Ang Sumulat: Lucas, tingnan ang tala 31 sa kapitulo 1.
Panahon ng Pagkasulat: Humigit-kumulang noong 60 A.D., mapatutunayang unang isinulat kaysa sa aklat ng Mga Gawa ng mga Apostol (Gawa 1:1).
Lugar ng Pinagsulatan: Hindi matiyak, maaaring sa Cesarea kung saan si Pablo ay ibinilanggo nang panahong yaon (sumangguni sa Gawa 23:33; 24:27; 27:1).
Ang Tumanggap: Teofilo, tingnan ang tala 11 sa kapitulo 1.
Paksa: Ang Ebanghelyo ng Kapatawaran ng Kasalanan —Pinatutunayan na si Hesu-Kristo ang Taong-Tagapagligtas
BALANGKAS
I. Pambungad (1:1-4)
II. Ang Paghahanda ng Taong-Tagapagligtas sa Kanyang Pagka-tao kasama ang Kanyang Pagka-Diyos (1:5 – 4:13)
A. Ang Paglilihi sa Kanyang Tagapagpáuná (1:5-25)
B. Ang Paglilihi sa Kanya (1:26-56)
C. Ang Pagsilang at Kabataan ng Kanyang Tagapagpáuná (1:57-80)
D. Ang Kapanganakan Niya (2:1-20)
E. Ang Kanyang Kabataan (2:21-52)
1. Tinuli at Pinangalanan (b. 21)
2. Inialay at Sinamba (bb. 22-39)
3. Lumalaki at Sumusulong (bb. 40-52)
F. Ang Kanyang Inagurasyon (3:1- 4:13)
1. Ipinakilala (3:1-20)
2. Binautismuhan (3:21)
3. Pinahiran (3:22)
4. Ang Kanyang Katayuan (3:23-38)
5. Ang Pagsubok sa Kanya (4:1-13)
III. Ang Ministeryo ng Taong-Tagapagligtas sa Kanyang mga Pantaong Kagalingan na may Kanyang mga Dibinong Katangian (4:14 – 19:27)
A. Sa Galilea (4:14 – 9:50)
1. Ipinahahayag ang Jubileo ng Biyaya (4:14-30)
2. Isinasakatuparan ang Kanyang Makaapat na Paggawa – Pagtuturo, Pagpapalayas ng mga Demonyo, Pagpapagaling, at Pangangaral (4:31-44)
3. Inaakit ang Okupado (5:1-11)
4. Nililinis ang Nahawahan (5:12-16)
5. Pinagagaling ang Paralitiko (5:17-26)
6. Tinatawag ang Hinamak (5:27-39)
7. Sinusuway ang Nasalantang Pamamalakad ng Sabbath para sa Kasiyahan at Kalayaan ng mga Tao (6:1-11)
8. Humihirang ng Labindalawang Apostol (6:12-16)
9. Tinuturuan ang Kanyang mga Disipulo ng Pinakamataas na Moralidad (6:17-49)
10. Pinagagaling ang isang Naghihingalo (7:1-10)
11. Nagpapakita ng Habag sa Umiiyak na Babaeng Balo, Ibinabangon ang Bugtong na Anak Nito (7:11-17)
12. Pinatitibay ang Kanyang Tagapagpáuná (7:18-35)
13. Pinatatawad ang mga Makasalanan (7:36-50)
14. Pinaglilingkuran ng Kababaihan (8:1-3)
15. Nangangaral sa pamamagitan ng mga Talinghaga (8:4-18)
16. Kinikilala ang Kanyang mga Tunay na Kamag-anak (8:19-21)
17. Pinapayapa ang Bagyo (8:22-25)
18. Pinalalayas ang isang Pulutong ng mga Demonyo (8:26-39)
19. Pinagagaling ang isang Babaeng Inaagasan ng Dugo at Ibinabangon ang isang Patay na Batang Babae (8:40-56)
20. Pinalalaganap ang Kanyang Ministeryo sa pamamagitan ng Labindalawang Apostol (9:1-9)
21. Pinakakain ang Limang Libo (9:10-17)
22. Nakilala bilang Kristo (9:18-21)
23. Inihahayag ang Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Kaunaunahang Pagkakataon (9:22-26)
24. Nagbagong-anyo sa Bundok (9:27-36)
25. Pinalalayas ang Demonyo mula sa Anak na Lalake ng isang Tao (9:37-43a)
