Ang Sumulat: Ang apostol Juan (21:20, 24), ang anak ni Sebedeo (Mat. 10:2). Ang kanyang nakatatandang kapatid ay si Santiago at ang kanyang ina ay si Salome (Mat. 27:56; Mar. 15:40).
Panahon ng Pagkasulat: Noong mga 90 A.D.
Lugar ng Pinagsulatan: Malamang na sa Efeso.
Ang Tumanggap: Lahat ng mga mananampalatayang Hudyo at Hentil, makikita sa mga pagpapaliwanag sa 1:38; 5:2; 19:13, atbp.
Paksa: Ang Ebanghelyo ng Buhay — Pinatutunayan na si Hesu-Kristo ang Diyos na Tagapagligtas na Pumarito bilang Buhay upang Ipalaganap ang Kanyang Sarili
BALANGKAS
I. Ang Walang Hanggang Salita na Naging Laman, Dumarating upang Dalhin ang Diyos tungo sa loob ng Tao (Kapitulo 1-13)
A. Pambungad ukol sa Buhay at Pagtatayo (1:1-51)
1. Ang Salita sa Kawalang-hanggang Lumipas na Siyang Diyos, Dumaan sa Hakbangin ng Pagiging Nilikha, Pumarito bilang Buhay at Liwanag upang Ibunga ang mga Anak ng Diyos (bb. 1-13)
2. Ang Salita ay Naging Laman, Nananagana sa Kapuspusan ng Biyaya at Realidad upang sa loob ng Bugtong na Anak ng Diyos ay Maihayag ang Diyos (bb. 14-18)
3. Si Hesus bilang ang Kordero ng Diyos, kasama ang Espiritu Santo na katulad ng Kalapati, Ginagawa ang mga Mananampalataya na mga Bato para sa Pagtatayo ng Bahay ng Diyos kasama ang Anak ng Tao (bb. 19-51)
a. Ang Relihiyon Naghahanap ng isang Dakilang Tagapamuno (bb. 19-28)
b. Si Hesus Ipinakilala bilang isang Kordero na may kasamang isang Kalapati (bb. 29-34)
c. Namumunga ng mga Bato para sa Pagtatayo ng Diyos (bb. 35-51)
B. Ang Prinsipyo ng Buhay at Layunin ng Buhay (2:1-22)
1. Ang Prinsipyo ng Buhay — Palitan ng Buhay ang Kamatayan (bb. 1-11)
a. Si Kristo, Dumarating sa loob ng Pagkabuhay-na-muli tungo sa mga Tao sa Kanilang Pagtatamasa (bb. 1-2)
b. Ang Pantaong Buhay ng Tao ay Nauubos, at ang Kanilang Katauhan ay Napupunuan ng Kamatayan (bb. 3-7)
c. Ang Kamatayan ng Tao, Pinapalitan ni Kristo ng Buhay na Walang Hanggan (bb. 8-11)
2. Ang Layunin ng Buhay – Itayo ang Bahay ng Diyos (bb. 12-22)
a. Nililinis ni Kristo ang Templo (bb. 12-17)
b. Ang Katawan ni Hesus, ang Templo, Giniba at Ibinangon sa loob ng Pagkabuhay-na-muli (bb. 18-22)
C. Ang Buhay Tinutugunan ang Kinakailangan ng Bawa’t Kaso ng Tao (2:23 – 11:57)
1. Ang Kinakailangan ng Moral — Pagsisilang- na-muli ng Buhay (2:23 – 3:36)
a. Ipinagkakatiwala ng Panginoon ang Kanyang Sarili Hindi sa mga Himala Kundi sa Buhay (2:23 – 3:1)
b. Ang Pagkasilang-na-muli sa pamamagitan ng Espiritu ng Diyos sa loob ng Espiritu ng Tao (3:2-13)
c. Ang Masamang Kalikasan ni Satanas na nasa Laman ng Tao, Hinatulan sa Krus sa pamamagitan ni Kristo na nasa Anyong Ahas upang ang mga Mananampalataya ay Magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan (3:14-21)
