1 Timoteo
KAPITULO 1
I. Pambungad
1:1-2
1 1Si Pablo, isang apostol ni Kristo Hesus, ayon sa 2utos ng 3Diyos na ating Tagapagligtas at ni Kristo Hesus na ating 4pag-asa,
2 Kay 1Timoteo na aking tunay na 2anak sa pananampalataya: biyaya, kaawaan, at kapayapaan nawang mula sa Diyos na Ama at kay Kristo Hesus na Panginoon natin.
II. Ang Ekonomiya ng Diyos laban sa mga Naiibang Pagtuturo
1:3-17
3 Kung paanong ipinamanhik ko sa iyo, nang 1pumaroon ako sa Macedonia, na ikaw ay manatili sa Efeso upang maipagbilin mo sa 2ilang tao na huwag magsipagturo nang 3naiiba,
4 Ni huwag silang maokupahan ng mga 1katha-katha at mga kasaysayan ng mga walang katapusang 2salinlahi, na pinanggagalingan ng mga pagtatanong, at hindi ng 3pamamahagi ng Diyos na nasa loob ng 4pananampalataya.
5 Nguni’t ang layunin ng 1pag-aatas ay 2pag-ibig na nagbubuhat sa isang 3dalisay na puso, at sa isang mabuting budhi at sa di-mapagkunwaring pananampalataya;
6 Na 1pagkasinsay ng iba sa mga bagay na ito ay nagsibaling sa 2walang kabuluhang pananalita,
7 Na nagsisipagnasang maging mga 1guro ng kautusan, bagaman hindi nila nauunawaan ang kanilang sinasabi, ni ang kanilang 2pinatutunayan nang buong tiwala.
8 Datapuwa’t nalalaman natin na ang kautusan ay mabuti, kung ginagamit ng tao sa matuwid,
9 Yamang nalalaman ito, na ang kautusan ay hindi ginawa para sa taong matuwid, kundi para sa walang kautusan at magugulo, para sa mga di-makadiyos at mga makasalanan, para sa mga di-banal at mga mapaglapastangan, para sa mga nagsisipatay sa ama at sa mga nagsisipatay sa ina, para sa mga mamamatay-tao,
10 Para sa mga nakikiapid, para sa mga mapakiapid sa kapwa lalake o sa kapwa babae, para sa mga kidnaper, para sa mga bulaan, para sa mga mapagsumpa ng kabulaanan, at kung mayroon pang ibang bagay laban sa 1malusog na pagtuturo,
11 Ayon sa 1ebanghelyo ng kaluwalhatian ng pinagpalang Diyos, na ipinagkatiwala sa akin.
12 Nagpapasalamat ako sa Kanya na 1nagpapalakas sa akin, kay Kristo Hesus na Panginoon natin, sapagka’t ako ay inari Niyang tapat, na ako ay hinirang sa ministeryo,
13 Bagaman noong una ako ay naging 1manlalapastangan at mang-uusig at 2mang-aalipusta; gayunpaman ay 3kinaawaan ako, sapagka’t sa 4di-pagkaalam gumawa ako sa 4kawalan ng pananampalataya.
14 At ang 1biyaya ng ating Panginoon ay lubhang sumagana sa 2pananampalataya at pag-ibig na nasa loob ni Kristo Hesus.
15 Tapat ang salita at nararapat tanggapin ng lahat, na si Kristo Hesus ay 1naparito sa sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan, na ako ang pangunahin sa mga ito.
16 Gayunman, dahil dito ay kinaawaan ako, upang sa akin, na pinakapangunahing makasalanan, ay maipakita ni Hesu-Kristo ang buong pagpapahinuhod Niya, bilang isang 1tularan sa mga magsisisampalataya sa Kanya tungo sa 2buhay na walang hanggan.
17 1Ngayon sa Hari ng mga kapanahunan, walang pagkasira, di-nakikita, sa iisang Diyos, ay ang 2karangalan at kaluwalhatian magpakailanman, Amen!
III. Ang Pananampalataya at ang isang Mabuting Budhi Kinakailangan upang Maingatan ang Pananampalataya
1:18-20
18 Ang 1pag-aatas na ito ay ipinagtatagubilin ko sa iyo, Timoteo na aking anak, ayon sa mga nangaunang 2propesiya tungkol sa iyo, upang sa pamamagitan ng mga ito ay makipagbaka ka ng 3mabuting pakikipagbaka,
19 Na ingatan mo ang 1pananampalataya at ang isang mabuting budhi, na nang ito ay itakwil ng iba, sila ay 2nangabagbag tungkol sa 3pananampalataya;
20 Na sa mga ito ay sina 1Himeneo at 2Alejandro, na mga ibinigay ko kay Satanas, upang sila ay 3maturuang huwag manlapastangan.