Hebreo
KAPITULO 2
(Ang Unang Babala—Bigyang-pansin ang ipinangusap
na salita tungkol sa Anak
2:1-4)
1 1Kaya nga nararapat nating lubos na bigyang-pansin ang mga bagay na narinig, baka sa anumang oras ay 2matangay tayo.
2 Sapagkat kung ang ipinangusap na salita sa pamamagitan ng mga anghel ay matibay, at ang bawat pagsalansang at pagsuway ay tumanggap ng matuwid na parusang kabayaran,
3 Paano tayo 1makatatakas kung pababayaan natin ang ganitong kadakilang 2kaligtasan; na ipinangusap ng Panginoon noong una, na pinatunayan sa atin sa pamamagitan ng mga nakarinig,
4 Na pawang sinasaksihan naman ng Diyos na kasama nila, sa pamamagitan ng mga tanda at mga kababalaghan at ng iba’t ibang gawa ng kapangyarihan at ng mga 1ipinamahaging kaloob ng Espiritu Santo, ayon sa Kanyang sariling kalooban?
2. Bilang ang Anak ng Tao—bilang Tao
2:5-18
5 Sapagkat hindi Niya ipinasakop sa mga anghel ang 1sanlibutang darating, na siya naming isinasalaysay.
6 Sapagkat taimtim na pinatunayan ng isa sa isang dako, na sinasabi, Ano ang 1tao upang siya ay Iyong alalahanin, o ang anak ng tao upang siya ay Iyong dalawin?
7 Ginawa Mo Siyang 1mababa nang kaunti kaysa sa mga anghel; pinutungan Mo Siya ng kaluwalhatian at karangalan, at inilagay Mo Siya asa ibabaw ng mga gawa ng Iyong mga kamay;
8 Ipinasuko Mo ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng Kanyang mga paa. Sapagkat sa pagpapasuko ng lahat ng mga bagay sa Kanya, wala Siyang iniwan na di-napasuko sa Kanya. Ngunit ngayon ay hindi pa natin nakikita na napasuko na ang lahat ng mga bagay sa Kanya,
9 Kundi nakikita natin si Hesus, na ginawang 1mababa nang kaunti 2kaysa sa mga anghel, dahil sa pagbata sa kamatayan ay pinutungan ng 3kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos ay matikman Niya ang kamatayan para sa 4lahat ng mga bagay.
10 Sapagkat marapat sa Kanya, 1na pinag-uukulan ng lahat ng mga bagay, at sa pamamagitan Niya ang lahat ng mga bagay, sa pagdadala ng 2maraming anak tungo sa 3kaluwalhatian, ang gawing 4sakdal ang 5Pinuno ng kanilang kaligtasan sa pamamagitan ng mga pagdurusa.
11 Sapagkat 1Siya na nagpapabanal at yaong mga pinapaging-banal ay pawang 2iisa, nang dahil dito ay hindi Siya nahihiyang tawagin silang mga kapatid,
12 Na sinasabi, 1Ipapahayag Ko ang Iyong pangalan sa Aking mga kapatid; sa gitna ng 2ekklesia ay 3aawit Ako ng mga himno ng papuri sa Iyo.
13 At muli, ilalagak Ko ang Aking pagtitiwala sa Kanya. At muli, Masdan, Ako at ang mga anak na ibinigay sa Akin ng Diyos.
14 Yaman ngang ang mga anak ay nakabahagi sa dugo at laman, gayundin naman Siya Mismo ay nakabahagi sa mga ito, upang sa pamamagitan ng kamatayan ay Kanyang 1malipol yaong may kapangyarihan ng kamatayan, yaon ay, ang Diyablo;
15 At 1mapalaya yaong mga nang dahil sa takot sa kamatayan ay nangasailalim ng pagkaalipin sa buong buhay nila.
16 Sapagkat tunay na hindi Niya 1tinutulungan ang mga anghel, kundi 1tinutulungan Niya ang binhi ni Abraham.
17 Kaya’t nararapat sa Kanya na sa lahat ng mga bagay ay 1matulad sa Kanyang mga kapatid, upang maging isang 2maawain at tapat na Mataas na Saserdote sa mga bagay na nauukol sa Diyos, upang gumawa ng 3pampalubag-loob patungkol sa mga kasalanan ng mga tao.
18 Sapagka’t sa binatá Niyang gayon, sa pagkatukso, Siya ay makasasaklolo sa mga tinutukso.