d. Ang mga Naisilang-na-muling Tao, Nagiging Kasintahang Babae ni Kristo bilang Kanyang Karagdagan (3:22-30)
e. Ang Di-masukat na Anak ng Diyos, Sinampalatayanan ng Tao upang Magkaroon ng Buhay na Walang Hanggan (3:31-36)
2. Ang Kinakailangan ng Imoral – ang Pagbibigay ng Lubos na Kasiyahan ng Buhay (4:1-42)
a. Isang Uhaw na Tagapagligtas at isang Uhaw na Makasalanan (bb. 1-8)
b. Ang Kahungkagan ng Tradisyon ng Relihiyon at ang Kapuspusan ng Buháy na Tubig ng Buhay (bb. 9-14)
c. Ang Paraan ng Pagkuha sa Tubig na Buháy (bb. 15-26)
1) Magpahayag ng mga Kasalanan (bb. 15-18)
2) Kaugnayin ang Diyos na Espiritu sa loob ng Pantaong Espiritu at ng Realidad (bb. 19-24)
3) Manampalataya na si Hesus ang Kristo (bb. 25-26)
d. Isang Buháy na Patotoo na may isang Kahanga-hangang Pag-aani (bb. 27-42)
3. Ang Kinakailangan ng Taong Malapit nang Mamatay – ang Pagpapagaling ng Buhay (4:43-54)
a. Si Kristo, Bumabalik sa Lugar ng mga Taong Mahihina at Marurupok (bb. 43-46a)
b. Ang mga Taong Mahihina at Marurupok, Nangamamatay (bb. 46b-49)
c. Sa pamamagitan ng Pananampalataya, Napagaling ng Salitang Nagbibigay-buhay (bb. 50-54)
4. Ang Kinakailangan ng Inutil – ang Pagpapasigla ng Buhay (5:1-47)
a. Ang Di-kasapatan ng Pagsunod sa Kautusan ng Relihiyon at ang Kasapatan ng Pagbibigay-buhay ng Anak ng Diyos (bb. 1-9)
b. Ang Relihiyon ay laban sa Buhay (bb. 10-16)
c. Ang Anak Kapantay ng Ama sa Pagbibigay ng Buhay at Paggagawad ng Kahatulan (bb. 17-30)
d. Ang Makaapat na Patotoo ng Anak (bb. 31-47)
1) Ang Patotoo ni Juan Bautista (bb. 32-35)
2) Ang Patotoo ng Gawain ng Anak (b. 36)
3) Ang Patotoo ng Ama (bb. 37-38)
4) Ang Patotoo ng mga Kasulatan (bb. 39-47)
5. Ang Kinakailangan ng Nagugutom – Pagpapakain ng buhay (6:1-71)
a. Ang Gutóm na Sanlibutan at ang Nagpapakain na Kristo (bb. 1-15)
b. Ang Nagugulumihanang Sanlibutan at ang Kristong Nagbibigay ng Kapayapaan (bb. 16-21)
c. Ang Tinapay ng Buhay (bb. 22-71)
1) Ang mga Naghahanap ng Pagkaing Nasisira (bb. 22-31)
2) Ang Pagkaing Nananatili hanggang sa Buhay na Walang Hanggan (bb.32-71)
a) Naging Laman (bb. 32-51a)
b) Pinatay (bb. 51b-55)
c) Nabuhay-na-muli upang Manahanan (bb. 56-59)
d) Umakyat-sa-langit (bb. 60-62)
e) Naging ang Espiritung Nagbibigay- buhay (bb. 63-65)
f) Natanto nang Kongkreto sa Salita ng Buhay (bb. 66-71)
6. Ang Kinakailangan ng Nauuhaw – ang Pagpapatid-ng-uhaw ng Buhay (7:1-52)
a. Ang Buhay na nasa ilalim ng Pag-uusig ng Relihiyon (bb. 1-36)
1) Ang Masamang Balak ng Relihiyon at ang Kapistahan ng Relihiyon (bb.1-2)
