Ang Sumulat: Apostol Pablo (1:1; 9:1-2). Siya ay tinawag 25 taon na ang nakararaan bago niya isinulat ang aklat na ito (Gawa 9:3-6,15-16). Labing-apat na taon bago ang pagkasulat nito siya ay isinugo sa mga Hentil bilang apostol (Gawa 13:1-4,8).
Panahon ng Pagkasulat: Humigit-kumulang sa 59 A.D., sa loob ng panahon na si Pablo ay tumira ng tatlong buong taon sa Efeso (Gawa 20:31; I Cor. 16:8)
Lugar ng Pinagsulatan: Efeso (Gawa 19:21-22; I Cor. 16:3-8,19).
Ang Tumanggap: Ang mga banal na nasa Corinto — ang ekklesia, kasama ang mga tao na sa bawa’t dako ay tumatawag sa pangalan ng Panginoong Hesu-Kristo (1:2).
Paksa: Si Kristo at ang krus ang kasagutan sa lahat ng suliranin ng ekklesia
BALANGKAS
I. Pambungad—Ang mga Panimulang Kaloob at ang Pakikibahagi kay Kristo (1:1-9)
II. Tinutuos ang ukol sa Pagkakabaha-bahagi (1:10—4:21)
A. Si Kristo at ang Kanyang Krus, ang Namumukod-tanging Kalutasan sa Lahat ng mga Suliranin sa loob ng Ekklesia (1:10-31)
1. Si Kristo, Hindi Nabaha-bahagi (bb. 10-17)
2. Si Kristong Ipinako-sa-Krus, ang Kapangyarihan ng Diyos at ang Karunungan ng Diyos (bb. 18-25)
3. Si Kristo, Ating Karunungan: Katuwiran, Pagpapabanal, at Katubusan (bb. 26-31)
B. Si Kristong Ipinako-sa-Krus, ang Pinagtutuunan ng Pansin ng Ministeryo ng Apostol (2:1-16)
1. Ang Daan ng Ministeryo ng Apostol (bb. 1-5)
2. Ang Karunungan ng Diyos sa Hiwaga, si Kristo bilang ang Malalalim na Bagay ng Diyos (bb. 6-10)
3. Ipinababatid ang mga Espirituwal na Bagay sa pamamagitan ng mga Espirituwal na Salita sa mga Espirituwal na Tao (bb. 11-16)
C. Ang Ekklesia, ang Bukid ng Diyos, at ang Gusali ng Diyos (3:1-23)
1. Kinakailangan ang Paglago sa Buhay (bb. 1-9)
2. Itinayo sa pamamagitan ng mga Natranspormang Materyales, Hindi sa pamamagitan ng mga Likas na Bagay (bb. 10-17)
3. Ang Lahat ng mga Bagay para sa Ekklesia at ang Ekklesia para kay Kristo (bb. 18-23)
D. Ang mga Katiwala ng mga Hiwaga ng Diyos (4:1-21)
1. Matatapat na Lingkod ni Kristo (bb. 1-5)
2. Isang Panoorin kapwa sa mga Anghel at sa mga Tao (bb. 6-9)
3. Ang Yagit ng Sanlibutan at ang Sukal ng Lahat ng mga Bagay (bb. 10-13)
4. Ang Nagsilang na Ama (bb. 14-21)
III. Tinutuos ang isang Masamang Kapatid (5:1-13)
A. Hinatulan ang Masama (bb. 1-5)
B. Ipinangingilin ang kapistahan ng Tinapay na Walang Lebadura (bb. 6-8)
C. Itinitiwalag ang Yaong Masama mula sa Ekklesia (bb. 9-13)
IV. Tinutuos ang ukol sa Kasong Namamagitan sa mga Mananampalataya (6:1-11)
A. Ang Paghatol ng Ekklesia (bb. 1-8)
B. Ang mga Hindi Karapat-dapat Magmana ng Kaharian ng Diyos (bb. 9-11)
V. Tinutuos ang ukol sa Pagmamalabis sa Kalayaan (6:12-20)
A. Ang Pinagbabatayang Prinsipyo (b. 12)
B. Ang Ating Katawan, para sa Panginoon at para sa Diyos (bb. 13-20)
VI. Tinutuos ang ukol sa Buhay-may-asawa (7:1-40)
A. Hinggil sa Kaloob na Hindi Pag-aasawa (bb. 1-7)
B. Hinggil sa mga Walang Asawa at mga Babaeng Balo (bb. 8-9)
C. Hinggil sa May-asawa (bb. 10-16)
D. Nananatili sa Katayuan ng Pagkatawag (bb. 17-24)
E. Hinggil sa Pananatiling Birhen (bb. 25-38)
F. Hinggil sa Muling Pag-aasawa (bb. 39-40)
VII. Tinutuos ang ukol sa Pagkain ng mga Hain sa mga Diyus-diyusan (8:1-11:1)
A. Hindi Nararapat na Pagkain (8:1-13)
1. Hindi ayon sa Pag-ibig na Nakapagtatayo (bb. 1-3)
2. Ang Diyus-diyusan ay Walang Kabuluhan (bb. 4-7)
3. Ang Pagkain, Hindi Nagtataguyod sa Atin sa Diyos (b. 8)
