2 Timoteo
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-2
1 Si Pablo, isang apostol ni Kristo Hesus sa pamamagitan ng kalooban ng Diyos, ayon sa 1pangako ng buhay na nasa loob ni Kristo Hesus,
2 Kay Timoteo na aking minamahal na anak: Biyaya, 1kaawaan, kapayapaan, mula sa Diyos Ama at kay Kristo Hesus na Panginoon natin.
II. Ang mga Dibinong Panustos para sa Pagbabakuna-
isang Dalisay na Budhi, Tapat na Pananampalataya,
ang Dibinong Kaloob, isang Malakas na Espiritu,
Walang Hanggang Biyaya, Di-nasisirang Buhay,
ang Malusog na Salita, at ang Nananahanang Espiritu
1:3-14
3 Nagpapasalamat ako sa Diyos, na aking 1pinaglilingkuran 2mula sa aking kanunununuan sa isang 3dalisay na budhi, kung paanong walang patid kitang inaalaala sa aking mga daing gabi’t araw,
4 Inaalaala ang iyong mga pagluha, kinasasabikang makita ka, upang ako ay mapuspos ng kagalakan;
5 Inaalaala ko ang tapat na pananampalatayang nasa iyo, na 1namalagi muna kay Loida na iyong lola, at kay Eunice na iyong ina, at ako ay naniniwalang lubos na nasa iyo rin naman.
6 Dahil dito ay pinaaalaala ko sa iyo na 1muling paningasin mo ang kaloob ng Diyos na nasa iyo sa pamamagitan ng 2pagpapatong ng aking mga kamay.
7 Sapagka’t hindi tayo binigyan ng Diyos ng 1espiritu ng karuwagan, kundi 2ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng 3mahinahong kaisipan.
8 Kaya nga, 1huwag mong ikahiya ang 2patotoo ng ating Panginoon, ni ako na bilanggo Niya; kundi magtiis ka ng mga kahirapan kasama ng 3ebanghelyo 4ayon sa kapangyarihan ng Diyos;
9 Na Siyang sa atin ay nagligtas, at sa atin ay 1tumawag ng isang banal na pagtawag, hindi ayon sa ating mga gawa, kundi ayon sa Kanyang Sariling 2layunin at biyaya, na ibinigay sa atin sa loob ni Kristo Hesus 3bago pa ang mga panahong walang hanggan,
10 Nguni’t ngayon ay 1nahayag sa pamamagitan ng pagpapakita ng ating Tagapagligtas na si Kristo Hesus, na Siyang 2nagpawalang-bisa sa kamatayan, at nagdala ng 3buhay at ng 4walang pagkasira sa liwanag sa pamamagitan ng ebanghelyo,
11 Na sa 1bagay na ito, ako ay itinalagang 2tagapagbalita, at apostol at guro.
12 Dahil 1dito ay nagtiis din ako ng mga bagay na ito; gayunman ay 2hindi ako nahihiya, sapagka’t nakikilala ko 3Yaong aking sinampalatayanan, at lubos akong naniniwalang maiingatan Niya ang 4aking 5ipinagkatiwala sa Kanya hanggang sa 6araw na yaon.
13 Ingatan mo ang 1tularan ng 2malulusog na salitang narinig mo sa akin, sa 3pananampalataya at pag-ibig na nasa loob ni Kristo Hesus.
14 Ingatan mo ang mabuting bagay na 1ipinagkatiwala sa iyo sa pamamagitan ng Espiritu Santo na 2nananahan sa atin.
III. Ang Pangunahing Salik ng Pagbabà-
Pagtalikod sa Apostol at sa Kanyang Ministeryo
1:15-18
15 Ito ay alam mo, na ang lahat ng nasa 1Asia ay 2tumalikod sa akin, na sa mga yaon ay kabilang si 3Figello at si Hermogenes.
16 Pagkalooban nawa ng Panginoon ng kaawaan ang sambahayan ni 1Onesiforo, sapagka’t madalas niya akong pinaginhawa, at hindi niya ikinahiya ang aking tanikala;
17 Sa halip, nang siya ay nasa Roma, hinanap niya ako nang buong sikap, at ako ay nasumpungan niya.
18 Pagkalooban nawa siya ng Panginoon na masumpungan niya ang kaawaan mula sa Panginoon sa 1araw na yaon! At alam na alam mo kung gaano karaming bagay ang ipinaglingkod niya sa Efeso.