang minsan magpakailanman, nang Kanyang ihandog ang Kanyang Sarili.
28 Sapagka’t ang kautusan ay nagtatalaga ng mga taong may kahinaan bilang mga mataas na saserdote, nguni’t ang salita ng sumpa na kasunod ng kautusan ay nagtatalaga ng Anak, na 1pinasakdal magpakailanman.