2) Ang Pagbabatá ng Buhay sa Di-pananampalataya ng Tao (bb. 3-5)
3) Ang Limitasyon ng Buhay sa loob ng Panahon (bb. 6-9)
4) Ang Paghahanap ng Buhay sa Kaluwalhatian ng Diyos (bb. 10-24)
5) Ang Pinanggagalingan at Pinagmumulan ng Buhay – Ang Diyos Ama (bb. 25- 36)
b. Ang Pagtawag ng Buhay sa mga Nauuhaw (bb. 37-39)
c. Ang Pagkakabaha-bahagi na Sinanhi ng Pagpapakita ng Buhay (bb. 40-52)
7. Ang Kinakailangan ng mga yaong nasa ilalim ng Gapos ng Kasalanan – ang Pagpapalaya ng Buhay (7:53 – 8:59)
a. Sino ang Walang Kasalanan? (7:53 – 8:9)
b. Sino ang Makapaghahatol at Makapagpapatawad ng Kasalanan? (8:10-11)
c. Sino ang Makapagpapalaya sa mga Tao mula sa Kasalanan? (8:12-36)
1) Si Kristo na Siyang Ilaw ng Sanlibutan at Nagbibigay-buhay na Ilaw (bb. 12-20)
2) Si Kristo, ang yaong Ako Nga (bb. 21-27)
3) Si Kristo, bilang ang Anak ng Tao na Itinaas (bb. 28-30)
4) Si Kristo, ang Anak bilang ang Realidad (bb. 31-36)
d. Sino ang Pinagmulan at Kampon ng Kasalanan? (8:37-44)
1) Ang Pinagmulan ng Kasalanan – Ang Diyablo, ang Sinungaling, ang Ama ng mga Sinungaling (b. 44)
2) Ang Kampon ng Kasalanan – Ang mga Anak ng Diyablo, ang mga Nagmumula sa Diyablo (bb. 37-44)
e. Sino si Hesus? (8:45-59)
1) Ang Isa na Walang Kasalanan (bb. 45-51)
2) Ang Isa na Siyang Ako Nga bago pa si Abraham (bb. 52-59)
8. Ang Kinakailangan ng mga Bulag na nasa Relihiyon – ang Paningin ng Buhay at ang Pamamastol ng Buhay (9:1 – 10:42)
a. Ang Paningin ng Buhay para sa mga Bulag na nasa Relihiyon (9:1-41)
1) Ipinanganak na Bulag (bb. 1-3)
2) Tumatanggap ng Paningin sa pamamagitan ng Ilaw ng Buhay at ng Pagpapahid ng Buhay (bb. 4-13)
3) Pinag-usig ng Relihiyon (bb. 14-34)
4) Nananampalataya tungo sa loob ng Anak ng Diyos (bb. 35-38)
5) Ang Hatol ng Buhay sa mga Bulag na Relihiyonista (bb. 39-41)
b. Ang Pamamastol ng Buhay para sa mga Mananampalatayang nasa labas ng Relihiyon (10:1-42)
1) Ang Kulungan ng Tupa, ang Pintuan, at ang Pastulan para sa mga Tupa (bb. 1-9)
2) Ang Pastol, ang Dibinong Buhay, at ang Pangkaluluwang Buhay para sa Kawan (bb. 10-21)
3) Ang Walang Hanggang Buhay, ang Kamay ng Anak, at ang Kamay ng Ama para sa Siguridad ng mga Tupa (bb. 22-30)
4) Ang Pag-uusig ng Relihiyon (bb. 31-39)
5) Ang Pagtakwil ng Buhay sa Relihiyon at ang Bagong Katayuan ng Buhay (bb. 40-42)
9. Ang Kinakailangan ng mga Patay – ang Pagbubuhay-na-muli ng Buhay (11:1-57)
a. Ang Patay at ang Kanyang Kailangan (bb. 1-4)
b. Ang Paghadlang ng mga Pantaong Opinyon (bb. 5-40)
c. Ang Pagbubuhay-na-muli ng Buhay (bb. 41-44)
d. Ang Pagsasabwatan ng Relihiyon at ang Pagtitipon sa mga Anak ng Diyos na Isinasagawa ng Buhay na Humahalili sa Kamatayan (bb. 45-57)
