1 Tesalonica
KAPITULO 2
C. Ang Pangangalaga Nito
2:1-20
1. Ang Pangangalaga ng isang Inang Sisiwa
at ng isang Amang Nangangaral
bb. 1-12
1 Kaya nga nalalaman ninyo mismo, mga kapatid, na ang aming 1pagkapasok sa inyo ay hindi nawalan ng kabuluhan;
2 Kundi nagsipagbata kami noong una at inalipusta, gaya ng inyong nalalaman, sa 1Filipos, gayunman ay naging malakas-ang-loob namin 2sa loob ng ating Diyos upang salitain sa inyo ang ebanghelyo ng Diyos sa gitna ng maraming pakikipagbaka.
3 Sapagkat ang aming 1ipinamamanhik ay hindi sa 2kamalian, ni sa karumihan, ni sa pandaraya,
4 Kundi kung paanong 1inaprubahan kami ng Diyos na pagkatiwalaan ng ebanghelyo, gayon namin sinasalita, hindi gaya ng nangagbibigay-lugod sa mga tao, kundi sa Diyos na sumusubok ng aming mga puso.
5 Sapagkat hindi kami nasusumpungang nagsisigamit kailanman ng mga salitang panghibo, gaya ng nalalaman ninyo, ni ng 1pagkukunwari man para sa kasakiman—saksi ang Diyos;
6 Ni 1nagsisihanap man ng kaluwalhatian mula sa mga tao, ni sa inyo man, ni sa iba man, nang maaari kaming 2tumindig sa aming dignidad bilang mga apostol ni Kristo;
7 Kundi kami ay nagpapakalumanay sa gitna ninyo, na gaya ng isang 1sisiwa na 2nagkakandili sa kanyang sariling mga anak.
8 Gayundin kami, palibhasa ay 1may magiliw na pag-ibig sa inyo, ay lubos na nalulugod na bahaginan kayo, hindi lamang ng ebanghelyo ng Diyos, bagkus maging ng 2aming sariling mga kaluluwa, sapagkat kayo ay naging lalong mahal sa amin.
9 Sapagkat naalaala ninyo, mga kapatid, ang aming pagpapagal at paghihirap: sa paggawa namin gabi at araw upang huwag kaming maging isang pasanin sa kaninuman sa inyo, amin ngang ipinahayag ang ebanghelyo ng Diyos sa inyo.
10 Kayo ay mga saksi, at ang Diyos man, kung gaanong 1pagkabanal at pagkamatuwid at pagkawalang-kapintasan ang 2inugali namin sa inyong nagsisisampalataya;
11 Gaya ng inyong nalalaman 1kung ano ang inugali namin sa bawat isa sa inyo, na gaya ng isang 2ama sa kanyang sariling mga anak, na 3nanghihikayat sa inyo, at nagpapalakas ng loob ninyo, at nagpapatotoo.
12 Upang kayo ay magsilakad nang karapat-dapat sa Diyos, na Siyang 1tumawag sa inyo tungo sa loob ng Kanyang Sariling 2kaharian at 3kaluwalhatian.
2. Ang Gantimpala sa gayong Pangangalaga
bb. 13-20
13 At dahil naman dito kami ay nagpapasalamat nang walang patid sa Diyos, na nang inyong tanggapin sa amin ang 1salita ng ulat, samakatwid ay ang salita ng Diyos, ay inyong tinanggap hindi gaya ng salita ng mga tao, kundi, ayon sa katotohanan, na salita ng Diyos, na 2gumagawa naman sa inyo na nagsisisampalataya.
14 Sapagkat kayo, mga kapatid, ay naging 1tagatulad ng mga ekklesia ng Diyos na nasa Judea sa loob ni Kristo Hesus; sapagkat nagsipagbata naman kayo sa inyong sariling mga kababayan, gaya naman nila sa mga Hudyo,
15 Na pumatay sa Panginoong Hesus, at gayundin sa mga propeta, at nagpalayas sa amin, at hindi nangabibigay-lugod sa Diyos, at laban sa lahat ng mga tao,
16 Na nagbabawal sa aming makipag-usap sa mga Hentil upang sila ay mangaligtas, upang kanilang punuing lagi ang kanilang mga kasalanan. Ngunit dumating sa kanila ang kapootan 1hanggang sa katapusan.
17 Ngunit kami, mga kapatid, na 1nangulila sa inyo nang 2sandaling panahon, sa 3presensiya hindi sa puso, ay lubhang 4nananabik na makita ang inyong mukha na may malaking pagnanais.
18 Sapagkat nagnasa kaming pumariyan sa inyo, tunay nga, akong si Pablo, na minsan at muli, at 1hinadlangan kami ni Satanas.
19 Sapagkat ano ang aming pag-asa, o kagalakan, o putong na ipinagmamapuri? Hindi ba kayo rin sa harapan ng ating Panginoong Hesu-Kristo sa Kanyang 1pagparito?
20 Sapagkat kayo ang aming 1kaluwalhatian at kagalakan.