Hebreo
KAPITULO 3
B. Nakahihigit kay Moises, Isang Apostol na Karapat-dapat sa Higit na Kaluwalhatian at Karangalan
3:1-6
1 Kaya, mga 1banal na kapatid, mga 2may bahagi sa 3makalangit na pagtawag, isaalang-alang ninyo ang 4Apostol at Mataas na Saserdoteng ating kinikilala, si Hesus,
2 Na tapat sa nagtalaga sa Kanya, gaya rin naman ni Moises sa buong sambahayan Niya.
3 Sapagka’t Siya ay inaring karapat-dapat sa higit na 1kaluwalhatian kaysa kay Moises, higit, tulad ng ang 2Nagtayo ng bahay ay may higit na karangalan kaysa sa bahay.
4 Sapagka’t ang bawa’t bahay ay may isang nagtayo, datapuwa’t ang Nagtayo ng lahat ng mga bagay ay ang Diyos.
5 At si Moises ay tunay na tapat sa Kanyang buong sambahayan bilang isang 1lingkod, upang maging 2patotoo sa mga bagay na sasabihin sa hinaharap;
6 Subali’t si Kristo, bilang Anak na namamahala sa Kanyang sambahayan, na ang 1bahay Niya ay tayo, kung ating pakaiingatan ang kalakasangloob at ang pagmamapuri sa pag-asa nang matibay hanggang sa katapusan.
(Ang Ikalawang Babala-Huwag na hindi makaabot
sa ipinangakong kapahingahan
3:7- 4:13)
7 1Kaya nga, gaya ng sinasabi ng Espiritu Santo, Ngayon kung marinig ninyo ang Kanyang tinig,
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa pagmumungkahi sa galit, sa araw ng pagtukso sa ilang,
9 Kung saan Ako tinukso ng inyong mga magulang sa pamamagitan ng pagsubok sa Akin, at apatnapung taong nakita ang Aking mga gawa.
10 Dahil dito ay 1nawalan Ako ng gana sa henerasyong ito, at Aking sinabi, Sila ay laging 2nagkakamali sa kanilang puso; at hindi nila nakikilala ang Aking mga 3pamamaraan;
11 Ano pa’t Aking isinumpa sa Aking kapootan, 1Kung sila ay magsisipasok sa Aking kapahingahan!
12 Magsipag-ingat kayo, mga kapatid, baka sakaling mayroon sa kaninuman sa inyo ng isang pusong masama na walang pananampalataya, na 1naghihiwalay sa inyo sa Diyos na buháy.
13 Nguni’t kayo ay magpangaralan sa isa’t isa araw-araw, habang ang panahon ay matatawag pang ngayon, baka papagmatigasin ang sinuman sa inyo ng daya ng kasalanan.
14 Sapagka’t tayo ay nagiging mga 1kasama ni Kristo, kung tunay ngang ating pinakaiingatan ang pasimula ng katiyakan nang matibay hanggang sa katapusan;
15 Samantalang sinasabi, Ngayon, kung marinig ninyo ang Kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong mga puso, na gaya ng sa panahon ng pagmumungkahi sa galit.
16 Sapagka’t sinu-sino, na pagkarinig, ay nagmungkahi sa galit? Hindi ba yaong lahat na nagsilabas sa Ehipto sa pamamagitan ni 1Moises?
17 At sa kani-kanino Siya nawalan ng gana sa apatnapung taon? Hindi ba sa mga yaong nangagkasala, na ang kanilang mga 1katawan ay nangabuwal sa ilang?
18 At sa kani-kanino Niya isinumpa na sila ay hindi makapapasok sa Kanyang kapahingahan, kundi sa yaong mga 1nagsisuway?
19 At nakikita natin na sila ay hindi nakapasok dahil sa kawalan ng pananampalataya.