26. Ipinahahayag ang Kanyang Kamatayan sa Ikalawang Pagkakataon (9:43b-45)
27. Itinuturo ang tungkol sa Kababaang-loob at Pagpaparaya (9:46-50)
B. Buhat sa Galilea hanggang sa Herusalem (9:51-19:27)
1. Tinanggihan ng mga Samaritano (9:51-56)
2. Tinuturuan ang mga Tao kung papaano ang Pagsunod sa Kanya (9:57-62)
3. Humihirang ng Pitumpung Disipulo upang Ipalaganap ang Kanyang Ministeryo (10:1-24)
4. nilalarawan ang Kanyang Sarili bilang Mabuting Samaritano na may Pinakamataas na Moralidad (10:25-37)
5. Tinanggap ni Marta sa Betania (10:38-42)
6. Itinuturo ang tungkol sa Panalangin (11:1-13)
7. Tinanggihan ng Masamang Henerasyon (11:14-32)
8. Nagbababala na Huwag Mapasakadiliman (11:33-36)
9. Pinagagalitan ang mga Fariseo at ang mga Tagapagtanggol ng Kautusan (11:37- 54)
10. Nagbababala tungkol sa Pagkukunwari ng mga Fariseo at ang Pagkakaila sa Taong-Tagapagligtas (12:1-12)
11. Nagbababala tungkol sa Pag-iimbot (12:13-34)
12. Nagtuturo na maging Mapagbantay at Tapat (12:35-48)
13. Umaasam na Mapalaya sa pamamagitan ng Kanyang Kamatayan (12:49-53)
14. Itinuturo ang tungkol sa Pag-aninaw ng Panahon (12:54-59)
15. Itinuturo ang tungkol sa Pagsisisi (13:1-9)
16. Pinagagaling at Pinalalaya sa Araw ng Sabbath ang isang Nabaluktot na Babae (13:10-17)
17. Itinuturo ang tungkol sa Kaharian ng Diyos bilang isang Butil ng Mustasa at bilang Lebadura (13:18-21)
18. Itinuturo ang tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos (13:22-30)
19. Naglalakbay nang Walang Pagkaabala patungong Herusalem (13:31-35)
20. Pinagagaling sa Araw ng Sabbath ang Lalakeng Minamanas (14:1-6)
21. Tinuturuan ang mga Inanyayahan at ang Nag-aanyaya (14:7-14)
22. Itinuturo ang tungkol sa Pagtanggap sa Paanyaya ng Diyos (14:15-24)
23. Itinuturo kung Papaano ang Pagsunod sa Taong-Tagapagligtas (14:25-35)
24. Ipinahahayag ang Nagliligtas na Pag-ibig ng Tres-unong Diyos sa mga Makasalanan (15:1-32)
a. Sa pamamagitan ng Talinghaga ng isang Pastol na Naghahanap ng tupa (bb. 1-7)
b. Sa pamamagitan ng Talinghaga ng isang Babae ng Naghahanap ng Salapi (bb. 8-10)
c. Sa pamamagitan ng Talinghaga ng isang Ama na Tumatanggap sa Anak (bb. 11-32)
25. Itinuturo ang tungkol sa Maingat-na-katalinuhan ng isang Katiwala (16:1-13)
26. Itinuturo ang tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos (16:14-18)
27. Binabalaan ang Mayaman (16:19-31)
28. Itinuturo ang tungkol sa Pagkatisod, Pagpapatawad, at Pananampalataya (17:1-6)
29. Itinuturo ang tungkol sa Paglilingkod (17:7-10)
30. Nililinis ang Sampung Ketongin (17:11-19)
31. Itinuturo ang tungkol sa Kaharian ng Diyos at sa Pag-akyat-na-may-masidhingkagalakan ng mga Mandaraig (17:20-37)
32. Itinuturo ang tungkol sa Walang Lubay na Pananalangin (18:1-8)
33. Itinuturo ang tungkol sa Pagpasok sa Kaharian ng Diyos (18:9-30)
a. Pagpapakumbaba sa Sarili (bb. 9-14)
b. Pagiging katulad ng isang Maliit na Bata (bb. 15-17)