D. Ang Kinalabasan at ang Pagpaparami ng Buhay (12:1-50)
1. Ang Kinalabasan ng Buhay – isang Bahay ng Pistahan (Isang Maliit na Anyo ng Buhay- ekklesia) (bb. 1-11)
2. Ang Pagpaparami ng Buhay (para sa Ekklesia) sa pamamagitan ng Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli (Ipinahihiwatig ang Pagluluwalhati sa Diyos at ang Pagtanggap ng Sanlibutan at ni Satanas ng Kahatulan) (bb. 12-36a)
3. Ang Di-pananampalataya at Kabulagan ng Relihiyon (bb. 36b-43)
4. Ang Deklarasyon ng Buhay sa Di-nananampalatayang Relihiyon (bb. 44-50)
E. Ang Paghuhugas ng Buhay sa loob ng Pag-ibig upang Mapanatili ang Pagsasalamuha (13:1-38)
1. Ang Paghuhugas na Isinagawa ng Panginoon Mismo (bb. 1-11)
2. Ang Paghuhugas sa Isa’t isa ng mga Mananampalataya (bb. 12-17)
3. Nahugasan, Nguni’t Wala sa loob ng Pagsasalamuha (bb. 18-30)
4. Nahugasan at Kusang Nagnais na Manatili sa Pagsasalamuha, Nguni’t Hindi Nagtagumpay (bb. 31-38)
II. Si Hesus na Ipinako-sa-krus at si Kristong Nabuhay-na-muli, Maghahanda ng Daan upang Madala ang Tao tungo sa loob ng Diyos, at Dumarating bilang Espiritu upang Manahan at Mamuhay sa loob ng mga Mananampalataya para sa Pagtatayo ng Tahanan ng Diyos (Kapitulo 14-21)
A. Ang Pananahanan ng Buhay para sa Pagtatayo ng Tahanan ng Diyos (14:1- 16:33)
1. Ang Pamamahagi ng Tres-unong Diyos para sa Pagbubunga ng Kanyang Tirahan (14:1-31)
a. Si Hesus Yumayaon sa Pagdaan sa Kamatayan at si Kristo Pumaparito sa loob ng Pagkabuhay-na-muli upang Madala ang mga Mananampalataya tungo sa loob ng Ama (bb. 1-6)
b. Ipinamamahagi ng Tres-unong Diyos ang Kanyang Sarili tungo sa loob ng mga Mananampalataya (bb. 7-20)
1) Ang Ama Naisakatawan sa Anak, Nakita sa gitna ng mga Mananampalataya (bb. 7-14)
2) Ang Anak Natanto bilang ang Espiritung Nananahan sa loob ng mga Mananampalataya (bb. 15-20)
c. Ang Tres-unong Diyos Gumagawa ng Kanyang Tirahan kasama ang mga Mananampalataya (bb. 21-24)
d. Ang Pagpapaalaala ng Mang-aaliw at ang Kapayapaan ng Buhay (bb. 25-31)
2. Ang Organismo ng Tres-unong Diyos sa Dibinong Pamamahagi (15:1- 16:4)
a. Ang Puno ng Ubas at ang mga Sanga Nito bilang isang Organismo upang Magluwalhati sa Ama sa pamamagitan ng Paghahayag ng mga Kayamanan ng Dibinong Buhay (15:1-11)
b. Ang mga Sangang Nag-iibigan sa Isa’t isa upang Ihayag ang Dibinong Buhay sa Pamumunga (15:12-17)
c. Ang Puno ng Ubas at ang mga Sanga, Hiwalay sa Sanlibutan, Kinamumuhian at Pinag-uusig ng Relihiyosong Sanlibutan (15:18- 16:4)
3. Ang Gawain ng Espiritu tungo sa Paghahalo ng Pagka-Diyos sa Pagka-tao (16:5-23)
a. Ang Pagparoon ng Anak para sa Pagparito ng Espiritu (bb. 5-7)
