1 Timoteo
KAPITULO 4
VIII. Ang Hula tungkol sa Pagbabà ng Ekklesia
4:1-5
1 1Nguni’t hayag na sinasabi ng 2Espiritu, na sa mga 3huling panahon ang iba ay lilisan sa 4pananampalataya, at makikinig sa mga 5espiritung mapanlinlang at sa mga aral ng mga 6demonyo,
2 1Sa pamamagitan ng pagpapaimbabaw ng mga tao na nagsisipagsalita ng mga kasinungalingan, na 2naherohan sa kanilang mga sariling budhi ng waring 3bakal na nagbabaga,
3 Na nagbabawal ng 1pag-aasawa, at nag-uutos na lumayo sa mga 1pagkain, na 2nilikha ng Diyos upang tanggapin na may pasasalamat ng mga 3nagsisisampalataya at 4lubusang nangakaaalam ng katotohanan.
4 Sapagka’t ang 1bawa’t nilikha ng Diyos ay mabuti, at walang anumang nararapat na itakwil, kung tinatanggap nang may pasasalamat;
5 Sapagka’t 1pinabanal ito sa pamamagitan ng 2salita ng Diyos at ng 3panalangin.
IX. Isang Mabuting Tagapaghain ni Kristo
4:6-16
6 Kung 1ipaaalala mo sa mga kapatid ang mga bagay na ito, ikaw ay magiging isang mabuting 2tagapaghain ni Kristo Hesus, na 3kinandili sa mga salita ng 4pananampalataya at ng 5mabuting aral na 6mahigpit mong sinusunod hanggang ngayon.
7 Subali’t 1tanggihan mo ang mga 2di-banal at mga walang kabuluhang 3sabi-sabi ng mga matandang kababaihan. At 4magsanay ka tungo sa pagkamakadiyos.
8 Sapagka’t sa ehersisyo ng katawan ay may 1kaunting pakinabang, nguni’t ang pagkamakadiyos sa 2lahat ng mga bagay ay pinakikinabangan, na may 3pangako sa buhay na ito, at sa darating.
9 Tapat ang salita, at karapat-dapat na tanggapin ng lahat;
10 Sapagka’t dahil dito ay nagsisipagpagal kami at nagsisipagsikap, sapagka’t inilagak namin ang aming pag-asa sa 1buháy na Diyos, na Siyang Tagapagligtas ng lahat ng mga tao, lalung-lalo na ng mga yaong nagsisisampalataya.
11 Ang mga bagay na ito ay iyong iutos at ituro.
12 Huwag hayaang hamakin ng sinuman ang iyong 1kabataan, kundi ikaw ay maging huwaran ng mga mananampalataya, sa 2pananalita, sa ugali, sa pag-ibig, sa pananampalataya, sa 3kadalisayan.
13 Hanggang sa ako ay pumariyan ay bigyan mo ng pansin ang 1pagbabasa, ang panghihikayat, ang pagtuturo.
14 Huwag mong pabayaan ang 1kaloob na 2nasa loob mo, na ibinigay sa iyo sa pamamagitan ng 3propesiya, na may 4pagpapatong ng mga kamay ng mga 5matanda.
15 Magsipag ka sa pagsasagawa ng mga bagay na ito; lubos mong 1italaga sa mga ito ang iyong sarili, upang ang iyong 2pagsulong ay mahayag sa lahat.
16 1Pag-ingatan mo ang iyong sarili, at ang iyong pagtuturo. Manatili ka sa mga bagay na ito; sapagka’t sa paggawa ng ganito ay ililigtas mo kapwa ang iyong sarili at ang mga nagsisipakinig sa iyo.