c. Pagtatakwil ng Lahat at Pagsunod sa Taong-Tagapagligtas (bb. 18-30)
34. Ipinahahayag ang Kanyang Kamatayan at Pagkabuhay-na-muli sa Ikatlong Pagkakataon (18:31-34)
35. Pinagagaling ang isang Lalakeng Bulag malapit sa Jerico (18:35-43)
36. Inililigtas si Zaqueo (19:1-10)
37. Itinuturo ang tungkol sa Katapatan (19:11-27)
IV. Ang Pagbibigay ng Taong-Tagapagligtas ng Kanyang Sarili sa Kamatayan para sa Pagtutubos (19:28 – 22:46
A. Pumapasok sa Herusalem nang Matagumpay (19:28-40)
B. Nananangis para sa Herusalem (19:41-44)
C. Nililinis ang Templo at Nagtuturo sa Loob Nito (19:45-48)
D. Nagdaraan sa mga Huling Pagsisiyasat (20:1- 21:4)
1. Ang Pagsisiyasat ng mga Pangulong Saserdote, mga Eskriba at mga Matanda (20:1-19)
2. Ang Pagsisiyasat ng mga Fariseo at mga Herodiano (20:20-26)
3. Ang Pagsisiyasat ng mga Saduceo (20:27-38)
4. Binubusalan ang Bibig ng Lahat ng mga Tagapagsiyasat (20:39-44)
5. Nagbababala na Mag-ingat sa mga Eskriba (20:45-47)
6. Pinupuri ang Dukhang Babaeng Balo (21:1-4)
E. Inihahanda ang mga Disipulo para sa Kanyang Kamatayan (21:5 – 22:46)
1. Sinasabi sa Kanila ang mga Bagay Na Darating (21:5-36)
a. Ang Pagkawasak ng Templo (bb. 5-6)
b. Ang mga Salot sa pagitan ng Kanyang Pag-akyat-sa-Langit at ng Matinding Kapighatian (bb. 7-11)
c. Ang Pag-uusig sa Kanyang mga Disipulo sa Kapanahunan ng Ekklesia (bb. 12-19)
d. Ang Matinding Kapighatian at ang Pagdating ni Kristo (bb. 20-27)
e. Ang Katubusan ng mga Disipulo at ang Pag-akyat-na-may-masidhingkagalakan ng mga Mandaraig (bb. 28-36)
2. Nagtuturo sa Templo (21:37-38)
3. Ang Kanyang mga Katunggali Nangagsasabwatan upang Patayin Siya at ang Huwad na Disipulo Nagbabalak na Ipagkanulo Siya (22:1-6)
4. Itinatatag ang Kanyang Hapunan upang ang Kanyang mga Disipulo ay Makabahagi sa Kanyang Kamatayan (22:7-23)
5. Tinuturuan ang mga Disipulo ng tungkol sa Pagpapakumbaba at Paunang Sinasabi ang Kanilang Pagkatisod (22:24-38)
6. Ipinananalangin ang tungkol sa mga Pagdurusa ng Kanyang Kamatayan at Inaatasan ang mga Disipulo na Manalangin (22:39-46)
V. Ang Kamatayan ng Taong-Tagapagligtas (22:47- 23:56)
A. Hinuli (22:47-65) (Ikinakaila ni Pedro ang Tagapagligtas – bb. 54b-62)
B. Hinatulan (22:66 – 23:25)
1. Hinatulan ng Hudyong Sanedrin (22:66-71)
2. Hinatulan ng mga Tagapamunong Romano (23:1-25)
C. Ipinako-sa-krus (23:26-49)
1. Pinagdurusahan ang Pag-uusig ng mga Tao (bb. 26-43)
2. Pinagdurusahan ang Paghahatol ng Diyos para sa mga Makasalanan upang Maisagawa ang Humahaliling Kamatayan Alang-alang sa Kanila (bb. 44-49)
D. Inilibing (23:50-56)
VI. Ang Pagkabuhay-na-muli ng Taong-Tagapagligtas (24:1-49)
A. Natuklasan ng mga Kababaihan (bb. 1-11)
B. Siniyasat at Napatunayan ni Pedro (b. 12)
C. Nagpapakita sa Dalawang Disipulo (bb. 13-35)
D. Nagpapakita sa mga Disipulo at sa mga Kasamahan Nila at Nag-aatas sa Kanila (bb. 36-49)
VII. Ang Pag-akyat-sa-langit ng Taong-Tagapagligtas (24:50-53)