4. Nakapagpapatisod sa Mahihinang Kapatid (bb. 9-13)
B. Ang Pagpapatunay ng Apostol (9:1-27)
1. Ang Kanyang mga Kwalipikasyon (bb. 1-3)
2. Ang Kanyang mga Karapatan (bb. 4-15)
3. Ang Kanyang Katapatan (bb. 16-23)
4. Ang Kanyang Pagsisikap (bb. 24-27)
C. Ang Israel bilang Halimbawa (10:1-13)
1. Nangabautismuhan tungo kay Moises (bb. 1-2)
2. Kinakain ang Iisang Espirituwal na Pagkain at Iniinom ang Iisang Espirituwal na Inumin (bb. 3-4)
3. Karamihan sa Kanila, Ibinuwal sa Ilang (bb. 5-13)
D. Iniingatan ang Hapag ng Panginoon mula sa Pagsamba sa mga Diyus-diyusan (10:14-22)
1. Ang Pakikipagsalamuha ng Dugo at Katawan ng Panginoon (bb. 14-18)
2. Ang Pagkakahiwalay ng Hapag ng Panginoon sa Hapag ng mga Demonyo (bb. 19-22)
E. Ang Wastong Pagkain (10:23-11:1)
1. Itinatayo ang Iba, Hinahangad ang Kanilang Ikabubuti (10:23-30,32-33)
2. Sa Ikaluluwalhati ng Diyos (b. 31)
3. Tinutularan ang Apostol (11:1)
VIII. Tinutuos ang ukol sa Pagtatakip sa Ulo (11:2-16)
A. Ang Ulo sa Sansinukob (bb. 2-3)
B. Ang Pagtatakip sa Ulo (bb. 4-6)
C. Ang mga Dahilan (bb. 7-15)
D. Walang Pagtatalu-talo (b. 16)
IX. Tinutuos ang ukol sa Hapunan ng Panginoon (11:17-34)
A. Ang Pagwiwika sa Kaguluhan (bb. 17-22)
B. Ang Pagliliming-muli sa Kahulugan (bb. 23-26)
C. Ang Pangangailangan sa Pagsisiyasat at Pagkilala (bb. 27-29)
D. Ang Pagdidisiplina ng Panginoon (bb. 30-34)
X. Tinutuos ang ukol sa mga Kaloob (12:1-14:40)
A. Ang Namamahalang Prinsipyo (12:1-3)
B. Ang Paghahayag ng Espiritu sa pamamagitan ng Iba’t ibang Kaloob (12:4-11)
C. Iisang Katawan na may Maraming Sangkap (12:12-27)
1. Ang Pagkakabuo ng Katawan (bb. 12-13)
2. Hindi Maaaring Magkulang ng Isang Sangkap (bb. 14-22)
3. Ang Paghuhusay sa mga Sangkap (bb. 23-27)
D. Ang Pagtatalaga ng mga Kaloob (12:28-31)
E. Ang Ekselenteng Daan para sa Paggamit ng mga Kaloob (13:1-13)
1. Ang Pangangailangan sa Pag-ibig (bb. 1-3)
2. Ang Kahulugan ng Pag-ibig (bb. 4-7)
3. Ang Pangingibabaw-sa-lahat ng Pag-ibig (bb. 8-13)
F. Ang Pangingibabaw ng Propesiya (14:1-25)
1. Lalong Nakapagtatayo sa Ekklesia (bb.1-19)
2. Nakapanghihikayat nang Higit sa mga Tao (bb. 20-25)
G. Ang Pagpapangsyon ng Isa sa Pagpupulong ng Ekklesia (14:26-40)
1. Tungkol sa Bawa’t Isa (b.26)
2. Tungkol sa Pagsasalita sa mga Wika (bb. 27-28)
3. Tungkol sa Pagpopropesiya (bb. 29-33a)
4. Tungkol sa mga Ginang (bb. 33b-38)
5. Konklusyon (bb. 39-40)
XI. Tinutuos ang ukol sa Pagkabuhay-na-muli (15:1-58)
A. Ang Pagkabuhay-na-muli ni Kristo (bb. 1-11)
1. Ipinahayag (bb. 1-4)
2. Pinatotohanan (bb. 5-11)
B. Pinabulaanan ang “Walang Pagkabuhay-na-muli” (bb. 12-19)
C. Ang Kasaysayan ng Pagkabuhay-na-muli (bb. 20-28)
D. Ang Impluwensiyang Pangmoral ng Pagkabuhay- na-muli (bb. 29-34)
E. Ang Kahulugan ng Pagkabuhay-na-muli (bb. 35-49)
1. Ang Katawan sa Pagkabuhay-na-muli (bb. 35-44)
2. Isang Katawang Espirituwal (bb. 45-49)
F. Ang Tagumpay ng Pagkabuhay-na-muli (bb. 50-58)
1. Ang Walang Kasiraan Dumaraig sa May Kasiraan (bb. 50-53)
2. Ang Buhay Dumaraig sa Kamatayan (bb. 54-57)
3. Isang Motibo para sa Gawain ng Panginoon (b. 58)
XII. Tinutuos ang ukol sa Paglilikom ng Kaloob (16:1-9)
A. Ang Tagubilin ng Apostol (bb. 1-3)
B. Ang Pagnanais ni Pablo (bb. 4-9)
XIII. Konklusyon (16:10-24)
A. Matatalik na Tagubilin (bb. 10-18)
B. Mga Pagbati at Babala (bb. 19-24)