2 Timoteo
KAPITULO 3
VI. Ang Paglala ng Pagbabà-
Nagiging Mahihirap Tiisin
na Panahon ng Panlilinlang sa mga Tao
3:1-13
1 1Datapuwa’t alamin mo ito, na sa mga 2huling araw ay 3darating ang 4mahihirap na panahon;
2 Sapagkat ang mga 1tao ay magiging mga 2mangingibig ng kanilang sarili, mangingibig ng salapi, mayayabang, mga 3mapagmalaki, 4manlalait, masuwayin sa mga magulang, mga 5walang utang na loob, mga walang kabanalan,
3 Walang katutubong pag-ibig, mga 1hindi mapagpatawad, mga palabintang, mga walang pagpipigil sa sarili, mababangis, mga di-mangingibig ng mabuti,
4 Mga 1traydor, mga 2walang taros, mga 3binulag ng kapalaluan, mga 4mangingibig ng kalayawan kaysa mga mangingibig ng Diyos;
5 Na may 1anyo ng pagkamakadiyos, datapuwa’t tinanggihan ang 2kapangyarihan nito; lumayo ka rin naman sa mga ito.
6 Sapagkat sa mga ito ang nanganggagapang sa mga bahay, at nangangbibihag ng babaeng haling na lipos ng mga kasalanan, hinihila ng iba’t ibang pita,
7 Na laging nagsisipag-aral, at kailanman ay hindi nakararating sa 1lubos na pagkaalam ng katotohanan.
8 At kung paanong si 1Janes at si Jambres ay nagsilaban kay Moises, gayundin naman ang mga ito ay nagsisisalungat sa 2katotohanan, mga taong masasama ang kaisipan, mga 3itinakwil hinggil sa 4pananampalataya.
9 Ngunit sila ay hindi makapagpapatuloy, sapagkat mahahayag nang lubusan sa lahat ng mga tao ang kanilang 1kamangmangan, gaya naman ng pagkahayag ng kamangmangan ng mga 2yaon.
10 Ngunit mahigpit mong sinunod ang aking aral, 1pag-uugali, 2layunin, pananampalataya, pagpapahinuhod, pag-ibig, pagtitiis,
11 Mga pag-uusig, mga pagbabatá, anumang bagay na nangyari sa akin sa Antioquia, sa Iconio, sa 1Listra; anumang mga pag-uusig na tiniis ko; at sa lahat ng yaon ay iniligtas ako ng Panginoon.
12 Oo, at lahat ng 1nagnanais 2mabuhay nang maka-diyos sa loob ni Kristo Hesus ay uusigin.
13 Datapuwa’t ang masasamang tao at mga 1mandaraya ay lalong sasama nang sasama, na nandaraya, at nadaraya.
VII. Ang Panlunas na Bakuna-
Ang Dibinong Salita
3:14-17
14 Datapuwa’t 1manatili ka sa mga 2bagay na iyong natutuhan at sa pinagkaroonan mo ng katiyakan, yamang nalalaman mo kung kanino ka natuto;
15 1At mula sa pagkasanggol ay iyong nalalaman ang mga banal na kasulatan na makapagpaparunong sa iyo sa ikaliligtas sa pamamagitan ng 2pananampalatayang nasa loob ni Kristo Hesus.
16 1Ang lahat ng Kasulatan ay 2inihinga ng Diyos at kapaki-pakinabang sa pagtuturo, sa 3pagsasansala, sa 4pagwawasto, sa 5ikatututo na nasa katuwiran,
17 Upang ang 1tao ng Diyos ay maging 2kumpleto, 3nasangkapang lubos sa bawat gawang mabuti.