b. Ang Gawain ng Espiritu (bb. 8-15)
1) Susumbatan ang Sanlibutan (bb. 8-11)
2) Luluwalhatiin ang Anak sa pamamagitan ng Paghahayag sa Kanya, kasama ang Kapuspusan ng Ama, sa mga Mananampalataya (bb. 12-15)
3) Ilalalin sa mga Mananampalataya ang Lahat ng Mayroon ang Ama at ang Anak (b. 13)
c. Ang Anak Ipanganganak sa Pagkabuhay-na-muli bilang isang Bagong Panganak na Bata (bb. 16-24)
d. Sa gitna ng Pag-uusig ang mga Mananampalataya ay may Kapayapaan sa loob ng Anak (bb. 25-33)
B. Ang Panalangin ng Buhay (17:1-26)
1. Niluluwalhati ang Anak upang ang Ama ay Maluwalhati (bb. 1-5)
2. Itinatayo ang mga Mananampalataya upang maging Isa (bb. 6-24)
a. Sa loob ng Pangalan ng Ama sa pamamagitan ng Buhay na Walang Hanggan (bb. 6-13)
b. Sa loob ng Tres-unong Diyos, ang Pagpapabanal sa pamamagitan ng Banal na Salita (bb. 14-21)
c. Sa loob ng Dibinong Kaluwalhatian upang Maihayag ang Tres-unong Diyos (bb. 22-24)
3. Ang Ama Naihayag na Matuwid sa Kanyang Pag-ibig sa Anak at sa Kanyang mga Mananampalataya (bb. 25-26)
C. Ang Buhay Dumaan sa mga Hakbangin ng Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli para sa Pagpaparami (18:1 – 20:13, 17)
1. Kusang Ibinigay ang Kanyang Sarili na may Kalakasang-loob upang Dumaan sa Iba’t ibang Hakbangin (18:1-11)
2. Sa gitna ng Pagsusuri ng mga Tao, Nanatili Siyang Kapita-pitagan (18:12-38a)
a. Sinuri ng mga Hudyo ayon sa Kautusan ng Diyos sa Kanilang Relihiyon (18:12-27)
b. Sinuri ng mga Hentil ayon sa batas ng tao sa kanilang pulitika (18:28-38a)
3. Hindi Makatarungang Hinatulan ng Bulag na Relihiyon na may Madilim na Pulitika ng Tao (18:38b – 19:16)
4. Sa ilalim ng Kataas-taasang Kapangyarihan ng Diyos, Sinubukan sa pamamagitan ng Kamatayan (19:17-30)
5. Dumaloy sa loob ng Dugo at Tubig (19:31-37)
6. Namamahinga sa Pantaong Karangalan (19:38-42)
7. Nabuhay-na-muli sa Dibinong Kaluwalhatian (20:1-13, 17)
a. Bilang Patotoo Iniwan ang Lumang Nilikha sa Libingang Inihanda ng Taong Nagpapahalaga sa Kanya at Natuklasan ng mga Naghahanap (bb. 1-10)
b. Ipinatotoo ng mga Anghel na Isinugo ng Diyos (bb. 11-13)
c. Ibinunga ang Maraming Kapatid na Lalake at Ginawa ang Kanyang Ama na Kanilang Ama at ang Kanyang Diyos na Kanilang Diyos (b. 17)
D. Ang Buhay sa Pagkabuhay-na-muli (20:14 – 21:25)
1. Nagpakita sa Naghahanap at Umakyat sa Ama (20:14-18)
2. Dumating bilang ang Espiritu upang Ihinga tungo sa loob ng mga Mananampalataya (20:19-25)
3. Nakipagpulong sa mga Mananampalataya (20:26-31)
4. Kasama ng mga Mananampalataya sa Pagkilos at sa Pamumuhay (21:1-14)
5. Gumagawa at Lumalakad kasama ng mga Mananampalataya (21:15-25)