Hebreo
KAPITULO 5
1 Sapagkat ang bawat mataas na saserdoteng kinuha mula sa mga tao ay itinalaga dahil sa mga tao sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang siya ay makapaghandog ng mga 1kaloob at ng mga haing patungkol sa mga kasalanan;
2 Na 1nakapagtitiis na may kahinahunan sa mga di-nakaaalam at mga nalilihis, yamang siya rin naman ay napaliligiran ng kahinaan;
3 At dahil dito ay nararapat siyang maghandog para sa mga kasalanan, hindi lamang para sa mga tao, bagkus para rin sa kanyang sarili.
4 At walang sinuman ang kumukuha para sa kanyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Diyos na gaya naman ni Aaron.
5 Gayundin naman hindi 1niluwalhati ni Kristo ang Kanyang sarili upang maging Mataas na Saserdote, kundi Yaong nagsabi sa Kanya, 2Ikaw ay Aking Anak, sa araw na ito ay ipinanganak Kita;
6 Gaya rin naman ng sinasabi Niya sa ibang dako, 1Ikaw ay Saserdote magpakailanman ayon sa 2orden ni Melquisedec.
7 Na Siya sa mga araw ng Kanyang laman ay naghandog ng mga panalangin at mga daing na may malakas na pag-iyak at mga pagluha roon sa may kapangyarihang makapagligtas sa Kanya 1palabas sa kamatayan, at Siya ay dininig dahil sa Kanyang 2maka-diyos-na-takot,
8 Bagamat Siya ay Anak, natutuhan Niya ang 1pagtalima mula sa mga bagay na Kanyang tiniis;
9 At nang Siya ay 1mapaging-sakdal, Siya ay naging 2sanhi ng 3walang hanggang kaligtasan sa lahat ng mga nagsisitalima sa Kanya,
10 1Pinangalanan ng Diyos na Mataas na Saserdote ayon sa orden ni Melquisedec.
(Ang Ikatlong Babala-
Magpatuloy upang gumulang
5:11-6:20)
11 Tungkol sa Kanya ay marami kaming sasabihin, at mahirap ipaliwanag, palibhasa ay nagsipurol kayo sa pakikinig.
12 Sapagkat nang kayo ay nararapat nang maging mga guro dahil sa kaluwatan, muli pa kayong nangangailangang kayo ay turuan ng isang tao ng mga 1panimulang aralin ng mga 2orakulo ng Diyos, at naging tulad sa mga nangangailangan ng 3gatas at hindi ng pagkaing matigas.
13 Sapagkat bawat tumatanggap ng 1gatas ay walang karanasan sa 1salita ng katuwiran, sapagkat siya ay isang sanggol;
14 Ngunit ang pagkaing matigas ay para sa mga may gulang, sa mga yaong sa pamamagitan ng pagsasanay ay naensayo ang kanilang mga 1sangkap ng pandama upang mapagkilala kapwa ang 2mabuti at ang masama.